Tagalog Serye VII : Unang Bahagi Mula sa Unang Pangkat

in #tagalogserye6 years ago (edited)

image
@toto-ph hihiramin ko muna ang larawang ito, nangangako ako na ibabalik kong muli ito sa'yo

"JONATHAN! Ipaliwanag mo nga sakin kung bakit kailangang ako ang maging muse at magsusuot ng gown na ito para sa parade?", pasigaw na tanong ni Ash (Ashley ang tunay niyang pangalan)

"Beshy Jona nga di ba!? Jonathan talaga. Simple lang ang sagot sa tanong mo, ikaw lang kasi ang nag-iisa naming kaklaseng babae!"

"Si Coach kasi ayaw ako ipa-excuse dito sana nakapagpraktis kami sa volleyball"

" Sige na mag-beauty rest ka muna, akin na yan kamay mo bobonggahan ko ang nail art"

Nagpapatay-sindi na ang ilaw sa loob ng kwarto ni Ash kaya naman ay agad siyang tumayo. Nasaan kaya si Jona? Lumabas siya ng kwarto para hanapin ito. Nagsisisigaw siya at nagtatatakbo ngunit tila wala boses na lumalabas sa kaniyang bibig maging ang kanyang paa ay ni hindi makahakbang. Si Jona ay duguan habang humahalak ang isang... isang pulang nilalang!

image
Pinagkunan


"Ash! Ash!", tawag ng isang lalaki kasabay ng pagkatok nito sa pintuan

Bumalik siya sa kaniyang diwa, panaginip lang pala! Pinagbuksan niya ng pinto ang escort niyang na napapabalitang may gusto sa kaniya. Matangkad, matipuno, gwapo, matalino ngunit medyo may kayabangang taglay (ekstra lamang po siya kaya hindi binanggit ang pangalan). Magaganap ang parada bilang pagbubunyi sa pagkapanalo ni Mayor na sponsor din ng kanilang eskwelahan. Bawat seksyon ay kasama sa parada na inirerepresenta ng kanilang muse at escort. May patimpalak din na pagandahan ng kasuotan at may Q&A, sila ang mga estudyante na puro matatalino. Si Mayor ay isa sa mga hurado, kung sino ang papalarin ay magkakaroon ng 50,000 pesos at pagkakataong makapaghapunan sa bahay ni Mayor.

Habang nasa parada ay hindi pa rin mawala sa isip ni Ash ang panaginip niya. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Sino kaya ang pulang nilalang na iyon? Bakit ganun siya makatitig sakin?

"Aray!", natapilok siya dahil sa takong ng sandals na suo niya hindo kaso siya sanay dahil puro rubber shoes ang suot niya maliban na lamang sa black shoes kapag naka-uniporme.

"Palakpakan naman natin ang magagandang muse at naggagwapuhang escort ng bawat seksyon ng ating paaralan", wika ng tagapagsalita ng patimpalak

"Umakyat na ang seksyon 5, at bumunot kayo ng tanong para sa inyo"

"Number 2 ang nabunot ko mam", wika ng muse ng seksyon 5

"Narito ang tanong, Kung magiging Mayor ka ano ang batas na ipapatupad mo? At bakit? Ikaw muna escort"

"Ipapatupad ko ang buwanang sustento para sa mga indigent ng senior citizen dahil maraming mga senior ang hindi na kayang maghanapbuhay, wala ng hanapbuhay o kaya naman ay hindi man lamang maalala ng mga anak.", sagot ng escort mula sa seksyon 5

"Ngayon ikaw naman magandang binibini"

"Maraming salamat po sa inyong tanong. Para sa akin gusto ko ipatupad ang libreng gamit pang eskwela, bag at uniporme lalo na sa pampublikong paaralan dahil ang iba ay hindi na pinag-aaral dahil walang pambili ng gamit ang mga magulang."

"Aba aba! may future sa pulitika ang mga batang ito"


Tuloy-tuloy ang patimpalak hanggang umabot sa grade 10, bawat grade ay may limang seksyon. Ngayon ay ang seksyon 1 ng grade 10 naman.

"Narito ang tanong para sa'yo binibining Ashley at sa'yong escort. Kung ikaw ay papipiliin, alin ang nais mo? Ang maging maganda o maging matalino?"

"Okay lang ba mam ako muna ang sasagot?",tanong ng escort niya

"O sige"

"Para sa akin mas gusto ko maging gwapo, kasi pag gwapo ka famous ka",palakpakan ang mga tao dahil gwapo naman talaga ito

"Ikaw naman binibini"

"Kung ako naman papipiliin mas gusto ko maging matalino, kasi kahit tumanda ka hindi ito mawawala sa'yo at higit sa lahat pag matalino ka hindi hindi ka basta malilinlang"

"Parang may hugot kayo ah, magsiupo muna kayo. Bigyan natin ng ilang sandali ang mga hurado para matanghal ang mga nanalo.

Makalipas ang ilang saglit...

