Hindi mali ang umasa (romcom)

in #tagalogtrail6 years ago (edited)

steem1.jpg
pinagkunan

Ako si Xian, kasalukoyang nag-aaral ng fourth year highschool. Naranasan ko kung gaano kasaya ang buhay kapag may kaibigan. Naalala ko nga dati noong sa elementarya ako. Sinama nila ako'ng sa camping sa tabing dagat. Naglalaro kami noon ng tagu-taguan at ako ang taya. Nagbilang ako hanggang dalawampo bago hanapin sila. Pagkatapos kong magbilang hinanap ko kaagad sila. Tuwang tuwa ako habang naghahanap sa kanila. Lumipas ng mahabang oras pero hindi ko pa sila nahanap. Nagtaka na ako at nag-alala. Kaya nagtanong na ako sa mga ibang tao doon. Tama nga ang ayaw kong paniwalaan, umuwi na sila at iniwan ako. Hindi lang yan ang magandang nangyari sa'kin. Noong sa first year ako nasubokan ko rin ng my hinahangaan na babae. Hiningi ko ang number ng phone nya at nagbigay naman sya. Tuwang tuwa ako dahil binigay nya sa akin number nya. Pag-uwi ko sa bahay agad ko syang tinext mga alas 7 ng gabi 'yun. Naghintay ako sa reply nya hanggang sa makatulog nalang ako. 'Pag gising ko sa umaga nagreply na sya sa akin.

"Pasensya na nakatulog ako."

Ngumiti ako kasi nagpaliwanag naman sya. Ayos lang kasi hindi rin maiwasan ang ganyan eh.

Ngunit ngayon okay na ako, wala na akong pakialam sa society. Magsaya sila ng magsaya, magsisi lang din yan sa huli. Hindi dapat nililibang ang pagiging binata dapat ito'y ihinahanda para sa bukas. Unang araw sa skwela at ang lahat ay ang saya-saya. Ang iba ay tuwangtuwa dahil classmates pa rin sila. Mayroon namang mga babaeng gandang ganda sa sarili. Pinapalibutan pa ng mga tangang kababaehan. Sabi ba naman, "ang ganda ganda mo talaga, gusto kong magkaroon ng ganayan." Syempre mayroon din'g sikat sa mga kababaehan. Gwapo ba naman at mabait, tawa nalang ako at sabay sabi sa sarili "aba nice guy." Ang masasabi ko sa kanila niloloko lang nila mga sarili nila. Mas nakakalibang kung maglibang ka mag-isa. Lalakad ka ng walang inaalala. Ang buhay kabataan ay puro pagnamayabang. Ako ngayon kumakain sa rooftop ng skwelahan mag-isa.
"Nice place, ang sarap ng hangin at mapayapa pa."

Lumipas ang mga araw sa kakatambay sa rooftop. Pero malas ang oras na 'to kasi umuulan. Naglalakad ako sa hallway ng skul para sa baba nalang mahintay na tumila ang ulan. Ngunit sa sa aking paglalakad kinakabahan ako. Napakatahimik kasi kaya kinikilabotan ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng may umiiyak na boses ng babae. Nag-alala tuloy ako at nagtanong sa sarili.

"May multo ba dito?"

Syempre dahil sa curiosity hinanap ko kung saan ang boses nagmula. Nagdahandahan lang ako dahil medyo kinakabahan ako. Naramdaman kong papalapit na ang boses. Huminto muna ako para ihanda ang aking sarili.

"hmmmmmm ha...ha!!"

Huminga ako ng malalim saka ako nagpatuloy sa paglapit sa boses. Nang malapit na ako, nakita ko na ang babae. Mahaba ang buhok at nakatalikod ito.

"Multo na to, katulad sa napapanood kung horror story."

Umatras na ako ng dahandahan dahil natatakot na ako. Nakaharap pa rin ako sakanya pero paatras akong naglakad. Nadulas ako dahil nabasa ng ulan ang sahig.

"Anak ng...!"

Napansin ako ng babae kaya lumingon ito. Sa paglingon nya nakita ko ang napakaputi nya'ng mukha. Dahil din siguro sa dilim ng paligid pero ang nasa isip ko talaga ay multo. Biglang lumapit sa akin kaya napasigaw ako na parang bakla.

steem3.jpg
pinagkunan

"AAAHHHHHYY......MULTOOOO..."

