Kusina ni Nanay Romeskie | Fried Cream Dori in Cream Butter Sauce

in #tagalogtrail6 years ago (edited)

image

Magandang buhay! Nagbabalik na muli ang Kusina ni Nanay Romeskie. Kung nagkataong isa itong restawran, mauubos ang mga suki ng Kusinang ito dahil LuLi ang recipe. Lulubog, lilitaw. Ganoon talaga ang nangyayari lalo na ngayong nalilibang ang Nanay Romeskie sa ibang mga gawain.

Pero magkagayunpaman ay narito na tayong muli at kung inyong mapapansin ay medyo englishment ang niluto ko ngayon. Mangyari kasi ay napakamahal ng mga bilihin kaya naghanap ako ng ibang putahe. At napagdiskitahan ko ang Cream Dori.

Mukha lang komplikado ang putaheng ito (kapag bago sa paningin ko, iniisip ko na agad na komplikado at mahirap gawin) pero simpleng simple lang ang pagluluto nito. Kakaunti lang din ang sangkap na kailangan.

Mga Sangkap

  1. Cream Dori
    Hiwain sa dalawa ang bawat isa.
    image

  2. Butter
    Tinantiya ko lamang ang dami nito pero tingin ko ay sapat lamang ang nailagay kong 1/4 na butter. Yung unsalted ang ginamit ko pero sa susunod na pagluluto ko nito ay gagamit ako ng salted.
    image

  3. Full cream milk
    Isang tasang evaporated full cream milk ang ginamit ko.
    image

  4. Itlog
    Gagamitin ito sa pagpiprito ng isda. Isang itlog lang sapat na. Huwag ka nang maghangad ng mas marami pa. (Medyo rated SPG)
    image

  5. Harina
    Bread crumbs ang ipinalalagay sa recipe pero pwede naman daw ang harina. Harinawa ay maging matagumpay itong pagluluto kong ito.
    image

  6. Calamansi
    Para may launting asim kang matikman. Kaunti lang, isang piraso lang. Para naman hindi pa rin mawala ang ngiti sa iyong mga labi. Pero dahil matigas ang ulo ko, dalawang pirasong calamansi ang piniga ko. (Mahilig kasi ako sa maasim.)
    image

  7. Paminta at asin
    Pampalasa lang. Kailangan may lasa at anghang ang buhay. Basta. Kailangan yun. Sumunod ka na lang.

Paraan ng pagluluto

  1. Iprito ang cream dori.
    Budburan ng asin at paminta ang isda. Isawsaw muna ito sa itlog bago pagulong gulungin sa harina. Saka iprito sa kumukulong mantika.
    Nanay Romeskie's tip: Wala kayong non-stick pan? Painitin muna ang kawali nang mainit na mainit bago ilagay ang mantika. Painitin din nang husto ang mantika bago ilublob ang piniprito para hindi ito dumikit sa kawali.

  2. Hanguin ang pritong cream dori kapag golden brown na ang kulay nito.
    Nanay Romeskie's tip: Pakinggan ang ingay ng piniprito. Kapag malakas pa ito, ibig sabihin ay hilaw pa ang nakasalang. Kapag tahimik na ang mantika ay luto na ang piniprito.

  3. Iluto ang cream butter sauce.
    Lusawin sa mainit na kawali ang butter. Mababang apoy lamang dapat para hindi agad agad masunog ang butter. Isunod ang full cream milk at ang calamansi. Haluing maigi hanggang sa lumapot na ito. Lagyan din ng asin at paminta.

At ayan na po mga kaibigan! Luto na po ang ating cream dori in cream butter sauce!

image

Komento ng mga hurado:

Tatay Ritsard: "Masarap naman" (Parang di gaano nasarapan pero halos ubusin niya ang sauce at kinalimutan ang diet niya)

Ayapot: Mas gusto niya yung pritong isda lang na walang sauce. (Sayang effort ko sa sauce, buti na lang nilantakan ni tatay.)

Mukhang matagumpay naman ang eksperimento kong ito. Samalat na lang sa sinundan (at bahagyang sinuway) kong recipe.

Natakam ba kayo? Ako rin. Hehe. Magmemerienda muna ako.

♥.•:¨¨:•.♥.•::•.♥.•:¨¨*:•.♥

♥.•:¨Maraming salamat sa pagbabasa!¨:•.♥

»»-------------¤-------------««

Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan

»»-------------¤-------------««

Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord

»»-------------¤-------------««

image

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

romeskie.png

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 58802.33
ETH 3158.99
USDT 1.00
SBD 2.42