TAGALOG SERYE IV: Ikatlong BAHAGI NG UNANG PANGKAT
Ola! sana inyo pong maibigan.. always remember happy lang :D
At ako po si CHECHE ang inyong lingkod and I thank you (sabay tambling :P)
Ang Nakaraan...
Gulat na gulat si Jayson nang madatnan ang nagkalat niyang gamit sa kaniyang kwarto. Hinanap niya agad ang kaniyang diary, at ito ay wala na sa kaniyang pinaglagyan. May nakita rin siyang isang music box sa ibabaw ng kaniyang higaan -- ang music box na bigay sa kanya ng kaniyang ina matapos siyang iwan nito nang mag-isa sa may Quiapo. Alam niyang galing ito kay Mark! Binuksan niya ang music box, at sa loob ay may nakatiklop na note. Habang tumutunog ang music box ay binasa niya ang nakasulat sa papel. Napamura na lamang siya sa galit matapos itong basahin!
"Napaka-walang hiya mo talagang hayop ka! Pagsisisihan mong nabuhay ka pa, Mark! Magtutuos din tayo, at sa pagkakataong ito sisiguraduhin kong ako ang magwawagi!" bulalas ni Jayson habang mangiyak-ngiyak at nanginginig sa galit!
Habang nagmumukmok ay nabalingan ng pansin ang Music box at pinatugtog ito ni Jayson. Habang tumutunog ang music box ay mga salitang sinambit ang binata na patungkol sa kanyang ina.
" Inay, nasaan kana? Bakit mo ako iniwan? Hayaan mo pagmayaman na ako hahanapin kita at bibilhin natin ang lahat ng gusto mo. Hindi kana iiyak tulad ng dati bago mo ko iniwan sa nagtitinda ng buko sa Quiapo". mangiyak-ngiyak na sambit ng binata na binabalikan ang kanyang pinaka-mapait na nakaraan.
Nahinto ang pagbabalik tanaw ng binata ng biglang tumunog ang cellphone at sinagot naman ito ni Jayson.
"Hello, Magandang gabi. Sinu to?" Saad ng binata sa kabilang linya.
"Jayson Kapundac ba ito?". Sagot ng nasa kabilang linya.
" Oo ako nga." sagot ni Jayson na mistulang pamilyar ang boses ng nasa kabilang linya.
" Hahahaha.(demon laugh) Jayson nagustuhan mo ba ang regalo ko? Umiyak ka ba? Ibinalik ko yan sayo dahil wala yang silbi parang si Tony kaya nga wala na sya e. At isusunod ko kayo ni Darius!" pangangasar ni Mark sa kabilang linya na tila lulong sa droga.
" Hayop ka! Mark ! magkikita din tayo at pupulbusin kita traydor ka! walakang kwentang kaibigan!Nasaan ka magpakita ka duwag!" galit na at mabilis na sagot ni Jayson na tila ba gustong sugurin ang kausap sa telepono.
"Easy! magkikita rin tayo at wala akong pakelam kahit magsama pa kayo ni Darius. Tapos na at kahit kailan hindi na ako magiging sunudsunuran sayo. Tandaan mo Jayson matalino ka lang pero mahina ka at madali ka magtiwala. Tignan mo si Tony rest in peace.hahaha" sambit ni mark na tumatawa at pinutol ang tawag.
" Hayop ka! "Sigaw ni Jayson na tila ba gustong hanapin kung nasaan ang hudas na dating kaibigan.
Kinabukasan
Matapos ang maghapong trabaho ay kinontak muli ni Jayson si Darius upang isagawa ang mga plano ng buong gabi.
Sinuyod ng magkaibigang muli ang buong presinto. Dahil si Jayson ay isang janitor alam niya ang pasikot-sikot at oras ng pagroronda o pagdating ng pulis. Nakagawa rin ng isang maliit na kwarto si Jayson sa loob na pwedeng taguan ng dalawa kahit may mga pulis na nasa labas. Sadyang magaling si Jayson sa ganitong larangan bagamat si Darius naman ay henyo rin pagdating sa computer na tila member ng Anonymous Hacktivist Group.
