Tagalog Serye VII : Ikalawang Bahagi Mula sa Unang Pangkat

Ang larawang ito ay mula kay Ka Toto na ang apelyido ay Hanan. Samakatuwid galing kay Ka Toto Hanan. Meron po itong karagdagan at pangdiinang @balikrespeto bilang pagpapaalala na dapat ay "wholesome" ang aming mga likha. Pasensorry po sa aming huling serye sana po ay patuloy nyo kaming subaybayan. Haha. balik na po kami sa aming regular programming. At habang ginagawa ko ang karugtong ng serye ay tumutulo ang aking sipon. Pasensorry po ulit. Ako ay nabasa ng ulan at ito ang resulta.

Ang Nakaraan

"Kailangan kong buksan ang maliit na baul!", nagtangka siyang bumangon ngunit biglang umuga ang kaniyang kama at binalot ng itim na usok ang buong paligid

Sa pagpapatuloy

16.jpg

Grabe ang kabog ng dibdib ni Ashley. Subalit patuloy sa pagyanig ang kanyang kama. Gusto niyang sumigaw subalit walang boses na lumalabas. Binalot siya ng takot. Mula sa paanan ng ilalim ng kanyang kama ay lumabas ang isang tila bruhang kulot na nakasuot ng pantulog at ito ay uubo-ubo.

"Pukares kang MIldred ka anong ginagawa mo rito? Alam mo bang muntik na akong mamatay sa takot. Binato nya ito ng unan

Toot-toot, Chaga-chaga-chaga (background sound effects)

K-kapit ateng pa-padating na ang tren, wika ng uubo-ubong Mildred.

"Nang makaalis ang tren..."

"Anong ginagawa mo sa ilalim ng kama ko ha. Bruha ka at may paepek ka pang itim na usok", nangangatal na boses ni Ashley sabay hila sa kulot na buhok ni Mildred

"Ate, ikaw na nga tunututulungan dyan", rebat ni Mildred at tatlong beses na dinuldol ang hintuturo sa noo ni Ashley

"Papatayin mo ba ako. Chura mo mukha kang bruhildang tuyot. Alam mo ba mga kababalaghang dinanas ko ngayon araw ha. Tapos gaganyan-ganyan ka", si Ashley na sarkastiko na.

"Malay ko sayo. Problema mo yan. Ikaw kaya pakitaan ng Pulang chakang demonyo. HMMM!", at inuswad ni MIldred ang mahaba nyang baba.

"Huwat!!!, nagparamdam din sya sayo. At ikaw pa may ganang matakot. Chura nito. Halos atakihin nga ako sa puso dahil sa kulot mong buhok na tumatakip sa mukha mo at baba mo lang ang kita", si Ashley ulit

"Edi ikaw na maganda", hirit ni Mildred.

"Ano bang ginagawa mo sa ilalim ng kama ko. At magpunas ka ng mukha mo (inabutan ng wet wipes)",

(Naupo sa gilid ng kama si Mildred habang pinupasan ang mukha nya)

18.jpg

Eh kasi napaniginipan ko ang lola ang sabi buksan ko raw ang baul. Paggising ko nasa ilalim na pala ako ng kama mo. Nagsleep walk ata ako. Nakita ko yung baul. Nasa ilalim lang pala ng kama mong ang dumi-dumi. Bunuksan ko at bigla ito umusok. Maglinis ka rin kasi ng kwarto mo. Ang dumi-dumi ng ilalim ng kama mo kaya", pagpapaliwanag ni Mildred.

Di nakapagsalita si Ashley. Kung ano-ano ang iniisip niya

May nakuha nga akong buhok sa loob ng baul. Nakatali pa. Sa'yo ba ito?! Kelan ka pa natuto mangkulam, aber?! Tapos ako ang sasabihin mong bruhilda!, pagpapatuloy ni Mildred at pinakita ang bungkos ng nakataling buhok.

Tulala pa rin si Ashley

Pak

Pak din

"At bakit mo ako sinampal ha. Eh yung baba mo ang armas mo di ba", ang nabiglang si Ashley na gumanti rin ng sampal.

Isa pang Pak

Eh sira ka pala eh bakit ka natigagal", si Mildred na nanampal pabalik.

"Eh kasi paano magkakabaul sa ilalim ng kama ko wala naman at malinis ang ilalim ng kama ko. Tignan mo pa". Hinawi ni Ashley ang kanyang bedsheet.

"Aba ay oo nga. Walang laman ang ilalim ng kama at malinis. Kung gayon saan ako nanggaling kanina?", tugon nag nahihilakbutang si Mildred.

"Akin na nga iyang buhok na iyan", sabay hablot ni Ashley sa buhok at sa maiksing sandali tila siya'y napunta sa isang dimensyon.

Ganire ang nangyari, POV ng Narrator

kunwari may tenga sa gitna

May isang babae na nakaputing bestida na nagmamakaawa habang ito ay nakatali sa isang bakal na higaan. Sa tabi niya ay may isang pulang nilalang na nakataas ang dalawang kamay at tila nag-oorasyon. May suot itong kwintas na may pendant na triyanggulo. ito'y may simbolo ng isang tenga.
Pamilyar sa kanya ang kuwintas at madalas nga nyang makita iyon subalit di nya maalala kung sino ang nakitaan niyang may suot nito.

