Tagalog Serye : Ikaapat na bahagi ng unang pangkat || Si Pepe at ang mundo ng Earthia
ANG NAKARAAN:
Ako po si Aytanna, tara na po Bayani at naghihintay ang punong mahikero para sa inyong pag-eensayo.
Habang nanunuod ang punong mahikero sa mga nagsasanay, kapansin pansin ang taglay na lakas na pinapakita ni Pepe. Mabilis, matalino na tila alam na alam lahat ang mga pagsasanay na ginagawa. Manghang mangha sa kanya ang pinuno. Napagtanto ng punong mahikero na bigyan sila ng matinding pagsubok upang sukatin ang kanilang angking galing.
”Lahat kayo ay aking susubukan! Sa paglubog ng araw, isang malaking pagsubok ang magaganap! Aking susukatin ang inyong galing at lakas sa isang labanan at pautakan.Ilalabas ko si Tragnetti! Sya ang inyong makakatunggali! Kaya lahat kayo ay maghanda!!”
Lumubog ang araw, lahat ay nagtungo sa isang malawak na lugar! Ito ang Pasyo Koliseyo.
Ito ay isang parte ng lugar sa Earthia na kung saan sinusukat ang lakas ng mga alipin sa pakikipaglaban. Iba’t ibang anyo ang nakakulong dito. Sila ay dumaan sa matinding experimento ni Dr. Chechebureche. Sila ay pawang mga hayop lamang dati. Isang uri ng aso, pusa, ibon at ahas. At dahil sa isang experimento, sila ay nagkatawang tao. Ang pinuno ay sadyang inutusan si Dr. Chechebureche upang buuin ang mga ito at gamitin sa ganitong pagsasanay.
Naisipan ng pinuno na ang ilabas nila ang pinakamalakas sa lahat! Si Tragnetti! Sya ang malaking ahas na nagkatawang tao. Maliksi ang kilos at kay hirap patumbahin. Isang makamandag!
Bago ilabas si Tragnetti, kinausap lahat ni Pepe ang mga alipin na kapag hindi na kaya ng kanilang kapangyarihan, Bigkasin lang ang salitang Puki Puki Boom!
Saan nakuha ni Pepe ang salitang Puki Puki boom? Ito’y buong gabi nyang pinagaralan bago ang pagsabak. Sa pagbabasa nito ng mga libro kasabay ng kanyang talino. Nadiskubre ni Pepe na kapag binanggit ang Puki Puki boom ,agad itong mawawala sa kinaruruonan. Alam nya na sa kanyang obserbasyon sa mga kasama ay hindi pa sapat ang kakayahan ang pakikipaglaban kay Tragnetti. Kaya ito’y humanap ng paraan upang lahat ng kasama ay makaligtas sa kamay ni Tragnetti.
Handa na ang lahat! At isang malaking pinto ang unti unting bumubukas! At ayan na nga si Tragnetti! Isang matipuno na may malaki at matabang ahas ang bumungad sa kanila! Nanglilisik ang mata at kulay nito ay pula. Ito agad ay nagbuga ng apoy sa mga alipin.
Eto na nga! Simula na ang laban.
Agad agad nagpalitan ng kapangyarihan. Mga ibang alipin ay kanya kanyang nagpalit ng anyo. Ang lugar ay balot na balot ng ibat ibang klase ng mahika! Ang isang alipin na si Jemzengir ay kumanta ng tila ala Ann curtis sa kapangyarihan nitong makabingi.
I'mmmmm gonna swinggggg..from the chandelier, from the chandelier!!!!!!!!!!
Inabot nito ang pinakamataas na nota ngunit walang ngyare kay Tragnetti ! Lahat ng salamin sa Pasyo Koliseyo ay nabasag dahil sa dulot nito!
Hanggat isang alipin ang tumapik sa balikat ni Jemzengir,
Girl tama na! Wiz ko bet sa tenga ko ang boses mo. Pls. Stop na! Cancel! Kasabay ng sambit nilang Puki Puki Boom!