Pero tumawa ang babae, natawa siguro sa hiyaw ko. Tumigil sya pag-iyak.

"HAHA...hoy bakla, sa ganda kong ito."

Nawala ang takot ko pero medyo nahiya ako. Binago ko ang boses ko at tumayo.

"AHEM! AHEM! Bakla ka dyan, syempre nagulat lang."

Panay ang tawa ng babae, patuloy nya akong pinagtatawanan. Sa mga ngiti nya nakilala ko sya. Si Kim ang kilalang babae sa paaralan. Hindi lang sa maganda, matalino at mayaman ito. Pero hindi ito gaanong nakikita sa labas ng skul. Ang sabi sabi sa skwelahan maldita daw ito at snabera. Hindi ako nagpakilala baka mainsulto pa ako. Tumayo ako at umalis, patuloy pa rin sya sa kakatawa. Nakakainis ang tawa nya, para bang ang oa na.

"Hay naku..."

Lumipas ang ilang araw pumunta ulit ako sa tamabyan ko. Habang kumakain ako at ineenjoy ang moment hindi ko agad sya napansin.

"Si Kim to ah."

Mahilig din pala syang mag-isa katulad ko. At dahil sa tingin ko magkakaintindihan naman kami kaya baka pwede kaming magkaibigan. Naglalakad ako ng dahandahan patungo sakanya.

"Ano..pwede ba tayong maging kaibi-"

"AYOKO!!"

"HA?? Hindi pa nga ako tapos magsalita eh."

"Alam ko na ang sasabihin mo kaya AYOKO!"

Tumahimik ang paligid sumabay sa pagtahimik ko. Sumandal ako sa pader at umidlip.

"Kim andito ka pala, kanina pa kita hinanap."

Dinilat ko ang aking mga mata dahil parang ibang boses ang narinig ko. Hinila ng babae si Kim at inalok na sa baba kumain. Nagulat ang babae ng makita ako.

"UY!! Xian, ba't andito ka? May binabalak kang masama kay Kim ano?"

"Ay puta ikaw lang pala."

Sya si Yui ang kaklase ko, sya ang tipo ng babae na tatangatanga. Friendly type of person din sya. Maganda sya pero walang laman ang utak, clumsy pa.

"Anong puta!! Hoy bir-"

"Aba ang bilis bagohin ang storya pero huli na." sabi ko sa isipan ko.

"Wala pang nangyari sa'kin na ganyan no."

Lumapit sya sa akin at pinalopalo ako sa balikat. Kung makapalo sa'kin to, akala mo close eh.

ste.jpg
pinagkunan

"Mag-ingat ka Yui baka may gagawin sayong masama yan."

Umatras bigla si Yui at tinakpan ang dibdib nya. Hindi ko masabi kung pinagkamalan ako nitong rapist. Takot na takot ang mukha. Sumimangot ang mukha ko at umiwas ang tingin.

"Hoy may taste ako."

Napansin ni Yuy na ang pagbibiro ni Kim sa'kin ay kakaiba. Nakatunganga sya habang nagbibiruan kami ni Kim, pero hindi rin ito biru kasi parang binobully lang naman ako ni Kim. Nagtanong si Yuy kay Kim kung matagal na kaming magkakilala. Tumanggi naman si Kim pagsagot sakanya.

"Hindi ako makikipagkaibigan nyan kasi marumi yan."

Inamoy ko ang sarili ko, babae talagang to pinagkakamalan pa akong mikrobyo ah. Puro panlala ang natatanggap ko nito.

"Ganoon ba! Kasi alam ko si Xian walang kaibigan yan, laging nag-iisa sa klase at tumatawang mag-isa. Minsan nga akala ko may sira yan."

"Ah..ganoon ba, tama pa pala ang hinala ko."

Hinila ni Kim si Yuy papalayo silang dalawa.

"Hoy...excuse...... me......., andito pa ako, bago kayo mag tsismis dapat wala na ako." Sabi ko sa isipan ko.