Nabukatkat ni Darius ang kahit nakatagong files o kahit may password pa na folder ay kanyang nabuksan. Sa pagiging pursigido ng dalawa nalaman at nakuha nila kung nasaan ang butas na pinaghulugan ng diyamante. Sa pinakitang lay-out ni Darius ito ay natandaan ni Jayson.
"bro ang galing mo.. oo yan nga ! pero saan parte yan ng presinto?" tanong na ni Jayson sa henyong kaibigan.
" relak ka lang bro. May mga palatandaan ang mga poste ng presinto at ayon dito sa lay-out ay nasa likod na bahagi iyon" sagot ni Darius.
Pinuntahan ng dalawa ang sinasabing poste na palatandaan ng butas na kung saan nahulog ang diyamante. At nakita nila ang poste at swerte ng dalawa may isang parang takip na bakal na inilahad ni Darius na nanduon nga ang hinahanap nila.
" yan bro need lang natin buksan yan! at sigurado akong nandyan ang diyamante. Makakabili na ako kahit 10 pirasong Alienware Aurora R6 computer set nito." masayang nabanggit ni Darius.
Habang nahihirapan ang magkaibigang buksan ang nasabing takip na bakal. May bilang nagpaputok na malapit sa kanila na hindi naman sila natamaan.
"Kamay sa ulo! Dapa!" sigaw ng isang pulis ngunit iba ang damit itim na wari mo ay miyembro ng swat.
Nahinto ang dalawa sa kanilang ginawaga at tinaas ang kamay at lumuhod.
Nang makalapit ang isa sa mga pulis ay walang habas na kinuha ni Jayson ang baril dito at pinalo ng ipinalo dito. Napakagaling ni Jayson parang action star ng ng isang pelikula na kayang kaya mangarate ng kalaban o mambugbog. Kanyang nabalian ang braso ang pulis na lumapit at nagtangkang posasan sila. At nabaligtad ang pang-yayari nasa kanya na ang baril at sya itong itinutok sa ulo ng pulis at iniharap sa iba pang kasamang pulis.
"Sige lumapit kayo at sabog ang utak ng kasama nyo!!" . Sigaw ng binata na nanakot sa kasama na pulis na kanyang bihag.
"Jayson.. Huminahon ka marami sila sumunod nalang tayo. " Bulong ni Darius na kasalukuyang natatakot na sa oras na yun.
Nang biglang may isang uri ng gas na pinakawalan sa hangin at nawalan ng malay sina Jayson, Darius at ang mga pulis.
" Boss! kumusta ang Lupin ng Tondo ?". tanong na nagpafollow-up na si Agent Larah.
"Boss-chief gising na at nasa kawarto na nila. Papunta ka na ba dito?" . sagot at tanong kasama na nasa himpilan nila.
" ah okay! oo malapit na ako dyan. pahanda mo na kape ko walang asukal walang cream. kape lang !" utos ni Larah.
Sa Headquarters.
'olrayt.. boss eto na kape mo walang asukal walang cream. kape lang" sagot ng opis boy
" inulit mo lang sinabi ko kanina e." patawang sabi ni Larah.
Si Agent Larah ay lumaki sa maynila at naging special agent sa kadahilanang ang ama ay isa rin nuong matinik at kilalang pinakamataas na posisyon ng Police Manila. Hindi rin naman masasabing sya ay naging mataas ang posisyon dahil sa namayapang ama . Si Larah ay magaling sa martial arts, humawak ng baril at sya yung tipo ng babaeng hindi mo gugustuhing lokohin kung ikaw naging boypren nya.. kasi baka ibitin ka sa kisame at pagbabarilin ka habang nakasabit ganun sya katapang at tikas.
Maganda si Larah, 5'8 ang height, sexy, morena at makinis ( hindi ako to kabaligtaran ko pero kaya ko tumambling :P) at higit sa lahat siya ay matalino. Pero ganun ata talaga pagmasipag walang poreber. hayst.
