TAGALOGSERYE: Huling Bahagi ng Ikalawang Pangkat
Ang nakaraan...
Tumigil ang nagsalita at biglang nawala ang babae. Papalabas na sana sila sa bahay kubo pero bakit ayaw lumabas ni Andy?
Mula kay @tagalogtrail
Dahil ayaw lumabas na Andy sa kubo, pinilit na lang siyang hilain nina Emman at Lenny. Pagkalabas sa kubo, takot na takot pa din ang dalawa na naglalakad sa likod ni Andy, na tulala at tila nasa malayo ang tingin. Maya-maya, nakita nila ulit ang babae dun sa kakahuyan na dating tagpuan ng babae at si Leandro.
Biglang naglakad ng mag-isa si Andy patungo sa babae, at ng makalapit.
"Ang ganda ng biloy mo. May naaalala ako sa yo? Anong pangalan mo?" tanong ng babae.
"Ako pala si Andy. Pero ang tunay kong pangalan ay Andrea." tugon ni Andy.
Nabigla ang mukha ng babae, pero tila may mga ngiti ito sa kanyang mukha.
Sa bahay nila Andy
Nagising ang ama ni Andy at nagtaka bakit nakabukas ang pintuan ng mga kuwarto nila Andy at dalawang kaibigan nito. Pumasok siya roon at nabigla bakit wala ang magkakaibigan.
Lumabas sya sa bahay...
"Nasaan sila? Matawagan nga sila." habang kinakausap ang sarili.
Di sinasagot ng sinuman sa tatlong magkakaibigan ang kanilang cellphone. Dahil naka-GPS ang cellphone ni Andy, natrace ng ama nito kung nasaan sila.
Sumakay sa sasakyan ang ama at humarurot. Pero tila meron kabang nararamdaman ito habang ito ay papalapit sa kinaroroonan ng tatlo.
Sa kagubatan...
Dahil sa ngiti ng babae, na alam naman na natin na si Amanda, yumakap ito kay Andy na parang kanyang anak.
"Anong nangyayari?" tanong ni Emman.
"Di mo ba nakikita? Nagyakapan sila" sagot ni Lenny.
"Pero alam mo, maganda ang babae" ani ni Emman.
"Crush mo? Punta ka roon, makipagpalitan ka kay Andy." pang-aasar ni Lenny para mawala ang takot na nararamdaman.
"Hindi ha! Pag sinabing maganda, crush agad?" sabi ni Emman.
Dahil sa kagustuhang makauwi na lumapit ang dalawa kay Andy, hinila ito para mailayo na kinagalit nng babae. Sa galit nito, tumaas ang mga dahon na biglang kinatakot ng dalawa.
"Bakit nyo kinukuha sa akin ang magandang dalaga? Nakikita ko sa kanya ang sarili ko! Isasama ko sya at tatratuhin ko siyang anak ko!"
Ang lakas lakas ng hangin, pero si Andy ay tulala pa din.
Sa kabilang dako...
Nakita ng ama ni Andy ang sasakyan, at hinanap ang tatlo. Sa lakas ng hangin, humampas hampas sa kanyang mukha ang mga dahon. Ang isa pang dahon na humampas sa kanya ay may ipot ng ibon.
"Yuck! Ano to?"
Pinunasan na lang nito nag mukha ng kanyan kamay, at pinunas naman sa malapit na puno ang kamay, ng may mahawakan din sya na ipot ng ibon ulit. Walang nagawa ang ama kundi ipunas sa kanyang damit.
Patuloy sa paghahanap ang ama habang nilabas ang cellphone na may flashlight. Nakalimutan kasi nito dalhin ang flashlight.
Balik tayo sa tatlo...
Takot na takot ang dalawang magkaibigan. Habang si Andy naman ay nawawala sa sarili. Hinila ng babae si Andy na papalayo pero hangin pa rin ay napakalakas. Silang dalawa ay nakalayo, pero si Emman at Lenny ay susunod sana kaso parang hinhila sila ng malakas na hangin.
Ang ama naman ni Andy ay sumisigaw at tinatawag ang pangalan ng anak. Narinig naman ito ng dalawa.
"Andito po ako dad!"
Napatingin si Lenny. "Ikaw ba si Andy?"
"Ay oo nga pala, hindi. Hehehe" sagot ng tila lutang na si Emman.
"Andito po kami!!!" sigaw ng dalawa.
Napatingin ang ama ni Andy sa boses na narinig. Magkalaon, nakita nya rin ang dalawa.
"Nasaan si Andy?"
"Andun po. Sinama sya nung babaeng maganda na multo!" sagot ni Emman.
"Ano?" ani ng ama.
Familiar ang lugar sa ama ni Andy ang lugar na iyon. Ang ama pala ni Andy ay si Leandro na dating kasintahan ni Amanda. Yung lugar na mismong yun ay kung saan siya nakatira dati. Nakaramdam na si Leandro kaya alam na nya ang pupuntahan.
"Punta tayo doon!" sigaw ni Leandro.
