TagalogSerye III: Paliparin ang Paruparo - Huling yugto -TODO NA TO...
Unang bahagi mula kay @jazzhero
Ikalawang bahagi mula kay @johnpd
Ang Nakaraan....
Dalawang lalaki ang matatanaw na nakatayo sa tuktok ng tulay, nasa bingit at nakatingin sa kaawa-awang dalagang nahulog. Ang isa'y tila bang walang ekspresyon. Kung hihimayin ang bawat kibot ng mata't bibig ay marahil makakakita ka ng kaunting bahid ng pagsisisi sa mukha ni Isagani. Sa isa naman ay luhang umaagos ng walang patid. Sa gitna ng hinagpis, isang panalangin at pangalan ang kanyang nasambit...
"Dana ...", naluluhang tugon ni Edward. "Iniligtas ka ng besprend mo.", at pinakawalan ang isang matinding hagulgol.
🎶”Pagbilang mong tatlo,
Nakatago na ako … 🎵
Isa.
Huminga nang malalim ang isa sa mga binata at inipon ang natitirang lakas para sa isang orasyon.
Tatanggalin ko ang lihim na kandado. Sumpa! Isang pagaspas.
Palayain ang alagad sa gapos ng oras! Sampung bagsak ng agos...
......... nɒɒɿɒʞɒn ɒƨ oʞɒ ʞilɒdI
Hawak ni Edward ang Pink na Medalyon.
"Shiela, ililigtas kita...", at pumasok na siya sa wormhole.
EGYPT 1939 -sa pagtatagpo ni Eva at Ricardo
"Kailangang ipunin ko ang mga gintong buhangin upang makagawa ako ng bagong orasan.", bulong ng mekaniko sa sarili.
Bigla na lamang nagliwanag ang paligid at sumulpot ang isang wormhole sa harapan ng mekaniko. At lumalabas galing sa wormhole ang kagimbal-gimbal na anyo ni Ricardo.
"Dito lang pala kita matatagpuan. Hahaha! Wala ka ng kawala sa akin... Eva."
Sinakal ng galamay ang babae ng salot na pugita.
"Ricardo.. Anung ginagawa mo dito? Anung kailangan mo?" Hirap na usal ng babae mula sa pagkakasakal.
"%#&#&# ! ang lakas ng loob mo magtanong? Ikinulong mo ko sa nakaraan at ibigay mo sa akin ang orasan Eva! Kung hindi mamamatay ka sa panahong ito!" Demonyong sagot ng pugita.
"Ricardo nilamon kana ng kasamaan at kahit ako na mahal mo ay kaya mong patayin? Iniwan kita dahil yun ang tama at kahit kailanman hindi na maibabalik pa!" Usal ng babaeng hirap na sa paghinga.
"Eva! Noon mahal kita ! Pero iniwan moko at huli na ang lahat. Ibigay mo ang orasan para mapasakin ang buong mundo!" Sagot at paliwanag ng demonyong pugita.
"Wala kang makukuha sakin Ricardo! wala na sa akin ang orasan. Ito ay nasa kamay na ng mga sugo at kailan man ay hinding hindi mapapasayo!" matapang na sagot ni Eva.
"Wala kang silbi!" Ubod lakas na sinakal ang babae at halos walang malay at animoy lantang gulay na iniwan ang babae.
Dinala ng wormhole si Edward sa bansang Egypt taong 1939. At dala na rin ng kapangyarihan ng time travel ang kanyang damit ay angkop sa panahong iyon (full package sempre).
Napadpad si Edward sa bayang desyerto ng Giza. Bakas ang hiwaga ng bayan sa panahong iyon. Iniisa isa ni Edward ang tindahan ng orasan upang hanapin ang simbolong paru-paro. Ngunit sadyang mailap ang pagkakataon walang resultang maganda sa araw na iyon.
" kung makikita ko lng muli si Eva! #&$&# !" usal ng binata sa kanyang kabiguan at bumalik si Edward sa kanyang inuupuhang kwarto at nagpalipas ng gabi.
Kinaumagahan muling sinuyod ni Edward ang bayan ng Giza at inisa-isa ang mga tindahan. At nakakita sya ng isang tindahan muli at nagtanong.
"Kaibigan, mayroon ka bang ganitong uri ng desenyo para sa orasan? " tanong ni Edward sa lalaki
"Kaibigan! Yan ay simbolo ng paglaya at paglipad? Anung kailangan mo dito ? Hindi mo ba alam na mapanganib ang simbolong iyan?" Sagot ng lalaki
Manghang sumagot si Edward na nabatid na may alam ang lalaki "kaibigan kahit magkano babayaran ko makuha ko lang ang paro-parung simbolo na ito"
"Sumunod ka sa akin, kaibigan" tugon ng lalaki
Tinahak ng dalawa ang disyerto at malayo sa pwesto mg lalaki.
"Andito na tayo kaibigan" sagot ng lalaki
"Ito ay isang desyerto at wala akong nakikitang kahit ano" pagtatakang tanong ni Edward.