" Boss! buksan mo pinto kausapin ko lang bisita natin." utos ni Larah sa nagbabantay ng naka-number lock na pinto.
" Right away boss basta ikaw" sagot at mabilis na sunod ng nagbabantay.
Habang nasa Loob ng pinagkukulungan nila Jayson at Darius.
"Kumusta Jayson? AKA Lupin ng Tondo ?." pambungad na bati ng dalaga kay Jayson.
" Larah?" Gulat na tanong ni Jayson.
" Oh! yosi ka muna! pampawala ng kaba!" alok ni Larah kay Jayson sabay bato ng kaha ng sigarilyo at layter na sinalo naman ng binata.
" Di ka parin nagbabago.. parang kang siga sa kanto! Kumusta kana?" paglalarawan ni Jayson sa dalaga na tila matagal na sila magkakilala.
" ito madaming hawak na kaso. Busy. laging may labanan at ngayon kailang ko tulong nyo." pagpapaliwanag ng dalaga na tila ba may matinding hamon para sa magkaibigang kausap.
"Anung tulong? Eh kayang kaya mo naman ang kahit anong laban. Buti sana kung ikakayaman ko yan." sagot ni Jayson sa dalaga.
" Hinahanap nyo ang Diyamante diba? wala ang diyamante sa Pilipinas. Ang tinangka niyong nakawin ay replika lamang." pagpapaliwanag ni Larah na alam niya nakuha ang pansin ng dalawa.
"Anu?! @#@#$#! pinaghirapan namin at pinag-aralang mabuti ang lahat. Ang dami kong sinakripisyo walang diyamante pala? At nasaan ang diyamante? wag mo sabihning ninakaw yun sa inyo?" sunod sunod na tanong at reklamo ni Jayson
" wala na ang pangarap kong 10 sets ng Alienware Aurora R6 !!!" panghihinayang na sabat ni DArius.
" Oo ninakaw ang Diyamante 3 taon ang nakakaraan bago pa man kayo magbalak. Napakalinis ng pagkakagawa ng set-up ng pagnanakaw. Upang mapagtakpan ang pagkawala ng nasabing Shepard Diamond na nagkakahalaga ng 900 Billion aming nilagyan ng repleka ngunit sa nanyare insidente na ginawa niyo nabisto at hanggang ngayon konting clue palang ang aming nalalaman. " Paliwanag ni Larah.
PINAGKUNAN
Ipinagpatuloy pa ni Larah ang pagdedetalye.
" Nais ko sana hingin ang talino ni Darius upang alamin ang ilang pang pagkakilanlan sa nagnakaw at mabawi ito. At ikaw Jayson ang iyong lakas at talas ng pakiramdam upang maisagawa ang planong ito. May mga ilang impormasyon na rin kami ngunit sadyang hindi pa malinaw sa amin kung anu ang kakayahan ng grupong ito na sa ngayon ay nasa Shanghai China. "
"Shanghai China?! Don't tell me pupunta tayo duon?" tanong ng mausisang si Darius (Laboy talaga)
" Oo hanggat kailangan at ng malaman ang lakas ng kalaban at sindikatong Grupo." sagot ni Larah kay Darius.
" Sinu ba ang sinasabi niyong mastermine na ito?" tanong ni Jayson.
Idinitalyeng muli ni Larah
" Ang Shepard Diamond ay nasa kamay ngayon ni Mr. M ang pinuno ng Yuanhu Group. Grupong kinatatatkutan, maimpluwensya, malaking sindikato sa Pinas at China. Handa ang US Government at ang isang kilalang Grupo sa UK na suportahan ang sinu mang makaktugis sa sindikato at mapanganib na grupo. Handa silang sumuporta sa gamit, gadgets, sasakyan, armas o anu pa man. Makuha lang ang Shepard Diamond at mapabagsak ang Grupong Yuanhu.
