Patimpalak ni @romeskie: Pangyayari sa iyong nakaraan na nais balikan para itama ang pagkakamali o muling isabuhay ang magandang karanasan

in #tagalogtrail6 years ago (edited)

image

larawan: https://www.google.com

"PATAWAD ITAY"

Ilang taon na ba ang nakalipas ng huli kong marinig ang sabi ni itay. "Gumising ka na Paul at baka malate ka sa klase." Ang palaging sabi ni itay sa t'wing ako'y matagal gumising. Kung andyan naman ako sa mesa hindi pa rin sya natatapos sa pagsasalit. Pinapagalitan nya ako sa hapag kainan dahil tingin nya ay inaantok pa ako. "Ano ba yan Paul...., kung matulog ka ay parang manitka." Sa paghatid naman nya sa'kin sa paaralan habang nasa kalsada kami ay gumagamit din sya ng paulit-ulit na salita. "Aba'y bilis-bilisan mo naman ang iyong lakad."
Ngunit ang lahat ng ito ay isa nalang masayang ala-ala, kung may masaya aba syempre may napakalungkot din. Sisimulan ko ang kwento noong ako'y bata pa at si tatay ay buhay pa pero 'wag kayong lumuha dahil ako lang dapat na gumawa. haha joke

Bago pa guminhawa ang aming buhay dahil mga matatanda kong kapatid ay may trabaho na galing po ako sa mahirap na pamilya.(sa bisaya pobreng oten.haha) Siguro and edad ko ay walong taong gulang pa lang ay sumasama ako kay itay sa bukid at dagat. Hindi nya ako sinasama pero ako ang may gustong sumama. Ang hanap buhay ng aking itay ay pangngisda at pambubukid. Mabait si itay, hindi sya lumalaban 'pag inaaway ni inay. May mga salita si inay na masakit talaga pakinggan. "Napakatamad mo naman Pablo, hindi pa sapat ang kita mo sa araw-araw. Subokan mo namang dumiskarte ng ibang pagkakakitaan!!" Malakas na sabi ni inay habang nakayuko lang si itay. Bata pa ako noon pero hanggang sa aking paglake ay hindi pa rin nagbabago ang mga binibitiwang salita ni inay. Nalulungkot ako para kay itay pero hanggang sa isip lang pala ang aking kalungkotan. Ang pagiging anak ko kay itay ay nagkaroon ng distansya. Noong tumontong ako sa high school, hindi na ako sumasama kay itay. Presko pa rin sa aking ala-ala noong nasugatan si itay sa talampakan ng palakol. Lagi kasing tulala si itay kung kumusta na si inay dahil naglayas sya at ilang linggo na ang nakaraan. Malimit ng magsalita si itay, ramdam ko ang lungkot nya sa paglisan ni inay. Hindi ko alam ang nararamdaman nya pero tingin ko ang pakiramdam nya ay hinulog sakanya ang buong mundo at nawalan na ng pag-asa. Habang ako naman ay abalang sumasama sa barkda dahil malungkot ang bahay, wala akong maramdamang pagmamahal na namuo. Hindi naman talaga ako nalilibang sa barkada pero sumasama lang ako para makalimutan ang oras. Sumantop sa isipan ko noon at sinabi sa sarili ko, "kung mayaman lang sana kami hindi magkakaganito ang buhay."

Taon ay lumipas at salamat ay bumalik si inay na nakayuko habang may dalang masarap na tinapay. Naging maayos na ang lahat, ang pamilya ay naging masayahin na. Oo hindi mawawala ang away mag-asawa basta hindi lang sumobra. Masaya na nga ang buhay pero mukhang tumanda na si itay. 73 taong gulang sya noon ng nagkasakit sya at ako naman ay nag-aaral sa malayo sa aking pagiging iskolar sa kolehiyo. Hindi ko nga malimutan dati noong papunta ako ng skwelahan pinapasan nya ang baon kong bigas, siguro mga 20 kilos yon. "Ako na ang magbuhat tay dahil mabigat po ang bigas." Pakiusap ko sakanya pero tumatanggi naman sya sa pakiusap ko. "Ano ka ba anak, lakas ni itay ay mas malakas pa sa kalabaw." Pabirong sagot ni itay. Nakikita ko sa mga mukha nya ang galak at pagiging proud sa akin, bihira lang ako umuwi sa bahay simula ng nag-aral ako. Dalawang beses lang ako umuwi at sa oras na babalik ako hinahatid ako lagi ni itay kahit mahina na sya. "Pero nakakaiyak na eh, ipagpatuloy ko pa ba?haha"

Ito ang gusto kong mangyari ulit o maibalik ang oras. Tinawagan ako ng kapatid ko sa telepono. "Paul bilisan mo ang pag-uwi baka hindi mo ba abotin si itay." Dinalian ko ang pagtakbo papunta sa sakayan galing sa skwelahan. Para akong kidlat ng tumakbo dahil nag-aalala na ako. Pagdating ko sa bahay pagkalipas ng 5 oras mula sa skwelahan ay nakahiga na si itay. Paglapit ko ay wala na syang buhay, hindi na ako umabot sa huling hininga nya. Niloko ako ng kapatid ko, ilang oras na palang nagpapahinga si itay. Ang mundo'y biglang dumilim kahit tirik na tirik ang araw. Hindi ko na makita ang kanyang mukha dahil ang mga luha ko'y parang ulang na bumuhos ng malakas at galit na galit ng walang dahilan. "Bakit? bakit? hindi muna ako hinintay, itay?" Umiiyak ako kasi alam kong hindi na pwedeng ibalik ang buhay ni itay. Wala na talaga sya kahit anong gawing iyak ko pa.
Sana'y maibalik ko ang oras at panahon na minsan kong sinayang. Sana'y inabot ko ang huling hinga ni itay para sa ngayon sa twing napapaginipan ko sya ay hindi na ako lumoluha kahit ako ay matanda na ngayon. Kung pwede lang sana.......haaayyy!!

