unang bahagi sa unang pangkat

in #tagalogtrail6 years ago (edited)

178633C8-CB22-4C9D-B96F-4ECCACF4AED1.jpeg

Nagmamadaling naglakad si Jea papasok sa boss nya dahil may inutos ito. Pagpasok nya sa opisina nakasimangot na ang mukha ng boss nya na si Jhake. Natakot sya pwedeng isagot ng boss kaya dahan-dahan nyang inabot.

"Sir eto na po ang lipstick na kailangan mo."

Pag tingin ni Jhake sa lipstick na binigay ni Jea asar na asar ito.

"Jea, anong gagawin ko sa lipstick mo? Sabi ko chopstick dahil kakain ako ng noodles."

Ang boss nya'ng si Jhake ay isang half Chinese at mahilig ito sa noodles kapag umaga. Kumunot ang noo ng boss nya sa inabot ng secretary nya. Dahan-dahan'g lumabas si Jea sa opisina.

"Saglit sir babalik po ako."

"Wag na, mapanis na ito pag balik mo."

Nag-alala si Jea sa narinig nya kaya naki-usap sya sa boss nya.

"Sir, wag naman sana po ang mabigat na punishment."

Naiireta ang boss nya dahil mali nanaman ang rinig ng secretary nya. Hindi na napigilan ng boss nya ang galit kaya napasigaw ito.

"LABAS!! Wala na akong gana."

images (1).jpeg
pinagkunan

Bumalik si Jea sa opisina ng mga katrabaho nya. Ngumingiti lang si Jea sa nagawang mali. Ilang oras ay tinawag aya ng katrabaho nyang si Stanley. Baklang mahilig manita sa mga kilos at sa mga pagtatrabaho sa opisina.

"Puntahan mo muna 'yong mga kliyente sa labas, titingin daw sila ng mga binebenta natin'g mga bahay."

"Yes, sir."

Pinuntahan ni Jea ang mga kliyente at inentertain ito. Nakita ni Stanley na hindi maayos ang pananalita ng secretary at malimit ito ngumiti. Kaya pag pasok ng mga kliyente sa opisina ng boss nila. Nilapitan si Jea ni Stanley at pinagsabihan.

"Ano kaba Jea dapat ngumingiti ka at ayosin ang mga pananalita mo. Dapat ganito ang mga kilos mo."

Kumukembot pa ang katrabaho nya habang nagsasalita para daw dapat ganito ang gawin. Palakad lakad sila sa opisina habang si Stanley ay may mga oa ng ngiti.aid1038212-v4-728px-Act-Around-Girls-(for-Boys)-Step-1.jpg
pinagkunan

Hindi napansin ni Stanley na tinawag si Jea ng boss nya para dalhan sila ng coffee kasama ang mga kliyente kaya umalis bigla ng hindi nagpaalam. Buong akala ni Stanley na kasama nya pa si Jea habang umiikot sa opisina. Nagtitinginan ngayon ang mga tao na pinipigilan ang mga ngiti dahil strikto nga ito. Natapos si Stanley sa pagtuturo kaya nilingon nya si Jea.

"Naintindihan muna ngayon Jea kung paano?"

Eh wala si Jea kaya nag-aasta nalang ito na para sa lahat.

"Kaya kayo dapat ganito ang gawin para makahikayat tayo ng maraming kliyente."

Umupo si Stanley habang nakasimangot dahil napahiya sya. Nagtatawanan ang lahat sa tahimik.

Sa kabilang dako naghatid na ng coffee si Jea sa boss nya at sa mga kliyente.
images (2).jpeg
pinagkunan

Binuksan ng dahan dahan ni Jea ang pintuan.

Nagtitinginan ang mga kliyenteng lalame dahil napaka sexy ni Jea kaso pagpasok nya dala ang termos at materyalis pang kape. Medyo nakakaturn off ang ginawa ni Jea. Lumabas ulit sya para dalhin ang mga baso. Tumingin si Jea sa boss nya at tinitigan sya ng matulis nito. Buong akala ni Jea nagagandahan ang boss nya kaya ngumiti sya habang iwenewave ang ulo nya para bumagsak bagsak ang buhok nya. Tapos ngumiti pa si Jea sa boss nya at parang sinasabi sa mata. At ng mga oras na yon gandang ganda sya sarili.

"Akong bahala sayo sir."

Lalong naiireta si Jhake sa mga kilos ni Jea. Hindi nya alam ang ibig sabihin ng mga titig nya. Nahiya sa mga kliyente nya dahil sa dala ni Jea na termos. Nahiya na talaga sya kaya nilapitan nya si Jea at hinawakan ang kamay palabas sa opisina. Walang ideya si Jea sa nagyayari kaya pag hawak ng kamay ng boss nya bigla itong nagsalita ng mahina.

"'Wag........ sir, naka....kahiya........"

Narinig ng mga kliyente ang napakalumanay na sinabi ni Jea kaya nagtitinginan sila at sinabi.

"Sige, ayos lang."

Dinala si Jea sa opisina nya at habang naglalakad sila sinalubong sila ni Stanley.

"Sir, sir ang record natin sa mga new file ay na corrupt. Ano ang maipapakita natin ngayon sa mga kliyente natin."

Galit na galit ang mukha ng boss nya habang si Jea ay yumoyuko lang. Alam nyang sya ang huling nag open sa computer. Tinitigan sya ngayon ng boss nya ng matulis. Kaya ang umiikot sa isipan ni Jea ay ang tanong.

images (3).jpeg
pinagkunan

"Paano na 'to?"

itutuloy.....

Sort:  

natawa ako promis
bwisit na yan ahahahahaha

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by BeyondDisability from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63914.63
ETH 2664.93
USDT 1.00
SBD 2.77