Nahanap nila ang dalawa na magkayakap na parang mag-ina. Di nga nagkamali si Leandro na si Amanda ang kanyang makikita. Napaluha ito, at siya na lang ay kumanta.
Blackbird singing in the dead of night
Take these broken wings and learn to fly
All your life
You were only waiting for this moment to arise
Lyrics
Paborito palang kanta ng dalawa ang "Blackbird" ng bandang The Beatles.
Narinig ni Amanda and boses at ito ay napatingin.
"Amanda, si Leandro ito. Sana pakawalan mo si Andy."
Lumapit siya kay Amanda, at pinakawalan si Andy na lumapit kay Emman at Lenny, na bumalik naman sa katinuan ang isip.
"Anong nangyayari?"
"Manood ka na lang, Andy" sagot ni Lenny.
Yumakap naman si Amanda kay Leandro.
"Ang tagal kitang hinintay. Bakit ka nawala?"
"Ako ay pinakidnap ng iyong ama. Nalaman ko na lang ang nangyari sa yo sa mga tauhan niya. Pinakawalan din ako ng iyong ama. Di na ko bumalik sa lugar na ito dahil naalala ko ang nakaraan at ang nangyari sa yo. Mahal na mahal kita Amanda. Pero sana ikaw ay manahimik na."
"Alam ko mahal ko. Matatahimik na ko ng makita kita. Bumalik ka lang ay masaya na ko. Mahal na mahal kita." pinarinig nito ang cassette tape na nirecord nya dati na nahanap ni Andy sa kubo.
Sumayaw ang dalawa habang kinakanta ang Blackbird. Maya-maya at nawala na ng bigla si Amanda. Si Leandro naman ay nakangiti na din, at masayang mailabas ang kanyang naramdaman.
Lumapit si Leandro sa tatlong magkakaibigan.
"Dad, bakit ang baho niyo?" tanong ni Andy.
"Ay may nahawakan akong tae kanina eh. Pinunas ko sa damit ko!"
Tawanan nilang lahat.
"Uwi na tayo" sabi ni Leandro.
Habang naglalakad ay may nakasalubong sila na kamukha ni Lilia Cuntapay.
"Waaahh!!!"
Sigaw ng apat na mabilis ang takbuhan.
"Anyare sa kanila? Mukha ba akong multo?" tanong sa sarili ng babae.
PAGTATAPOS
Bilang ng salitang ginamit: Mahigit 900
PROMPTS:
Story:
"Isang gabi, tinahak ng isang grupo ng mga estudyante ang kakahuyan (forest) matapos makinig ng isang natagpuang cassette tape."
Obstacles:
"Isang karakter ang palagian na lang nakatuon ang isip sa mga maling bagay."
"Isang karakter ang takot mahusgahan."
Moments:
"Ang ilan sa mga karakter ay nagkaron ng malalim na usapan habang nasa kagubatan."
"Ang isang karakter ay aksidenteng nailigtas ng isa pang karakter."
Prompt
Please support @surpassinggoogle as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
You can also give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
Please support his project as well, which is @teardrops Smart Media Token.
Do support @steemph, @bayanihan, and @sawasdeethailand curation teams. Huge thanks to sir @bobbylee, and @hr1.
Do you use eSteem?
eSteem is a Mobile📱& PC💻 app. for Steem with great features. Also, you get Incentives posting through eSteem apps.
eSteem Spotlight; eSteem provides rewards for it top users in Leader Board with most Posts, Comments and Highest Earners.
Download eSteem for your Mobile📱
Android devices Google Play Store
IOS devices Apple Store
Download eSteem Surfer for your PC💻
Available for all OS Github
Join eSteem Discord https://discord.gg/UrTnddT
Join eSteem Telegram http://t.me/esteemapp
Please vote
for @good-karma as a witness.
Congratulations @iyanpol12, your post has been featured at Best of PH Featured Posts.
You may check the post here.😉
About @BestOfPH
We are a curation initiative that is driven to promote Filipino authors who
are producing quality and share-worthy contents on Steemit.
See Curation/Delegation Incentive Scheme here. Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.
Follow our trail and vote for curated Pinoy authors. If you are a SteemAuto user, @bestofph is an available trail to follow.
If you want to be part of the community, join us on Discord
Ang saya lang , ang ganda! Sapagkat natumbok mo boss iyan ang nais iparating ng kwento! Ang ganda ng pagkakalathala! Hindi ako nabigo! Oo at yun nga ang ang love story ni leandro at andy! Nako! Thumbs up para sayo master! 😁👍 ang galing!
di ko alam bakit ako kinilabutan
o baka dahil hapi ending
ang saya, hangganda ng twist.
aprub boss @iyanpol12
Sa sobrang pagkamatatakutin ko, ngayon ko lang binasa. Ang ganda! May comedy pang naipasok talaga si boss @iyanpol12. Hahaha
maganda, maayos ang pagka dugtong ng kwento at natapos ito ng ganoon din ang gusto pwera nalang sa happy ending. haha over all maganda, malinaw at naintindihan ang daloy ng kwento. nice
Posted using Partiko Android