Nagbago ang anyo ng lalaki at naging si Ricardo.
"Anak! Ibigay mo sa akin ang orasan. Tulungan mo akong makawala sa nakaraan"sambit ng ama.
" Papa wala sa akin ang kamay ng oras at hindi mo magagamit ito." Sagot ng binata.
"Anak sabihin mo nasaan ang ibang bahagi ng orasan dahil nasa akin paro-parung nakuha ko kay Eva." Paliwanag ng ama
"Papa tutulungan kita ibigay mo sa akin ang paru-paro. Hahanapin ko ang ibang bahagi" pagpapaliwanag ng binata sa ama
At nakipagkasundo si Edward sa ama upang makuha ang paru-paro at mabuhay si Shiela..
Matapos makuha ang kailangan bumalik sa kasalukuyan ang binata.
🎶”Tagu-taguan, maliwanag ang buwan,
Masarap magmahal pag hindi iniwan … 🎵
🎶”Pagbilang mong tatlo,
Nakatago na ako … 🎵
Isa.
Kasalukuyan
"Isagani hello! Nasan ka? Pede ba tayo magkita?" Pagmamadaling tawag ni Edward.
"Bro 12 midnight malamang natutulog ako tas ask mo ko kung nasaan ako? Nakadrugs ka ba?" Inis na sagot ng naalipungatang si Isagani
"Nakuha ko na ang paru parong simbolo at maililigtas na natin si Shiela!" pagmamayabang na sagot ni Edward.
"Lintik ka! Anung kalokohang ginawa mo Edwardo Rodolfo Binatoc Dimalanta! mas gulat na sagot ng binata.
" bro wag naman buong pangalan nakakahiya sa mga Audience" pakiusap ni Edward
"Asan ka? Pumunta ka dito nagyon din! At tatawagan ko si Dana" Madaling sagot ng kaibigan
Habang nasa bahay ni Isagani
"Sa ginawa mong to iniba mo ang oras at ang mangyayari sa kasalukuyan. Ginulo mo ang lahat." Paninising paliwang ni Isagani
"Alam ko pero ito ang tama at dapat para sa lahat" sagot ni Edward
"Tigilan mo ko! Ang ginawa mo ay labag sa binigay na instructions ni Eva. Oras na mabuo ang orasan lahat ng halimaw o masamang elemnto ay maglalabasan at guguluhin ang kasalukuyan lalo na ang ama mo." Paliwanag ni Isagani.
"Pasensorry bro mahal ko si Shiela at alam kong malaki ang maitutulong nya. Bro nakipagsanib pwersa ako kay papa upang ibigay nya ang paru-paro." waring nakikiusap na sagot ni Edward
Isang sapak ang ipinamalas ni Isagani kay Edward.
"!@##$/&&_%! 10000x ! Alam ko mahal mo si Shiela pero ipinahamak mo ang lahat!" Sambit ng binata na babanatan muli ang kaibigan.
"Anu hindi ka titigil Isagani? Lagi nalang ba akong referee sa inyong dalawa?. Sa halip na mag-isip at gumawa ng paraan magsasapakan nalang kayo?" Sermon ni Dana
"Osige akina ang orasan at simbolong paru-paro upamg maorasyunan ko na." Sagot nalang ni Isagani (under kay Dana - asteeeeg )
......
Tatanggalin ko ang lihim na kandado. Sumpa! Isang pagaspas.
Palayain ang alagad sa gapos ng oras! Sampung bagsak ng agos...
˙˙˙˙˙˙uɐʎnʞnlɐsɐʞ ɐs buɐ ʞılɐqı
uɐsɐɹo buɐ onq buoʎɐbu
🎶”Tagu-taguan, maliwanag ang buwan,
Masarap magmahal pag hindi iniwan … 🎵
🎶”Pagbilang mong tatlo,
Nakatago na ako … 🎵
Isa.
Lumabas si Shiela ... niyakap at hinagkan ni Edward.
Mahal ko.. Sambit ng dalawa.
"Ok commercial tama na.. Tulad ng sabi ko kanina maraming wormhole ang maglalabasan sa ibat ibang bahagi ng mundo. Ngayon dapat na natin gawin ang nararapat." Pag-iinterup ni Isagani sa landian ng dalawa
"Omaygas !Dana is that you? Bakit ganyan suot mo? " pang.aasar ni Isagani
"may reklamo ka dun ka kay kapitan! shu!" pataray na sagot ni Dana
"sweetie so taray. okay guys lets fight!" utos ng binata sa team
Ibinigay kay Dana ang kapamgyarihang taglay ng paru-paro na kung saan ay liksi, paglipad at lakas ang taglay.
Nilibot ng grupo ang bawat sulok ng mundo at tinalo ang kampon ng kasamaan. Hanggang sa knilang nakasagupa ang ama ni Edward.
