Bakit nga ba ako nag stay? | Tagalog

in #tagalog6 years ago (edited)

FF0BE4F5-0F6B-45A8-84B0-F16C4F96DB02.jpeg

  1. Kahit ilang beses mo nang pinatunayan sa akin na dapat kitang iwan, hindi ako umalis. Umaasa kasi akong baka pagod ka lang o may pinagdaraanan kaya may mga pangako kang napapako at may mga nasabi kang masasakit.

  2. Siguro dahil pakiramdam ko, kailangan mo ako. Ganun naman sa pagmamahal eh. Tulungan. Kampihan. Ako kakampi mo diba? Kaya hindi kita iiwanan.

  3. Baka hindi uso sa akin ang mapagod. Na kahit ilang beses mo nang pinaramdam sa akin na parang hindi tayo para sa isa't-isa, nag-aabang pa rin ako. Hinihintay ko na titingin ka ulit sa akin, yayakapin ako at bubulong ng "Sorry kanina. Mahal na mahal kita. Alam mo yun."

  4. Marahil ako yung tipo ng taong mas mahal kita kaysa sa mas mahal ko ang sarili ko. Sasabihin ng iba, katangahan yun pero sa totoo lang, ikaw ang lakas ko. Masaya akong minamahal kita kahit minsan, ang sakit sakit na.

5

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 62227.11
ETH 2400.78
USDT 1.00
SBD 2.50