tapusin ang kwento ni @romeskie (SINO AKO?!) PANTASYA
Halo-halong emosyon ang nananahan sa kaniyang puso. Pagkadismaya. Galit sa sarili dahil hindi niya na inabutan ang lolo dahil sa poot na inalagaan niya sa kaniyang dibdib, ang poot sa taong pinagkatiwalaan niya nang husto. At ang pangungulila sa taong nag-aruga sa kaniya mula nang magkamalay siya. Hinayaan niya nang lumaya ang kaniyang damdamin. Unti-unting umagos ang mga luhang kaytagal niyang pinigilang humulagpos. Hindi niya namalayan ang pagbabagong nagaganap sa kuwaderno sa bawat pagpatak ng kaniyang luha rito.
Habang pumapatak ang mga luha ni Samantha biglang tumahimik ang buong paligid. Maigi nya'ng binasa ang nakasulat. Na-excite sya habang nagbabasa dahil sa wakas masasagot na ang mga katanungan nyang matagal ng gusto malaman. Hindi sya makapaniwala sa nakasulat doon. Lalo syang nagulohan sa mga pangyayaring naganap dahil sa sulat. Huwad pala ang kanyang katauhan. Buong akala'y kompleto na ang pagkatao pero hindi pa rin pala. Ngunit wala syang magawa dahil 'yun ang katotohanan.
"Ano ba'ng klaseng buhay to."
Mga emosyon na hindi sigurado kung ano dapat na maramdaman. Lumabas sya sa bahay at nagpahangin sa labas. Nakatulala habang iniisip kung ito ba dapat ang gawin o mananatili na lang sya sa buhay nya ngayon. Hindi nya alam ang tamang sagot sa mga katanungan sa sarili. Pinaliwanag naman ng lolo nya sa sulat pero bakit hindi nya maintindihan. Napakalaking responsibilidad ang iniwan sakanya at natatakot na baka hindi nya kaya.
"Kailangan ko ba'ng gawin talaga?"
Lumipas ang ilang araw ngunit wala pa ring gunagawa si Samantha. Lumalabas at nililibang ang sarili para pilit limutin ang sakit ng nararamdaman sa pagkawala ng lolo nya. Gusto nya'ng takasan ang responsibilidad na iniwan sakanya.
Isang araw sakanyang paglilibang malayo sa kabihasnan. Pumupunta sa mga kabundokan para mamasyal kasama ang mga kaibigan ay may malagim na nangyari. Nagtayo sila ng tent dahil gabi na at hindi sila makababa baka may mga hayop sa daan. Nagsindi sila ng apoy gamit ang mga patay na kahoy. Habang lumipas ang oras sila ay inantok at hindi na kumuha ng kahoy para manatiling nakasindi ang apoy.
Dahan-dahang dumilim ang paligid dahil kaunti nalang ang ilaw ng apoy. Natulog sila ng biglang sumigaw ang kasama na si Joy.
"Aaaaaaahhhhhhhhh.!"
Nagsilabasan ang lahat para hanapin kung saan na si Joy. Ngunit hindi nila ito makita at kahit anong tawag nila sa pangalan nya ay hindi ito sumasagot.
"Joy--------Joy-----, 'wag kang magbibiro."
Napagod sa kakasigaw ang magkaibigan at lumapit sa apoy para sindihan ulit ito. Sinisindihan ni Jane ang mga kahot gamit ang pospuro. Ngunit kahit anong sindi nya'y ayaw itong mag-apoy. Lumamig ang paligid at kakaibang katahimikan ang kanilang naramdaman. Patuloy sa pagkadlit ng posporu si Jane kahit ito'y nanginginig na. Umilaw na sana ang posporu pero parang my umihip nito na hindi nila namalayan. Kaya sinindihan nya ulit ang posporu at sa pagsindi nya bigla nilang nakita ang mukha.
pinagkunan
"AAAAAHHHHHHHHHHH!.......!"