Bumalik ako sa room para sa klase. Natapos ang klase at papaalis na ako napansin kong nababahala ang mukha ni Yuy. Gusto ng umalis ni Yuy kasi may usapan sila ni Kim. Hindi lang nya masabi kay Myra dahil niyaya sya nitong lumabas. Takot naman si Yuy na magalit si Myra dahil kaibigan nya ito at alam nyang hindi nagkakasundo si Kim at Myra. Naiirita ako mga reaksyon na ganyan, ano bang kinakatakotan eh pwede naman humanap ng bagong kaibigan. "

Kaya nagkakaroon ng away dahil sa pagkakaibigan, kapag may kaibigan ka kasi mapunta yan sa pagtitiwala at kapag feeling mo trinaydor ka magagalit ka. Nag-uumpisa ang grabeng away na akala mo hindi magkakakilala. Saan nga ba nag-uumpisa ang inggitan at selosan? Dahil yan sa pagkakaibigan na hindi matanggap na lamang ang isa." Sabi ko sa sarili.

Lalo akong nainis sa mga sinabi ni Myra.

"Magtatampo ako sayo Yuy kapag hindi ka sumama."

Naasar ako sa mga sinabi nya kaya sinadya kong tumawa ng malakas. Nagtitinginan ang lahat sa'kin, pati ang grupo ni Myra. Napatingin din sa'kin ang grupo ni Anton na grupo ng mga pogi, si Anton naman ay nice guy kaya medyo naeereta ako nito dahil OA masyado.

"HA!HA!HAHAHAHA! Ano yan bata para pagkinuhaan ng candy magtatampo."

"Tumahimik ka Xian hindi ka kasali dito."

Galit na galit ang mukha ni Myra sa sinabi ko. Nagpatuloy ako sa pagsasalita na ang mga ginagawa nila ay puro kaoahan.
Ayokong ipagtanggol si Yuy pero hindi rin kasi nagsasalita eh kaya ako nalang ang nagsalita para sakanya.

"Alam mong may lakad na iba yan dahil may nagyayang kaibigan sakanya tapos ayaw mong hayaan yan."

Tumingin si Myra kay Yuy na nakasimangot.

"Totoo ba Yuy?"

Yumuko lang si Yuy at hindi sumagot. Pinilit ni Myra na sumagot si Yuy pero biglang pumasok si Kim sa room at sumambat sa usapan.

"OO, niyaya ko sya."

Tumingin si Kim kay Yuy.

"Kaya pala hindi kapa lumbas eh, kanina pa kita inantay.

Nagulat si Yuy sa pagdating ni Kim. Si Myra naman ay galit na galit na tumingin kay Kim, si Kim kasi ang pinakasikat sa skwelahan. Hindi mahigitan ni Myra ang talino at ganda ni Kim.

Nagtitinginan si Myra at Kim ng matulis. Pinagmamasdan ko lang sila habang nagsasalita ako sa isipan ko na ngumingiti.

"Hala! Ang lakas na ng aura ng paligid. Sambonatan na this."

Ang tagal ng tinginan at walang nangyaring away kaya nauna na akong umalis. Lumabas ako sa room na ramdam ang mga titig ni Myra. Napangiti ako sa mga naeereta sa'kin. Nakalabas ako sa gate ng paaralan. Biglang umihip ang hangin ng malakas. Dinamdam ko ito at tumingala sa langit na nakapakit ang mga mata.

"AAAAAHHHHHH....!!"

steem.jpg
pinagkunan

Biglang gulat ko ng may humapas sa kaliwang balikat ko at umakbay. Mahinang boses na parang umiiyak.

"Salamat Xian, alam kong mabait ka eh."

Hindi na ako nakapagsalita kasi inunahan agad ako ni Kim.

"Mag-ingat ka Yuy at baka hipoan ka nyan."

Bumitaw si Yuy sa akin at lumayo. Takot na takot ang expression ng mukha.

"Hoy! Andito pa ako pinagtsitsimisan nyo nanaman ako, tama na nga yang mga paratang nyo sa'kin baka idemanda ko kayo."

Nagtatawanan silang dalawa at nagpatuloy sila sa paglakad.

.......itutuloy...every saturday....

Sort:  

Gandang estorya, naaliw ako
...aabangan ko...

Posted using Partiko Android

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 62915.59
ETH 2542.92
USDT 1.00
SBD 2.63