FILIPINO FICTION: TAGALOG SERYE VIII: IKALAWANG BAHAGI NG UNANG PANGKAT.

in #tagalogserye6 years ago (edited)


TagalogTrail.jpg
Ang larawang ito ay nagmula kay @tagalogtrail

Magandang araw mga ka-serye! Narito po ako, si @czera upang ihatid sa inyo ang ikalawang bahagi ng #tagalogserye. Ako po ay baguhan sa grupong ito kaya inyo pong pagdamutan ang akdang aking nakayanan.

Mangyari lamang po na basahin muna ang FILIPINO FICTION: TAGALOG SERYE VIII: UNANG BAHAGI NG UNANG PANGKAT. sa panulat ni @beyonddisability bago magpatuloy upang masundan ninyo ang kwento.


Ang Nakaraan....

"Lopnayi, ayaw mo ba makipaglaro sa ibang bata", tanong ng matanda
"Apo, yung kwento nyo po kasi ay madalas kong mapanaginipan", pagtatakang sabi ng paslit
"Nauunawaan ko batang matalino. Sa tamang panahon ay matutuklasan mo ang dahilan ng iyong panaginip. Makipaglaro ka na sa labas", pag-aalo ng matanda sa paslit
Mula sa bintana ng kubo ay tanaw ni Apo Lopmayd ang mga susunod na henerasyon ng kanilang tribo. Hawak niya ang isang kwintas na mula pa sa kanyang Apo Somer.
"Malapit na siyang bumalik.Kakalat na muli ang bayrus. Ang mga batang ito ang magliligtas sa amin.", wika ng matanda na bakas ang pag-aalala sa mukha



Pagsapit ng takip-silim ay umuwi si Lopyani sa kanilang bahay upang maghapunan. Kasama nya ang kanyang ina at ang nakatatandang kapatid na si Ahmen. Matapos maghapunan ay dumiretso na sa pagtulog si Lopyani at Ahmen.

Napabalikwas si Ahmen ng marinig nyang nagsasalita habang tulog si Lopyani.

"ta i e
ga ka dis
log wa yon
ser long
ye

Wika ni niya.
"Lopyani! Lopyani! Gumising ka! Nananaginip ka na naman!" Pabulalas na salita ni Ahmen habang niyuyugyog ang kanyang kapatid upang magising ito.
"Kuya, napanaginipan ko na naman ang kwento ni Apo Lopmayd." bigkas ni Lopyani na may kasamang pangamba.
"Bumalik ka na sa pagtulog. Magdasal ka. Ako ay nandito para bantayan ka sa pagtulog" Sambit ni Ahmen sa kanyang kapatid upang mapayapa ang kalooban nito.

Kinabukasan ay maagang nagising ang magkapatid. Sila ay naghanda na upang pumasok sa paaralan at trabaho.

"Mag iingat kayo mga anak" wika ng kanilang ina.

Samantala habang nasa trabaho bilang Manager ng Jubilee, napansin si Ahmen ang tattoo ng isa sa kanyang mga tauhan.

"Iho, napakaganda ng tattoo mo pero alam mo bang bawal na bawal iyan sa linya ng ating trabaho? Kailan ka pa nagkaroon nyan?" Tanong ni Ahmen.
Hindi nakasagot ang tauhan nya bagkus humingi nalang ito ng tawad at nangakong itatago ang kanyang tattoo habang nasa trabaho.

Si Ahmen ay kilala bilang isang malupit na Manager. Walang nakalalampas sa kanya ultimo maliit na pagkakamali ay kanyang mapapansin. Laging kibit balikat ang kanyang mga tauhan kapag siya na nag naguutos.


20140619-Boss-Yelling-at-Employee.jpg
IMG SRC

Paminsan-minsan ay nadadala nya ang ganoong ugali sa kanilang bahay, kahit ang kanyang ina minsan ay gayon nalamang kung kanyang utusan. Ngunit, iba ang turing nito sa kanyang kapatid, napaka espesyal. Alagang alaga. Hindi nya pinababayaan. Tila isang mamahaling dyamante na ayaw nyang pakawalan.

Nang makauwi sya sa kanilang bahay ay halos hating-gabi na. Naabutan nyang nanonood ng Kdrama ang kanyang ina. Hinanap nya si Lopyani, wala ito sa kusina, wala sa kasilyas, wala sa likod bahay at wala din sa kanilang kwarto.

"Nasan si Lopyani?" tanong nito sa kanyang ina na halatang nag aalala.
"Nasa kwarto, kanina pa natulog" Sagot ng kanyang ina habang kinikilig sa kanyang pinapanood.