Unang sumigaw si Jane dahil nakita nya ito sa harap nya. Napatingin si Jay, Acosta at Samantha dahil sa sigaw. Nanginginig sila sa takot habang pinagmamasdan ang halimaw. Hindi makagalaw dahil sa takot. Napalibutan sila ng mga halimaw kaya sigaw sila ng sigaw sa kabila ng nararamdaman na wala na talagang pag-asa. Pinikit nila ang mga mata nila habang kinakagat si Jane sa leeg at kinakain ang mga parte ng katawan. Umiiyak sila sa takot at nagmamakaawa pero nagtatawanan lang ang mga halimaw. Patungo na kay Samantha ang isang halimaw para kagatin ito pero may biglang tumulak sakanya na hindi nya nalalaman. Tumakbo sya ng mabilis dahil sa takot at wala na syang ibang iniisip kundi ang makaligtas. Hinabol sya nito at laking gulat nya na hindi sya makita ng mga halimaw kahit nasa harap lang sya. Nanginginig pa rin sya habang nagtatago at pagsapit ng umaga umuwi agad sya at nakakulong sa kwarto nya. Takot na takot ngunit gusto nyang maghiganri kaya naalala nya ang sulat ng kanyang lolo.
"Sam apo, kung mababasa mo ito malamang wala na ako. Sam hindi ako galit sayo dahil mahal na mahal kita na parang tunay kung apo. Pasensya na kung hindi ko agad sayo to sinabi dahil natatakot ako na baka mawala ka sa aking tabi. Sam oras na siguro para tanggapin ang responsibilidad mo bilang isang prinsipe. Kung nagtataka ka kung bakit sinabi ko na ikaw ay isang prinsipe ayos lang dahil kahit naman ako. Sam anak ka ng hari at reyna ng mga diwata, matalik ko silang kaibigan dahil mababait sila. Ngunit ang kabaitan nila ay pinagsamantalahan ng mga itim na engkanto kaya pinaslang sila. Ikinulong ka nila sa katawan ng isang babae dahil alam ng lahat na ang anak nila ay isang lalake. Pero may paraan paano ka mababalik sa pagiging lalake ngunit kailangan mo munang pag-aralan kung paano gamitin ang iyong kapangyarihan. May libro akong inilibing sa likod bahay malapit sa may puno ng sampalok. Tandaan mo Sam kung gusto mong maging lalake dapat magaling kana sa paggamit ng
mahika dahil mararamdaman ng lahat ang iyong aura dahil sa lakas nito. Isa kang prinsipe kaya normal lang na magkaroon ka ng kapangyarihan. Ngunit nasa sayo na yun kung gusto mong tulingan ang kapwa mo diwata. Hanggang dito nalang sam at mag-ingat ka lagi."
pinagkunan
Lumbas si Sam at pumunta sa likod bahay sa may puno ng sampalok. Pagdating nya doon bigla syang nagulat.
"Handa kanaba?"
Salita ng tao na nasa sanga ng sampalok.
"Sino ka?!"
"Aaaah ako po pala si Hag-as panginoon, nandoon po ako noong sinalakay kayo ng itim na engkanto. Patawad po at mahina ako, ang kaya ko lang ay magtagao."
Naliwanagan si Sam kung bakit sya nakaligtas. Hinukay nya ang libro at binuklat ito. Binasa nya ang mga nakasulat ng paulit-ulit hanggang sa bihasa na sya nito pagkatapoa ng isang buwan. Bumalik na sya sa pagiging lalake at para bang nagising ang lahat. Mga diwata at itim na engkanto ay hinahanap na sya hanggang sa......
itutuloy.....hehehe
Salamat sa pagbasa
Kaya mo pala tinatanong yung pluma. Hehe. Pasensorry na, hindi ko nasagot kanina. Buti na lang sinagot ni @twotripleow. Salamat sa pagsali. Medyo natakot ako sa plot pero buti na lang tinapos ko ang pagbabasa. Hihintayin ko ang kasunod. Hehehe
Ngot, sobrang laki ng improvement mo in terms of mechanics (grammar, punctuation, at lalo na sa spelling). ☺
Maganda ang naisip mong plot, pero bitin nga. Hehe
bitinun para another vote n sad then panapi,haha joke
anyway thanks, depende pa kubg ganhan nako ni humnon chen
Posted using Partiko Android