SELDA KATORSE

Mga mamamatay-tao, mga pusher, mga adik, mga rapist--- sila ang laman ng SELDA KATORSE. Dito pinagsama-sama ang mga halang ang kaluluwa, ang mga walang konsensya at mga hindi na nababagabag na gumawa ng krimen. SELDA KATORSE, ang seldang pinakasikat at kinatatakutan sa lahat.

"Hala sige pasok", at binatukan ng pulis ang isang tila higit bente anyos na lalaki.

"Sir baka naman pwedeng matawagan ang pamilya ko na nandito ako", pagmamakaawa ng binata

"Kami na ang bahalang tumawag sa kanila", walang kabuhay-buhay na tugon ng pulis habang ito ay naglalakad palayo.

Napaupo na lang ang bagong salta sa rehas na kay lamig na kabaliktaran ng mainit na mga mata ng mga batikan ng SELDA KATORSE

9.jpg

"Boss, may bago tayong tagalinis ng banyo", tuwang-tuwang bigkas ni Bruno, isang talamak na adik. Handa siyang gawin ang anuman makahithit lang ng bisyo niya

"Takalan na'to. Mukhang malaki ang kaso nito ah", nangigigil na wika ni Carpio na nakapatay ng isang buong pamilyang inakyat-bahay nilang magkakaibigan.

"Oy, mga loko kayo. Wag nyong takutin yung binata. Ang kinis-kinis pa naman at mukhang bagong paligo", tila natatakam na sabi ni Wilson, isang rapist. Tinabihan nya sa isang sulok ang binata at inakbayan.

" Umandar na maman yang kalibugan mo kosa. Si boss lagi ang una. Wahahahahaha," nakakakilabot na tawa ni Miller, isang bihasang magnanakaw at pinuno ng isang gang.

Tumayo si Alyas Hisuka, ang bossing ng SELDA KATORSE. Lumapit siya sa bagong salta. Naupo sa harap nito. Nakipagtitigan at hinawakan ang binata sa baba

"Boy anong kaga$%han ang ginawa mo at napunta ka rito. Mukha kang may aral ah. Anong kaso mo", pang-usisa ni Bossing Hisuka

Tumugon ang binata

"Umi-iinom lang po-po ako ng so-sopdrinks sa may kan-kanto ng walang damit pang-itaas ng bigla akong hu-hulihin ng mga pu-pulis at dalhin dito", nangangatal na tugon ng bagong salta.

At namilipit sa kakatawa ang mga batikan ng SELDA KATORSE

Wahahahaha! HUWAHAHAHA! BUWAHAHAHA! Isa na namang TAMBAY!!!!

18.jpg

pinagmulan ng larawan
123

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by BeyondDisability from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 59737.47
ETH 3186.24
USDT 1.00
SBD 2.43