Saan Patutungo:)
Minsan hindi mo alam kung bakit may kalungkutan
Bakit may mga katanungan na hindi mo alam ang kasagutan
Pakiwari mo ba'y nag iisa ka sa kawalan
Bakit kaya sa paglakad mo di mo alam ang patutunguhan
Samantalang sa isipan mo may gusto kang puntahan
Ganito ba talaga ang isipan
Ng isang taong nagugulumihanan?
Madaming tanong na naghahanap ng akmang kasagutan
Saan ,sino,ano ,bakit ,paano at madami pang iba't ibang katanungan
Na sa sarili mo alam mo na tanging IKAW lamang ang nakakaalam.
Image source : my own photo
I eat a lot of cream cheese tacos