"Olrayts. Nice to see all you again lovers" pang.aasar ng pugita
"Hoy pugitang never gumanda ang itsura kahit magpabelo ka pa! Humanda ka! " chicka ni Dana
"Dami g satsat fight" hamon ng pugita
Tumambling si Dana na ikinagulat ng lahat lalo na si Isagani(napawow ba sya?)
Sinipa ni Dana ng buong lakas na halatang nasaktan ang pugita ang nagtamo ng kahinaan. Sabay inorasyunan ni Shiela.
"Liwanag ng medalyon tatalunin ang kasamaan" sambit ni Shiela at naliwanag. Nagtamong muli ng sakit sa kalaban
Nagkulay blue muli ang aura ni Edward at walang humpay na iwinasiwas ang espadang dala. Naputol nia ang galamay ng ama.
Humaba namn ang kuko ni Isagani na wari mo ay mala-wolverin ang peg. Yun ang ginamit para pinsalain ang kalaban.
Hinanghina ang kalaban na tila ba susuko na. Ngunit makaraan ang ilang sigundo ay tumawa ito.
"HAHAHAHA.yun na yun talaga?" Sambit ng pugitang lumalakas na tila nag.reregenerate.
Inulit ng apat ang istilo at nagsalitan ng atake hangang sa mapagod ngunit walang nanyare.
"Tama na Edward at Shiela! Dana ibigay mo sa akin ang orasan!"sigaw ni Isagani
Iyong dinggin aming hiling
Ikulong muli sa Sumpa! Isang pagaspas igapos sa oras! Sampung bagsak ng agos...
walang masasaktan kung walang nang.iwan!
........uɐɐɹɐʞɐu ɐs ʍɐɯılɐɥ buɐ ʞılɐqı
Nagbukas ang isang wormhole at hinigop ang never na gumandang lalaking si Ricardo ang pugitang demonyo.
"Magbabalik ako mga weeeeeaaaaakkkkk...." sigaw habang papalayo na hinigop ng wormhole...
Wakas
Bilang ng salita: PASENSORRY HINDI KO NABILANG
Tema: Misteryo
Mga Karakter
Bida, Ang Haunted Hero : Hero na may malagim na nakaraaan (Edward, na gustong balikan at buhayin si Shiela)
Kontrabida, Ang Corrupted Hero : Nagsimula na mabait pero naging masama (Edward dahil sa pagkamatay ni Shiela)
Elemento sa Kwento na ginamit:
Time Machine (o time travel)
Pak pak (paru paro -may pakpak din un at yun ang taytel ng kwento namin..bakit ba?)
Woooooh. Done hope you enjoy guys.
Sorry if late ko na nagawa may lakwatsa kasi ako knina and mejo late na naka.uwi..
Pasensorry din sa mga hugot hindi ko na maalis sa sistema ko eh. Hehe
Enjoy ko lang din likot ng pag.iisip ko.byers
Nakakatuwa naman ang ending! Ang dami ko pong tawa lalo na sa pugitang never gumanda kahit magpabelo ka pa
Hahahaha..
Very nice!! Hahaha
Ayt salamat po katropa .. 😂
akoy nagagalak at inyo pong nagustuhan. 🤣
As a follower of @followforupvotes this post has been randomly selected and upvoted! Enjoy your upvote and have a great day!
yehey! @cheche016 buti binuhay mo si Shiela. akala ko hindi na siya makakabalik. at ung pinakanagustuhan ko talaga ung alaskahan ni Dana at Shiela, convo ng mag-beshy. maganda ung ending, pwede na naman dugtungan dahil hindi pa rin patay si pugita. pwede pa siya magamit sa next TagalogSerye. 😁
yeah. wala kasi partner si Edward alam mo naman ayokong nalulumbay ang characters ko lalo na bida o pabebeng bida.
atleast sa kwentong to may forever. 😂🤣
Haha, grabe Che, to be continued na naman sa susunod na serye.
Edwardo Rodolfo Binatoc Dimalanta. Lol. Yan pala buo nyang name. Nakakatuwa ang pagtumbling ni Dana dito. Great ending!
Pero nakuha mo yun ending na naisip ko kung bakit ginamit ko ang title na "Palayain ang Paruparo". Either kasi:
a. Palayain na si Shiela kung sakaling namatay man ito.
b. Hayaang magkagulo lahat at paglaruan ang oras, gaya ng epekto ng Butterfly Effect, na maaring kalamidad ang kahantungan ng isang maliit na pagbabago.
tito @jazzhero feel antok na e .. sorry naman atleast natalo ng pag-ibig ang kasamaan.
nagkamali man ng moves si Edward kanya paring pinanindigan ang knilang pinalalaban.
yeah yan tunay na pangalan ni Edward .. at wag mo muna alamin tunay na pangalan ni Isagani mas mabantot ksi un.. 😂
Congratulations @cheche016! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of upvotes
Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
ang funny hahahahahahahaa
hello salamat po :D .. kagalakan kong inyong nagustuhan ang huling bahagi ng kwento :)
ang kulit ng grupo nyo haha..
parang anime ang datingan nito