FILIPINO FICTION: TAGALOG SERYE VIII: UNANG BAHAGI NG UNANG PANGKAT.

Ang larawang pong ito ay mula sa @tagalgotrail

Kami po ay nagbabalik at may mga bagong mga kasamahan dito sa @tagalogserye. Nakakatuwa dahil marami pa ring mga Filipino ang tumatangkilik sa pagsusulat sa ating sariling wika higit ngayong buwan ng Agosto

dito ang simula ng kwento at dito ang simula ng bilang ng salita

Ang Bayrus

Noong unang panahon ang mga Filipino ay nagpapatattoo bilang tanda na sila ay tunay na bahagi ng lipunan. Ang pagkakaroon ng tattoo ay isang karangalan. Mas maraming tatto mas mataas ang iyong dangal. Ang tattoo ay nakukuha base sa iyong naipanalong digmaan, sa katungkulan mo sa iyong bayan at kung ikaw ay may natatagong karunungan. Tinatawag na mambabatok ang isang manta-tattoo. Samantalang tinatawag na Pintados ang mga taong natattoo-an.

Si Tragnetti ay isang kilalang mambabatok. Napakahusay niyang magdisenyo ng tattoo. Marami namang mambabatok sa tribo ng Kanyawean, subalit si Tragnetti ang pinakasikat. Bukod sa pagbabatok siya rin ay kilalang bihasa sa salamangka. Ang salamangka ngang ito ang dahilan kung bakit siya ay hindi tumatanda.

Lingid sa kaalaman ng kanyang mga katribo ay may sangkap na hinahalo si Tragnetti sa kanyang tinta. Hinahaluan niya ito ng patak ng kanyang dugo. Kasabay ng orasyon, ang dugong iyon ay magiging daan upang makontrol niya ang lahat ng kanyang tinattoo-an upang maging kanyang mga alipin.

Nang sa wakas, dumating ang araw na kanyang pinakahihintay, oras na para isakatuparan ni Tragentti ang kanyang plano. Isang gabi ng eklipse ng buwan siya ay umusal ng nakakapangilabot na orasyon. Mula pinakamataas na bahagi ng bayan ng Kanyawean ay umalingawngaw ang bawat titik ng orasyon. Mula rito ay isa-isang nagsipaglakad ang mga Kanyawean at sila ay nagpatirapa sa harapan ni Tragnetti.

"Humayo kayo mga Kanyawean, gawin ninyong alagad ang lahat ng pumapalibot sa ating tribo at ang laksa- laksang madla ng buong sansinukob", buong pagmamalaki na wika ni Trganetti mula sa tuktok ng isang di kataasang bangin.

Ang mga kanyawean ay umalulong. Sila ay biglang naglaho. Nagpangalat sila hangang sa pinakamalyong lugar na kanilang maabot. Kanilang kinakagat ang bawat tao at makalipas ang 10 segundo napapasa sa kanila ang bayrus na nilikha ni Tragnetti. Makalipas lamang ang 3 araw ang lahat ng tribu sa Luzon hanggang sa pinakamalalayong lugar ay kontrolado na ni Tragnetti.

Nagpatayo ng kaharian si Tragnetti sa bulubundukin ng Ifugao. Naging kanyang mga alipin at kampon ang lahat ng mga tao. Sa loob ng 50 taon ay maayos namang pinamunuan ni Tragnetti ang imperyong Kanyawean. Subalit hindi nagtagal ay tumawag ng pansin ang asensadong kaharian ng mga Europeo.
Ninais ng mga ito na mapasakamay ang lahat ng yaman ng imperyo. Subalit batid nila na isang kagat lamang ng isang Kanyawean sila ay mapapasailalim na rin sa kontrol ni Tragnetti na siyang naging kapalaran ng mga naunang sumakop rito.

Salamangka laban sa salamangka. Kung nagawang kontrolin ni Tragnetti ang lahat sa pamamagitan ng bayrus gamit ang salamangka, salamangka lang rin ang makakabasag rito.

May isang grupo ng Espanyol sa pamumuno ni Heneral Rafael Cortez na matiyagang naghanap ng may kaalaman sa salamangka sa ibang pulo ng Pilipinas. Sa isla ng Panay ay natagpuan nila ang tribu ng Kinaray-wa si Babaylan Semor. Kanilang binuyo ang babaylan na masama ang balak ni Tragnetti sa buong mundo at kailangan siyang pigilin.

Dahil dito, nananawagan si Babaylan Semor sa lahat ng babaylan sa buong kapuluan. Nakipagkaisa ang 12 pinakamalalakas na babaylan kabilang na si Babaylan Semor sa mga mapanlinalng na mga Espanyol.

Isang gabi ng eklipse ng buwan ay nanalangin ang 12 Babaylan. Sila ay pumuwesto 12 hangganan paikot ng imperyo ng Kanyawean.
Mula sa kani-kanyang kinalalagyan ay kanilang inusal ang :

ta i e
ga ka dis
log wa yon
ser long
ye

ta i e
ga ka dis
log wa yon
ser long
ye

Nang matapos ang eklipse ay nagbalik sa ulirat ang lahat ng alipin ni Tragnetti. Sa kanilang galit siya ay kanilang binitay sa pamamagitan ng paglilibing ng buhay at pagabon sa loob ng kanyang piramide.
Ang ginapos at binendahan sa buong katawan na si Tragnetti ay naghuhumiyaw na siya ay babalik at papanagutin ang lahat ng nagpabagsak sa kanya.