Agad din sinubukan ni Kidkai na nagbigay ng isang atake!! Sabay sigaw ng HADUKID!! HADUKID!! Kamehame Wave!!!
Isang malaking atake ang binitawan ni Kidkai ngunit wala pa din talaga mangyari. Hangga’t puro PUKI PUKI BOOM na ang naririnig ni Pepe sa luob ng lugar at unti unti ng nawawala ang mga kanyang kasama sa Pasyo Koliseyo.
Si Tragnetti ay sadyang malakas! Ni wala isa sa kanila ang kayang magpatumba sa kanya. Pati si Pepe ay natutulala sa nangyayari.
Hanggat si Pepe ay pumikit na tila ay may bumulong sa kanya. At nang kanyang bigkasin ang bulong ,
”Pong chuwala,
Chi chi ri kong koila”
Isang dasal na Nagpalabas ng kuryente sa kanyang mga kamay hanggat sa tuloy tuloy nya itong sambitin!
”Pong chuwala
Chi chi ri kong koila
(Butse PEK) PEK-PEK-PEK
Bo bochichang
Chi chiri kong tong nang
(Butse PEK) PEK-PEK-PEK”
At sa tuloy na pagbanggit ni Pepe, napansin nyang unti unting nanghihina si Tragnetti. At kanyang nadiskubre na ang tanging makakapanghina sa lakas ng kamandag ng kanyang ahas ay walang iba kundi ang salitang Butse Pek (PEK-PEK-PEK)!
”Chiri wong tong choi,
toro kong tong loy
Chidang bo bochichang chiri kong nong nang
Chiring cho ro yak kang kong o-ohup Butse Pek (PEK-PEK-PEK)”
At tuluyang namatay si Tragnetti.
Hangga’t sa ilang minuto ay lumabas na ang isang kapangyarihan ni Pepe! Ang mga ulap ay unti unting naging itim, kasabay ng malakas na hangin at ulan. Hangga’t isang malaking kidlat ang tumama kay Pepe.
SA KABILANG DAKO:
Dumating na ang mga Tokkamel. Agad na din sisimulan ang pag papalit ng anyo ni De Shawn sapagkat labis na ang pananabik ni Pinunong Kron kung ano ang kalalabasan nito. Si De Shawn ay sinalinan nang kung ano ano upang ito’y maging malakas ulit. Ngunit ayun kay Dr. Valerie-Kalerky na gumagawa ng proseso, sa hawak nyang Power Meter ay kulang na kulang ang kapangyarihang dumadaloy sa katawan ni Deshawn.
Pinunong Kron! Hindi sapat ang mga dugong dumadaloy kay Deshawn upang sya ay makapagpalit ng anyo! Siguro ito na ang tamang panahon at oras na kayo mismo ay sumanib sa katauhan ni Deshawn upang makamit ang kapangyarihang minimithi. Eto ang kauna unahang Fusion na magaganap mula sa kasaysayan.
ITUTULOY ...
Unang Pangkat:
@romeskie , @cheche016, @jampol, @tpkidkai, @oscargabat, @valerie15, @julie26
Ikalawang Pangkat:
@twotripleow, @beyonddisability, @jemzem, @kendallron, @rodylina , @jamesanity06, @chinitacharmer
Mga Elementong Ginamit:
Slavery
Rescue
Transformation
Tema:
Sci-Fi
Mga Karakter:
Bayani: Pepe ( talagang Pepe ang ginamit sa kwentong ito dahil may mga supresa pang susunod).
Villain: DeShawn( Ang halimaw na gustong pagharian ang buong mundo)
God bless you. https://steemit.com/@biblegateway
ano kaya kalalabasan ng fusion na ito
Abangan. 😂
Haha lupit ng mga salitang ginamit. Ano kaya kalalabasan ng fussion namin ni pinunung Kron?
Ayan ang abangan natin boss. Dalawa karakter mo dito. Ayoss! 😂👍