"Baybayin" Bilang pangunahing pamamaraan ng pagsulat sa Pilipinas | Sanaysay

in #tagalogsanaysay6 years ago
Nasakop ang Pilipinas ng mga español, amerikano at mga hapon. Kung kaya't makikita sa kultura ng mga Pilipino ang *diversity* na tinatawag. Meron tayong mga kultura o tradisyon na nakuha mula sa ating mga mananakop, kung kaya minsan ay nahihirapan tayong tukuyin kung ano ang tunay na atin, ang masasabing sa Pilipino nanggaling. Sa paraan ng pagsulat ay meron tayong tinatawag na baybayin. Ang baybayin ay ang kauna-unahang *script* ng mga pilipino. Naging malaking bahagi ng kasaysayan ito. Subalit sa paglipas ng panahon ay tila kinalimutan na ito.

IMG_20180303_144940.jpg
Tulang isinulat ko gamit ang baybayin

Kaya sa katanungang "Sang-ayon ka ba sa pag gamit ng Baybayin bilang pangunahing pamamaraan ng pagsulat sa ating bansa?" Ay "OO" ang isasagot ko! Bakit? Dahil isa itong bagay na ating maipagmamalaki, na talagang masasabi nating atin. Magbibigay ito ng *identity* sa ating mga pilipino, dahil masyado na tayong nakadepende sa alpabetiko ng mga amerikano. Kung ang Korea ay may *Hangul* ang Japan ay may *Hiragana* bakit hindi gawing *Baybayin* para sa Pilipinas? Nakakalungkot lang kasi isipin na kung ano shang pinagmulan natin ay kinakalimutan natin, at kung ano yung hindi sa atin yun pa yung tinatangkilik natin. Halimbawa nito ang mga "K-drama" at "K-pop". Na imbes na sana pag-aralan ang ating baybayin ay mas pinag-aaralan ang mga paraan ng pagsulat ng ibang lahi. Nakakalungkot lang . Isa rin sa mga rason kung bakit panig ako sa ipinaglalaban na ito ay sa kadahilanang maganda tingnan ang Baybayin, katangi-tangi at nakahumhumaling pagmasdan. Iba sa lahat at talagang mararamdaman mo ang pagiging Pilipino! Kaya sasang-ayon at sasang-ayon ako na gawing pangunahing pamamaraan ng pagsulat ang Baybayin, dahil magbibigay ito ng *pride* sa atin bilang mga Pilipino.
Sort:  

hahaha thank you, maskin wala ko kabalo para asa ang wow. hahahaha

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 60157.20
ETH 2416.98
USDT 1.00
SBD 2.43