Tagalog Serye: Pang-apat na Yugto - Mula sa Ikalawang Pangkat

in #tagalogserye6 years ago
Mapagapalang araw po sa inyong lahat mga tagasubaybay ng aming #tagalogserye na pakana nila Toto at Jun-jun na nagtatago sa likod ng isang kyut na tarsier ng @tagalogtrail! Bilang ang inyong lingkod ang susunod na magdudugtong sa #tagalogserye ng Ikawalang Pangkat, ibabahagi ko po ang mga naunang pangyayari sa kwento ng aming pangkat upang mas inyo pong maunawaan ang takbo ng istorya. Narito po ang mga kwento ng Ikalawang Pangkat mula sa Unang Yugto hanggang sa Ikatlong Yugto...

Unang Yugto Ni @itsmejayvee
Ikalawang Yugto Ni @romeskie
Ikatlong Yugto Ni @jamesanity06

Nagising Si Leo mula sa kaniyang pagtulog. Hindi sumagi sa kaniyang panaginip ngayon ang sinapit ng kaniyang mahal na kakambal. Lahat ng ala-ala o mga gamit ng kapatid na Si Isabel ay inalis na sa kanilang bahay. Sa tuwing makikita kasi ng kaniyang Ina ang mga gamit nito palagi na lamang itong nangungulila sa kaniyang kakambal. Pumasok siya sa loob ng kwarto nito. Muli nakita niya ang isang kahon na tumutugtog na binubuksan lamang ito ng kaniyang kapatid sa tuwing ito'y nalulumbay. Tumayo Si Leo at kinuha ang music box. Tinitigan niya ito ng maigi. Muli ipinatong ito sa kung san niya kinuha. Tumayo siya at lumabas ng kwarto nito na diretsong lumabas sa kanilang pintuan at sumakay ng kaniyang sasakyan. At nakibalita sa presinto.

Related image
Pinagkunan ng imahe

"May balita na ba sa kaso?" tanong niya sa isang kapwa Pulis.
"May nakalap kaming impormasyon Sir Leo" tugon ng Pulis na anyang may tinitingnang papel na nasa ibabaw ng lamesa nito. Sabay inabot kay Leo.

Nakasaad sa papel na ang pumatay sa kaniyang kakambal at sa mga nagaganap na mga patayan ay iisang grupo lamang mula sa iisang tao lamang na pinakang namumuno sa mga ito. At nakasaad din doon kung saan ang kanilang pinamumugarang lugar.

"Pag-uusapan mamaya kung bukas ay atin silang sasalakayin, kailangan ng matitinding tropa dahil balita ko matindi at malakas ang namumuno sa mga ito" dagdag na paliwanag ng kapwa Pulis.
"Sasama ko bukas" walang kagatol-gatol na kanyang tugon sa kausap.

Di pa man siya nakakauwi ay mayroon nanaman siyang kailangang puntahan dahil may naganap nanamang patayan sa di kalayuang lugar mula sa kaniya. Pag punta niya sa lugar ng pinangyarihan, nakita nanaman niya ang pagkakatulad ng itsura ng pinatay sa mga nakaraang patayan. Labis na siyang nababagot at nanggigil kung sino ang nasa likod ng mga ito. Kailangan na niyang mabigyan ng hustisya ang mga ito lalong lalo na ang kaniyang kapatid.
Umuwi Si Leo at pabagsak na umupo sa kanilang upuan. At maya-maya pa'y nakatulog nanaman siya...

"Leo..." tinig mula sa kaniyang kakambal.
"Isabel..." tawag niya dito habang inaabot ang kamay nito.

Naglaho na lamang ang kaniyang kakambal sa kaniyang panaginip ng may lumapit na lalaki at hinawakan ang kaniyang kapatid sa braso at hinila pabalik sa madilim na sulok na ang tanging kaniyang nakita ay ang pag ngisi nito sa kaniya habang hila-hila ang kapatid. Napabalikwas siya at habul-habol ang kaniyang paghinga. Tinungo niya ang kanilang plaikuran at naligo na. Nagkape lamang sandali at umalis na Si Leo.
Sa presinto, naghahanda na ang mga tropa para sa kanilang pagsalakay sa gagawin nilang operasyon. Ganun din Si Leo, naglagay sa katawan ng mga kinakailangan niya. Inilagay niya ang isang baril sa bahaging likod ng kaniyang katawan at ang isa naman ay sa kaniyang baywang. Nilisan nila ang presinto upang tumungo sa kanilang pupuntahan.

"Kailangan ng matapos ngayong araw na ito ang kawalanghiyaan mo sa mga taong pinapatay mo! Kasama ng mga ulupong mo!" sa isip isip niyang nanggigigil at nabubugnot na sa tagal na mahuli ang taong ginagawang parang hayop na pinapatay lamang ang mga tao.