Salamat sa pagbasa.
image

Sort:  

Kung mayroon mang pangyayari sa nakaraan na nais kong balikan, iyon ay ang maging mabuting anak kay Papa. Medyo naka-relate ako sa kwento mong ito dahil katulad mo, hindi ko rin naabutan si Papa sa huli niyang hininga. Kaya ramdam ko 'yung lungkot at panghihinayang.

Bagama't naka-relate ako sa kwento mo, hayaan mo akong husgahan ang akdang ito base sa mekaniks ng patimpalak ni Mam @romsekie.

Unang-una, alam kong napuna na ni Mam Rome ang paglalagay ng tunay na link ng pinagkunan ng larawan upang bigyan ng credit ang nagmamay-ari nito. Ngunit napansin ko pa rin na hindi ang mismong link ng pinagkunan mo ng larawan ang nilagay mo, kundi google.com lang. Alam kong hirap ka sa bahaging 'yan dahil nga cp ang gamit mo. Pero kung makakasanayan mo, hindi na 'yan magiging mahirap sa kalaunan. :)

Pangalawa, pansin ko rin ang haba ng mga talata. Mas mainam kung paiklin ang bawat talata lalo na kung kailangan nang putulin ang mga pangungusap na puwedeng namang ilagay sa kasunod na talata. Magiging dragging o nakakaumay kasi kapag nakikita pa lang ng mga mambabasa ang mahabang talata na pwede naman putulin. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay kailangan putulin o paikliin ang talata. Masasabi kong exemption kung magkaugnay naman ang mga pangungusap na nasa iisang talata.

Pangatlo, may mga napapansin lang akong kaunting pagkakamali sa pagbabaybay ng iilang mga salita gaya ng kalungkotan (kalungkutan), tumontong (tumungtong), paglake (paglaki), atbp. Alam kong struggle is real lalo na't hindi tayo native Tagalog speaker kaya medyo nauunawaan ko. Pero maisasaayos naman 'yan sa pagiging mambabasa at pag-oobserba ng mga binabasa dahil 'yan din ang magtuturo sa atin bilang manunulat.

Pang-apat, hinahanap ko ang paggamit mo ng mga salitang panglarawan, at nakikita ko naman ang effort mo sa paggamit n'on. Pero aaminin ko ring kaunting paglalarawan lang din ang ginamit mo sa sanaysay na ito. Ngunit sobrang na-appreciate ko pa rin iyon dahil sumubok ka pa rin kahit hindi iyon ang nakasanayan mo sa pagsusulat.

Iyon ang nakikita kong positibo sa 'yo bilang manunulat. Hindi ka takot na sumubok at tumanggap ng mga hamon sa pagsusulat.
At ramdam ko rin namang gusto mong matuto kaya saludo ako sa mga manunulat na kagaya mo.

Dahil d'yan, alam kong malayo pa ang mararating mo lalo na kung bukas ang isipan mo sa mga payo o kritismo ng iba.

Sa kabuuan, may emosyon ang sinulat mong ito. At sana'y sumulat ka pa nang sumulat kasi nakikita kong may potensyal ka sa pagsusulat. :)

haha haba te, ganoon ba?! salamat at mukhang napaka seryoso ng iyong kumento, tanggap ko rin kung may mapuna sa gawa kasi mismo ako alam kong may pangungusap na hindi ako kontento pero pinagpatuloy ko nalang dahil nahihirapan na ako,haha but anyway the main point is i really appreciated your advice, haha grabe yong sabi mong sumasali pa rin ako ah, sakit non, haha kahit hindi ako magaling, pero biro lang, salamat sa lahat ng payo...i review your comments again and again..but smile pa rin ako.haha

Posted using Partiko Android

Grabe ka, Paul! Hehehhe. Mas maayos nga 'yong sumasali ka palagi sa mga patimpalak e. Positive kaya 'yon kasi hindi biro ang pagsali sa mga patimpalak. 😊
Pasensya na rin at napahaba ang komento ko. Madaldal kasi ako bilang hurado. 😅
Naaappreciate ko rin talaga ang willingness mo sa pagsusulat sa pagiging open-minded mo sa mga komento ng iba. Mabuhay ka, Paul! 😄

hoy matagal na am ng buhay, wag mo naman akong patayin, haha willingness ba?eh syempre yon lang meron sko eh, haha, tamad ako mag-aral at magbasa kaya yong kapal nalang ng mukha ang basihan dito, hindi na galing baka magkamali ang hurado someday at mananalo rin ako,haha

Posted using Partiko Android

Tama ka may potensyal siya sa pagsulat, relate ako sa story nya.

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 59368.30
ETH 2461.60
USDT 1.00
SBD 2.45