Matagumpay na napaslang at nailibing si Tragnetti. Siya ay nasa loob ng kayang piramide sa isang lugar dito sa Pilipinas. Sinasabi ng matatanda na ang Banaue Rice Terraces ay ang dating kinalalagyan ng imperyo ng Kanyawean. At isa sa mga bundok na iyon ay nakukubli ang libingan ng Mambabatok na si Tragnetti. Malalaman na bangkay niya iyon dahil hindi ito naagnas at puro tattoo ang katawan nito.

Samantala, matapos mapabagsak ng mga Europeo at babaylan ang imperyong Kanyawean sila ay nagbunyi. Nabuo ang pagkakaibigan sa pagitan ng mga Europeo at mga tirbu ng Isla Filipinas.
Ngunit lingid sa kanilang kaalaman si Heneral Cortez ay nais lamang sakupin ang buong kapuluan. Ngayon na wala na ang sagabal na si Tragnetti, madali na niyang masakop ang lahat ng isla at mapapasakamay ang yaman ng lahat ng tribo lalo na ng imperyong Kanyawean.

Salamangka para sa salamangka. Si Cortez ay nasa isang mataas na lugar at umuusal ng isang orasyon. Matapos niyang nakawin ang aklat ni Tragnetti at inumin ang kapiraso nitong dugo ay isang taon din nyang inintay ang pagkakataong ito.Nagawa na niyang paslangin isa-isa ang 12 babaylan.Lumapit kay Cortez ang lahat ng katutubo at sila ay nagpatirapa. Siya na ngayon ang may kontrol sa mga Kanyawean. Mula rito ay madaling nasakop ng mga Espanyol ang Isla Filipinas

#..............
Kasalukuyang panahon

"Wow ang ganda naman ng kwento mo Apo", wika ni Lopnayi
"O paano mga bulilit, bukas na muli ako magkukwento", wika ni Apo Lopmayd
"yehey"

Isa-isang nagtakbuhan ang mga bata palabas ng kubo ni Apo maliban sa batang si Lopnayi.

"Lopnayi, ayaw mo ba makipaglaro sa ibang bata", tanong ng matanda
"Apo, yung kwento nyo po kasi ay madalas kong mapanaginipan", pagtatakang sabi ng paslit
"Nauunawaan ko batang matalino. Sa tamang panahon ay matutuklasan mo ang dahilan ng iyong panaginip. Makipaglaro ka na sa labas", pag-aalo ng matanda sa paslit

Mula sa bintana ng kubo ay tanaw ni Apo Lopmayd ang mga susunod na henerasyon ng kanilang tribo. Hawak niya ang isang kwintas na mula pa sa kanyang Apo Somer.

"Malapit na siyang bumalik.Kakalat na muli ang bayrus. Ang mga batang ito ang magliligtas sa amin.", wika ng matanda na bakas ang pag-aalala sa mukha

#######################################################

Sino ba talaga ang kalaban, si Tragnetti o si Cortez?
Anong kapalaran ang nag-iintay kay Lopnayi?
Bakit laging huli ang suspensyon ng klase pag umuulan?

bilang ng salitang ginamit: wala pang 1000

Narito ang prompt para sa linggong ito.

Mga Karakter

  • Hero: Madiskarteng Bida (lopnayi, bahala na ang susunod sa akin kung paano siya eeksena gamit ang kayang matinding diskarte)

  • Villain: Ang "Virus" (bayrus ni Tragnetti, bayrus ni Cortez)

Maari kayong magdagdag ng tatlo pang karakter ang limit ay limang karakter lamang para hindi masyado nakakalito sa mambabasa ang mga pangalan. ( Ang lumagpas sa 5 characters may poknat kay Junjun sa ruler tsaka minus points sa buong team)

Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metepora)

  • Slavery(meron po )

  • Tattoo( meron din)

  • Rescue(meron ulit)

Tema ng Tagalog-Serye
Libreng Tema - Kahit ano ang maisip ng dalawang pangkat basta hindi ito nasasalungat sa kanilang kwento.
ANG NAPILI KO PO AY MISTERYO

Ang mga magkaka kampi sa laban ngayong linggo

Unang Pangkat

Username
@johnpd
@iyanpol
@czera
@chinitacharmer
@beyonddisability

Ikalawang Pangkat

Username
@twotripleow
@oscargabat
@blessedsteemer
@romeskie
@jemzem

Sort:  

Haha si Rafael ang kalaban diyan.

gusto kong maging kontrabida
yung masamang kontrabida
bwahahahaha

Grabe sa sobrang busy ko bes, ngayon ko lang to nabasa. Ang pinakamahirap sagutin sa tanong diyan ay kung bakit laging huli maglabas ng suspensiyon pag umuulan... hahaha

sakto ka dyan bes..grabe sila

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.20
JST 0.038
BTC 97252.23
ETH 3609.35
USDT 1.00
SBD 3.85