Natahimik ang dalawa at nag-isip. Habang si Larah ay naghihitay sa isasagot ng magkaibigan.
" Anu Darius ? sa tingin mo?" tanong ni Jayson kay Darius.
" Ha! ako? Basta ako pera para sa ekonomiya! kahit walang pag-ibig. Nasasaktan lang ako sa pag-ibig e!" seryosong sagot ni DArius(hugot talaga?!)
" Darius! panay ka kalokohan. Simula't simula pa man ang grupo namin ay nagnanakaw para itulong rin at may mga pangarap na gusto matupad." paliwanag ni Jayson.
so OO na ba ang sagot nyong dalawa? isang linggo mula ngayon aayusin ang papapeles nio at pupunta tayo Shanghai China at tugisin ang Grupong **YUANHU ** at si Mr. M
Makaraan ang isang linggo naayos ang mga papeles ng magkaibigan. Kasama si Larah at ilang agent na kasama sa misyon at ang magkaibigan ay nag tungo sa Shanghai China.
~ ITUTULOY ~
Anu nga kayang naghihintay sa Shanghai China para kina Boss Jayson at Darius? Makita kaya nila ang diyamante?
Magkakilala si Jayson at Larah anu kaya ang kaugnayan nila?
Nasaan si Mark?
ANu kaya itsura ni Mr. M ? matanda nga kaya sya? hmmmmm...
Magkaroon kaya ng poreber ang huguterong si Darius sa China? aba baka maka-bulag ng chekwa. :D
Anung oras na sa office pa ako gumawa ng post na ito .. hahaha .. time check 6:45 pm UAE time .. Aiwa! ( 11:45 pmPH time)
Mga Elemento sa Kwento
Diamond (Elegance, Wealth) - pera pasa ekonomiya ika ni Darius
Music Box ( Memories) - malungkot na karanasan ni Jayson
Blood (Life, Sacrifice) - nung namatay si Tony
Mga Karakter
Bida: The Reclusive Genius: Intelligent pero anti-social. [si Jayson]
Kontrabida : The Monstrous Adolescent: May taglay na malakas na kakayanan pero lubos na mapanganib. [si Mr. M]
Seksing Agent at brainy : Larah
Matalinong Sidekick: Darius
Tema ng Ikatlong TagalogSerye
Action at Adventure
Unang Pangkat
Username sa Steemit Araw ng Iskedyul
@twotripleow Lunes
@chinitacharmer Martes
@cheche016 Miyerkules
@jemzem Huwebes
@johnpd Byernes
Ikalawang Pangkat
Username sa Steemit Araw ng Iskedyul
@itsmejayvee Lunes
@romeskie Martes
@jamesanity06 Miyerkules
@julie26 Huwebes
@tpkidkai Byernes
Jusko! Mag-a-out of town pala sila. Gusto ko sanang sumunod kaya lang wala akong pamasahe. Hahahaha. Sana makapag-isip nang maayos yung utak ko ngayon para madugtungan ko ng maayos na kwento. heheheheh. Nawindang din ako nang slight na repleka lang pala yung diyamente. Ang galing ng naisip mo Che. :D
hehe. go sis kaya natin toh 🤣
Jeskelerd! Namatay si Tony dahil peke ang ninakaw nila. International ang labanan lupit. Babyahe si Jemzem sa China haha. IP Man lang ang peg ni Jason ngayon. At saka malulupit ang mga hugot niya. Wala talagang forever!
Woaaah! Sister, ang astig ng plot twist, replika lang pala ang diyamanteng kinamatayan ni Tony. Saklap! 😭 Gustong gusto q ang development ng mga pangyayari. At international na level natin ngaun haha! In terms of action nd adventure, im sure waging wagi na tong serye natin. Xempre bias aq hahaha! Good job sis!
adbentyur na sa China. Pwede ko ba irequest kay Dariius na ihack ang computer system ng China para tigilan na nila ang pagsakop sa South China Sea. Ang galing naman ng kwnrtong ito . Buti di ako kasali ngayong week hahahahahaha