Napasigaw si Ashley sa takot at tumngin sa kanya ang nilalang

Nagkakitaan sila

At PAK!!!

balik sa kasalukuyan

"Aray ko!", asar na usal ni Ashley
"Ikaw na Mildred ka, kanina ka pa ha. Nakakarami ka na"
paulit-ulit na hinatak ni Ashley ang kulot na buhok ni MIldred
"Iistreytin ko talaga itong buhok mo"

"Ate, ate, ay ate ikaw na nga yan. Naku, naku buti nakabalik ka pa" humahagulgol na Mildred
Akala ko napossess ka na. O epekto ng nalanghap mong itim na usok kanina.
Niyakap nya ang kanyang ate na takang-taka sa nangyari

"Aray ko Aray ako Aray ko. Mildred yung baba mo umaangkla sa balikat ko. Suko na ako. Ano ba.", ang nagugulumihanan pa ring si Ashley.

"Ay, ay, ikaw na nga yan. Kasi ang harsh mo sa akin. Nakabalik ka na nga", tuwang-tuwa sa galak at patalon-talon na si Mildred na lumuluha.

Nang mahimasmasan ay nag-usap silang dalawa at pinagtagni-tagni ang mga naganap sa kanila ng araw na iyon. Mukhang may kailangan silang matuklasan at imbestigahang lihim. Tila ba may kapangyarihan ang bungkos ng buhok na galing sa baul na mula naman sa kung anong dimensyon.

Samantala...POV ulit ng Narrator

May isang lalaking maputi at makisig ang nakatayo sa terasa ng kanilang tahanan. Minamasahe nito ang kanyang balikat hanggang batok. Nagtataka siya bakit siya ay pagod na pagod. Parang tumakbo siya ng pagkalayo-layo. Nagtataka rin siya kung bakit may mga bahid ng dugo sa kanyang mga palad.

*Patuloy pa rin siya sa pagtapik-tapik ng kanyang balikat papasok ng kanyang kwarto ng makita niya ang isang costume na kulay pula sa kanyang kama. Pula ito na jumpsuit ( spandex pa, ewwww). May katabi rin itong pulang maskara ng nakakatakot na nilalang na tila diablo. *
3.jpeg

Umalingawngaw ang malakas na tawa
Bwahahahahaha

Hinagilap ng lalaki kung saan galing iyon
At napatitig siya sa salaming pintuan papuntang terasa.
Nakita niya ang kayang repleksyon subalit tila hindi siya ito

"Kamusta Henry", wika ng repleksyon
"Sino ka", wika ni Henry
"Ako ikaw. Pero mas higit ako sa iyo. Kaya kong tuparin ang mga pangarap natin", wika ng Henry sa repleksyon na boses ng isang gumon sa ipinagbabawal na gamot.
" Di nga?! Anong tinira mo? Lakas ng imahinasyon natin pre ah. Nakailang dosage ka na ba?", si Henry na nagtataka
"Tampalasan", galit na wika ng Henry sa repleksyon

itutuloy...

  1. Ano ang napagtanto ng magkapatid
  2. Kung magkaaptid sila, bakit si Mildred lang ang mahaba ang baba
  3. Ano ang kinalaman ng bungkos ng buhok sa kapalaran ng mga tauhan sa kwento
  4. Sino si Henry, sya ba yung Mayor o sya yung escort? (bahala na yung susunod sa akin)
  5. Aba akalain mo si Mildred na beshy ni Lenie ay aktres na, kelan pa?
  6. Ano kayang labas ng lotto ngayon? Sana manalo na ako. Pero di nga pala ako tumataya.
Sana po ay naibigan ninyo. Siguro naman naibalik ko na ang respeto ng mga mambabasa natin. Sinikap ko. Pinilit ko. Naalala ko tuloy yung isang serye kung saan kam nanalo ng grupo. Yun yata ang inspirasyon ni kasaping @rodylina
bilang ng Salitang ginamit:

inedit ko pa yan. PInaabot ko ng 1000 na salitang lang. BIlangin nyo pa mula sa "sa pagpapatuloy" hanggang sa "itutuloy"

*pinagmulan ng larawan

1234

Mga Karakter
  • Evil Albino - yung lalaki at kanyang repleksyon ( Si Mayor ba ito o yung Escort, abangan)

  • Boyish Girl - Ashley

  • Iba pang karakter: ang sumasideline na si Mildred, sana daw masali sya #balikbiyaya #pagaaralin_kita _iha program ng #tagalogserye

Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metepora)
  • Lock of Hair ( yung bungkos ng buhok)

  • Tomb (nasabi na sa kwento ni @rodylina)

  • Split Personality ( yung lalaki at kanyang repleksyon)

Tema ng ika- Pitong Serye
Unang Pangkat : Thriller (kami ito, at sinadya na walang olodi sa grupo namin... its amper beri amper)

Ikalawang Pangkat : Adventure

Ang mga magkakakampi sa laban ngayong linggo
Sort:  

BD BOOM panes sila sa gawa mo ngayon.

Naku bakit napanis. Dapat pinasok sa ref.
Sinabi ng wag kakamayin eh...mapapanis eh ..kakulit
Salamat master @twotripleow...
naeexcite din ako sa adbentyur ni LaVonda. Pangarap ko maging bampira kasi ....haha

You received an upvote as your post was selected by the Community Support Coalition, courtesy of @steemph.antipolo

@arabsteem @sevenfingers @steemph.antipolo

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.13
JST 0.027
BTC 61110.07
ETH 2731.78
USDT 1.00
SBD 2.45