Ikwento mo sa Steemit

in #tagalogtrail6 years ago

image

Magandang araw mga katropa! Muli pong nagbabalik ang ating patimpalak na pinamagatang Ikwento mo sa Steemit. Simple lamang po ang gagawin. Magbibigay po ako ng mga paksa na maaari ninyong pagpilian, at susulat kayo ng kwento o sanaysay na maaaring hango sa totoong buhay o kathang isip.

Narito ang mga paksa na maaari ninyong pagpilian:

  1. Paboritong kanta.
  2. Kanta na nagpapaalala sa inyo ng isang bahagi ng inyong nakaraan.
  3. Pinakagustong okasyo
  4. Kabiguan/Pagkabigo
  5. Tagumpay

Ngayong linggo ay bibigyang tuon ng ating mga hurado ang daloy ng kwento sa inyong mga katha. Ang ating mga hurado ay ang mga sumusunod:

  1. @beyonddisability
  2. @chinitacharmer
  3. @romeskie

Madali lang, hindi ba? Narito naman ang mga mekaniks ng ating patimpalak:

  1. Gumawa ng kwento o sanaysay na nakasulat sa wikang tagalog. Maaari ring may mangilan-ngilang ingles na salita pero panatilihing nasa 90% pa rin ang tagalog na nilalaman.
  2. Maaaring magpasa ng dalawang katha ang bawat isang Steemian.
  3. Hindi dapat lalampas sa isanlibong salita ang kabuuan ng inyong akda.
  4. Dapat ay orihinal na gawa ang inyong ipapasa.
  5. I-upvote at i-resteem ang post na ito para maraming sumali.
  6. Gamitin ang tags na #steemph at #tagalogtrail sa iyong akda.
  7. Kung gagamit ng larawan ay lagyan ng nararapat na credit kung hindi iyo.
  8. I-comment ang link ng iyong akda para maisali sa patimpalak.
  9. Ang deadline ng pagpasa ng mga akda ay sa September 30, 2018 ng tanghali.

Ang mga papalaring manalo ay magkakamit ng mga sumusunod:

2nd place: 1 Steem
1st Place: 2 Steem
Champion: 3 Steem

Bawat isang mapipili ay magkakamit din ng tig-iisang SBI share. Ang SBI o steem Basic Income isang social experiment na naglalayong tulungan tayong mga steemians na mas kumita pa sa steemit. Maaari niyong basahin ang tungkol dito sa kanilang FAQ

Hihintayin namin ang inyong mga akda!!!

♥.•:¨¨:•.♥.•::•.♥.•:¨¨*:•.♥

♥.•:¨Maraming salamat sa pagbabasa!¨:•.♥

»»-------------¤-------------««

Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan

»»-------------¤-------------««

Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord

»»-------------¤-------------««

image

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

romeskie.png

Sort:  

Sasali ako siyempre, kaso late rin kasi late ka kagabi haha.

Haha. Sorry na kasi. May dumating kasing bisita.. haha

dahil sa boto naging 1sbd ang upvote nito :)
good luck sa lahat ng mga sasali

Pakakapalan ko muna pagmumukha ko at sasali na rin ako nito. Last hour din talaga nagpasa ano? 😅

Munimuni ni K: Sa Kabigoan

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 57886.34
ETH 3104.72
USDT 1.00
SBD 2.54