Madaliin natin ng resulta baka kasi naiinip na kayo. Ayun na nga katulad ng inaasahan nanalo ang bida, syempre naman. Sa gabi ding iyon ay maghahapunan sila ni Ash sa bahay ng Mayor. Kasabay na sila ni Mayor papunta ng bahay nito, puro sa ibang kotse sila nakasakay kasama ang ilan taong taga media para kunan ng litrato ang magiging hapunan. Totyal di ba ala celebrity sila.

"Magpapalit lang ako ng damit", paalam ni Ash sa kanyang escort, at pumasok siya sa isang CR sa bahay ni Mayor.

"Hintayin kita dito sa labas lang Ash ah. Tawagin mo ako pag may kailangan ka"

Pagpasok na pagpasok niya ng cr ay may iba siyang naramdaman. Sobrang lamig! Maya-maya pa ay may narinig siyang sitsit ngunit hindi niya ito pinansin. Pagkatapos niyang magpalit ng damit ay nais niyang tignan ang mukha kung ayos pa ba ang make up dahil baka hindi na hindi pa naman siya marunong mag-ayos.

"Umalis ka na..", isang nakakatakot na tinig, kinikilabutan siya.

"Sino yan?"

"Umalis ka na...", papalapit ng papalapit ang boses

Lumingon-lingon siya sa paligid ngunit wala naman siyang makita kaya naman ipagpapatuloy na niya ang pag-aayos ng sarili ng...

"Umalis ka na!", sabay ng paglitaw ng isang imahe sa salamin

image
Pinagkunan

"Si-si-no ka?", napaatras siya sa sobrang gulat

"Umalis ka na! Ikaw na ang isusunod niya! Hindi siya ang taong kinikilala mong siyaaaa!"

Nagpatay sindi na naman ang ilaw, unti-unting lumalaho ang boses.

Dali-dali niyang binuksan ang pinto upang matakasan ang tila bangungot na nangyari kanina.

"Halika na, kakain na daw tayo"

Naging maayos naman ang kanilang hapunan dahil napakasarap ng mga pagkaing ihinanda para sa kanila. Halos alas 11 na sila nakauwi sa kani-kanilang mga bahay.

Agad siyang nakatulog dahil sa sobrang pagod sa buong araw.

"Ash...Ash... halika rito!"

"Lola? Saan tayo pupunta?"

"Ito ang magiging puntod ko pag namatay ako kaya tandaan mo apo, kapag dumating ang araw na may mga bagay kang hindi maintindihan pumunta ka rito. Itong maliit na baul ay itago mo muna sa ngayon"

Bigla siyang napabalikwas sa kaniyang pagkakahiga ng may dumampi sa kaniyang mga paa na sinlamig ng yelo.

"Kailangan kong buksan ang maliit na baul!", nagtangka siyang bumangon ngunit biglang umuga ang kaniyang kama at binalot ng itim na usok ang buong paligid

Itutuloy...


Saan hahangtong ang tagpong ito? Nakasalalay ang lahat kay @beyonddisability ikaw nga ba ang magdudugtong bukas?

Bakit kaya nangyayari ito kay Ash? Ano ba ang laman ng maliit na baul? Passbook kaya? O baka calling card ng isang psychiatrist dahil baka nababaliw na siya? Sino kaya ang magiging Evil Albino? Pogi kaya siya? Ang ibig kung sabihin ay kung masama kaya siyang talaga? Abangan natin bukas mga kaibigan.

Mga Karakter
• Evil Albino (masyado pa pong maaga para matukoy kung sino siya, malamang nagbabalat-kayo!)
• Boyish Girl - Ashley Trinidad na kapag nakita ng mga kalalakihan ay siguradong mabibighani sila kahit ito ay tila lalaki kung kumilos
• Iba pang karakter -- Si Mayor (di ako sigurado kung ekstra lang ba siya o ano), si Jonathan aka Jona sa gabi na beshy ni Ash at si Lola syempre!

Mga Elemento sa Kwento na nagamit
• Lock of Hair ✖

• Tomb (ang puntod ni Lola)✔

• Split Personality ✖

Tema ng ika-Pitong Serye
Unang Pangkat : Thriller

Ang mga magkaka kampi sa laban ngayong linggo

Unang Pangkat

@rodylina, @beyonddisability, @julie26, @cheche016, @kendallron, @valerie15

Ikalawang Pangkat

@romeskie, @twotripleow, @jemzem, @johnpd, @tpkidkai, @artgirl



Thank you to all my followers and to those who will follow me. Your support motivates me to post more and your comments make me smile.

cf48471b-bacd-4af8-9ed2-39be4c3beca7.gif



Click the image below to review me 👇
CLICKABLE

CREATE YOUR OWN @REVIEWME PROFILE TO START EARNING CREDIBILITY STARS FROM THE COMMUNITY!
[CREATING YOUR PROFILE IS EASY!]

Sort:  

OK PO dugtungan ko na.
medyo masama ang aking pakiramdam
pero gawin natin iyan

You received an upvote as your post was selected by the Community Support Coalition, courtesy of @steemph.antipolo

@arabsteem @sevenfingers @steemph.antipolo

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.12
JST 0.031
BTC 67738.65
ETH 3810.43
USDT 1.00
SBD 3.74