Related image
Pinagkunan ng imahe

Nakarating sila sa kanilang destinasyon. Nagtataasan ang mga damo rito at napakaraming puno. Sa di kalayuan, matatanaw ang isang abandonadong gusali. Napakalayo nito sa kabihasnan o bayan kaya talaga namang hindi sila matutunton dito.
Agad agad silang tumalima upang pumwesto sa paligid ng lugar. Sumenyas Si Leo na maghahati sila ng pangkat at itinuro niya sa mga ito kung san sila dapat pupuwesto. Dahan-dahang nagkubli sina Leo sa matataas na damo. Tatayo na sana siya ngunit biglang may lumabas na dalwang lalaking may bitbit na malaking supot na itim na tila bigat na bigat sila sa kanilang binubuhat kahit na sila ay magkatuwang pa. Nakita nilang inilagay iyon sa likod ng kanilang sasakyan. At muling pumasok ang dalawang lalaki sa loob ng gusali.
Agad namang sumunod Si Leo ganun din ang mga tauhan niya. Lumapit Si Leo sa may kalakihang pinto at doo'y dumungaw ng bahagya. Sinilip niya ang loob bago sila tuluyang pumasok. Habang hawak ang kanilang mga baril, maingat silang nagtago sa malalaking gamit na nasa loob ng gusali. Napansin Ni Leo na may isang lamesa sa gitna at doon may mga nakalagay na tila ginagamit pang-opera sa ospital. May gunting, maliliit na kutsilyo at kung anu-ano pa.
Maya-maya pa'y nakarinig ng nag-uusap Si Leo mula sa nakasaradong pintuan. At biglang iniluwa ng pintuang iyon ang lalaking pamilyar sa kaniya. Kausap nito ang isa niyang tauhan.

"Mamaya ninyo na itapon ang bangkay nun pagkatapos natin sa isang yan" habang tumingin ng nakangisi sa bandang sulok sa loob.

Related image
Pinagkunan ng imahe

Sinundan Ni Leo ng tingin ang binalingan ng lalaki. Babae! Isang babaeng nakatali ang mga kamay sa likuran at ang mga paa nakatali rin sa mismong kinauupuan nito. Duguan din ang mukha nito na tila nakatikim na ng sampal at suntok. Natutulog ang babaeng naka-hubo't hubad sa kinauupuan nito.

"Laman tiyan din yan kaya huwag kayong mainip!" sabi pa nito.
"Boss, hanggang kelan ba natin gagawin ito? Mainit na tayo sa batas, marahil pinagpaplanuhan na nila tayo" nag-aalalang sambit ng tauhan nito.
"Hindi ako titigil hangga't hindi naiingayan ang mga pusang pulis na yan! At ang mga inosenteng tao ang magiging laruan natin hangga't hindi ako nakakaganti!" galit na galit na pahayag nito sa lalaki bago tuluyang pumasok muli sa nilabasan niyang pintuan.

Naiwan ang lalaki sa labas at umupo ito na malapit sa isang lamesa. Maya-maya pa'y nakatulog ito. Nilapitan Ni Leo ng dahan-dahan ang babaeng nakatali. Tinapik niya ito sa balikat. At nang magmulat ang mga mata'y sisigaw sana ngunit bigla niyang tinakpan ang bibig nito at sinenyasan na huwag mag-iingay. Kinalagan niya ang babae bago niya ibinigay ang kaniyang jacket dito na saktong mahaba para sa babae. Dahan-dahan silang kumilos upang mailabas na muna ang babae sa lugar at para na rin sa kaligtasan nito. Ngunit biglang nagising ang lalaking nakatulog at natanaw sila!

Itutuloy...

* Anong kahahantungan ng pagsugod nila Leo sa pinamumugarang lugar ng pumapatay ng mga inosenteng tao?
* Nailigtas kaya nila ng tuluyan ang babaeng nadatnan nilang nakagapos sa lugar?
* Anong koneksyon ng Music box Ni Isabel sa mga nangyayari?
* Mahuli kaya nila ng buhay ang pinuno ng pumapatay?
* Bakit kaya ito pumapatay sa parehong paraan?

*Bilang ng aking mga salitang nagamit ay mga nasa 1,026.

Pasensya na po at ngayon ko lamang ito napasa, sobrang abala po ako kahapon at ngayong araw na ito. Pasensya na po sa nakayanan ng lutang kong utang. Mapapaganda naman ito ni @tpkidkai, sigurado yan! Ikaw na po bahala, dinala ko na agad sa maaaring katapusan ng kwento*.

Mga Myembro ng Bawat Pangkat

UNANG PANGKAT:
@twotripleow Lunes
@chinitacharmer Martes
@cheche016 Miyerkules
@jemzem Huwebes
@johnpd Byernes

IKALAWANG PANGKAT:
@itsmejayvee Lunes
@romeskie Martes
@jamesanity06 Miyerkules
@julie26 Huwebes
@tpkidkai Byernes

Sort:  

beket keye sele pemepetey

Gagawin ko ang aking makakaya @julie mag-umpisa na ako.

You received an upvote as your post was selected by the Community Support Coalition, courtesy of @steemph.antipolo

@arabsteem @sevenfingers @steemph.antipolo

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63490.29
ETH 2598.32
USDT 1.00
SBD 2.78