Masamang Panaginip

in #teardrops6 years ago (edited)

"Bangungot"

stock-photo-woman-wakes-up-in-the-clouds-570625708.jpg
Image source
Kaya ko pa ba?
Bitaw! Hanggang may oras pa.
Di makahinga, di makagalaw
Pakawalan mo sa higpit yaring yakap
Di man lubos kung sakali
Kahit hawak mo ang tali
Akoy paliparin
Gaya ng sarangolang nataboy ng hangin
At ng ulap man lang ay marating.
Tuluyan ng nalunod
Ubos ang hininga,
binigay lahat sa pagsagwan
ngunit tubig di mapigilan
teka, tama na!
hayaan ko na lang ba?
antaying makaabot sa kailaliman
sa misteryo ng karagatan
kaya ko pa ba?
Nagising sa pagkahimbing
Ginawa ko naman, ngunit di ako yan
Nakakubkob sa kwadradong sulok
Pagud ng tumakbo ng tumakbo
sa masikip na mundo
Paikot-ikot, walang katapusan
At nanatiling nakaurong, nakakubli..
Pano makakalaya
kung minsan at sa huli
ikaw ang wagi..
Ngunit ang huli nga ba ay importante?
Nakaluhod ngayon nanalangin
binubulong sa hangin
Na sana kapalaran baguhin.
Mangarap na sana'y may pangalawang buhay
At duon maglakbay,
sa malawak na aplaya
At aapak sa malambot na ulap.
IMG20180616122408.jpg





Magandang araw! Magdasal bago matulog.Ang tanging sandata laban sa isang bangungot.

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 62507.39
ETH 2451.91
USDT 1.00
SBD 2.64