Napagtanto ni Ahmen ang kalagayan ng kanyang kapatid. Madalas itong maglakad habang natutulog. Lalo pang nag-alala si Ahmen ng maalala nyang madalas managinip tungkol sa kwento ni Apo Lopmayd si Lopyani.

Dali-dali itong lumabas upang hanapin ang kanyang kapatid.
Nag hanap sya ng naghanap hanggang makarating sya sa isang hindi pamilyar at masukal na lugar. Kahit may kaunting takot ay sinuong nya ang masukal na lugar. Laking gulat nito ng makita nyang isang malalim na bangin ang nasa likod ng mga matataas na talahib. Lalo pa syang nagitla ng makita nya si Lopyani na naglalakad ng tulog patungo sa bangin.

Mabilis itong tumakbo upang pigilan ang kanyang kapatid. Ngunit, mabilis din ang mga pangyayari, habang naglalakad ng tulog ay may nayapakan si Lopyani na isang kulay brown na bagay na syang dahilan ng pagkakadulas nito papunta sa bangin, mabuti na lamang at mabilis din ang reflexes ni Ahmen at nahawakan nya ang kamay ng kapatid.


hqdefault.jpg
IMG SRC: Life of Drew (Youtube)

Ngunit hindi pa dito nagtatapos dahil bagaman hindi tuluyang nahulog si Lopyani sa bangin, nakabitin naman ito sa bingit at pilit na iniaangat ni Ahmen. Sa kabutihang palad ay nagising na si Lopyani at kanyang tinulungan ang sariling umangat sa bingit ng bangin.

Matapos ang pangyayari, nagpasya ng bumalik sa kanilang bahay ang magkapatid.
"Kuya, maraming salamat at iniligtas mo ako" wika ni Lopyani sa kanyang kuya.

Habang naglalakad, napansin ni Lopyani sa di kalayuan ang isang lagusan. Inakala nyang isa itong maiksing daan pabalik sa kanilang bahay, ngunit iba ang kanyang natuklasan.

"Kuya dali! Tignan mo. May makalumang pintuan dito. Tara pasukin natin. Baka may kayaman diyan sa loob kagaya ng mga napapanood ko sa pelikula" ani Lopyani

Kahit na nagdadalang isip ay sinamahan ni Ahmen si Lopyani. Pagbukas pa lamang ng pinto ay mapapasin na ang masangsang na amoy. Nang masinghot ito ni Ahmen ay bigla itong nangitim at nawalan ng malay. Dali-daling naghanap si Lopyani ng lunas. Nakakita sya ng isang malaking kahon. Medyo kakaiba ang hugis ng kahon at sya ay nagduda kung anong laman nito, pero binuksan pa rin nya sa pag-asang may lunas syang makikita.

Laking gulat nito ng makita ang laman ng malaking kahon..

Abangan...


Narito ang prompt para sa linggong ito.

Mga Karakter

Hero: Madiskarteng Bida (Lopnayi, Ahmen. Di ako sure kung nakadiskarte ba sila. Abangan nyo nalang sa susunod. Hehe )

Villain: Ang "Virus" (bayrus ni Tragnetti, bayrus ni Cortez, masangsang na amoy)

Bilang ng mga salita: Lampas pitong daan

Maari kayong magdagdag ng tatlo pang karakter ang limit ay limang karakter lamang para hindi masyado nakakalito sa mambabasa ang mga pangalan. ( Ang lumagpas sa 5 characters may poknat kay Junjun sa ruler tsaka minus points sa buong team)

Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metepora)

Slavery
Tattoo
Rescue

Tema ng Tagalog-Serye

Libreng Tema - Kahit ano ang maisip ng dalawang pangkat basta hindi ito nasasalungat sa kanilang kwento.

Ang mga magkaka kampi sa laban ngayong linggo

Unang Pangkat

Username
@johnpd
@iyanpol
@czera
@chinitacharmer
@beyonddisability

Ikalawang Pangkat

Username
@twotripleow
@oscargabat
@blessedsteemer
@romeskie
@jemzem

Sort:  

Ano kaya laman ng kahon? Hmm. Sana ginawa ko akong malupit na kontra-bida haha

Si @chinitacharmer na bahala sayo @twotripleow. Sabaw na sabaw ako kagabi kaya yan lang naisulat ko. Sub lang ako coz madam chinitz is so busy kahapon. Hehehe

Posted using Partiko iOS

nakasabik ang susunod na mangyari.
magaling magaling magaling
clap clap clap

First aid kit siguro yung laman nun. Makikita mo may biogesic at medicol dun. Nyahahah.

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by czera from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 65128.68
ETH 3442.23
USDT 1.00
SBD 2.52