🐘 # 1Tagalog bersyon " Storya ng dalawang magkakabata "

in #tagalog7 years ago (edited)


image source: http://www.helloasia.com

Noong unang panahon may dalawang mag kababata sina Joy a Alan. Parehong nanggaling sa mayayamang pamiya at bukod pa dun sila ay may angking kagandahan sa mukha. Gwapo ang lalaki and maganda nman ang babae at baga na bagay talaga sila sa isat-isa.

Sabay silang lumaki sa isang eksikyutibong subdibisyon at parehas ang eskelahang pinag-aaralan ng dalawa. Mula elementarya, sulod sa hayskul at kahit sa kolehiyo sabay parin sila. Dahil sa ang kanilang pamilya ay malapi na magka sosyo sa negosyo. Pinagkasunduan ng kanilang mga magulang na sila ay dapat na magkatuluyan at ikasal para mapanatili ang kanilang koneksyon sa negosyo. Alam naman natin na ganon talaga sa mga mayayamang pamilya.

Pagkatapos nilang mag kolehiyo sila ay pinakasal ng kanilang mga magulang at silang dalawa ang namahala sa kumanya ng kanilang mga magulang. 1 taon at mahigit matapos silang ikasal nagtaka silang dalawa kung bakit hindi sila makabuong dalawa ng anak. Kayat minabuti na nilang mag pa kosulta sa Duktor at kasamaang palad. Si Joy ay walang kakayahang magdalang tao dahil sa ito ay Baog at masakit ito para sa mag-asawa at labis itong dinamdam ni Joy. Ilang taong na depress ito at hindi kaya gamutin kahit may kakayahan pa silang ipasuri ito sa espesyalista.

Isang ara 3 taon ang nka lipas merong silang bagong katulong si manang Fe. Sabi ni manang Fe kay Joy. Maam walang galang na po totoo po bang hindi kayo makabuo ng anak ni sir ( malumanay na tanong ). Si Joy ay hindi kumibo at hindi kinausap si manang Fe. Pasaring ni Manang " Maam Alam nyo po pde po kayo mag punta sa Binondo marami pong pumupunta dun na hindi nagkaka anak. Sabi po nila sumayak ka lng daw po dun at mabibiyayaan ka ng anak ". Biglang napalingon si Joy at nagtanong kung totoo ba ang sinasabi ni manang Fe. " Totoo daw po maam marami npong nka pagpatunay non. Sige makakaalis kna sabi ni Joy "Pasensiya npo maam sagot ni manang "

Pagkalipas ng 4 na araw pumunta si Joy sa Binondo at tumambad sa ka niyang ang maraming kababaihan na nag sasayaw sa harap ng imahe Maria. Di maipaliwanag ni Joy kung bakit parang tinatawag ito ng imahe at si Joy ay nakisali sa sayawan ng mga kababaihan. Pagkauwi ni Joy galling Binondo pinuntahan noya si manang Fe sa kusina at sinabihan na samahan siya sa Binondo bukas at sinabi din niya ito sa kanyang asawa na si Alan. Si Alan nman hindi pinigilan si Joy dahil nakikita niya sa kilos at mga mata nito na my kasiyahan na sa kanyang mukha kaya sumuporta ito sa asawa.

Makalipas ang anim na buwan sinubukan nilang magasawa na gumawa ng bata at sa isang milagro ay bigla itong nagging positibo na ito ay buntis. Isan milagro na nagpabago sa buhay nilang mag-asawa. Sa sobrang tuwa nag pasalamat itong si Joy kay Manang Fe at sa Imahe Maria na ng bigay ng biyaya sa kanya. Di lubos maisip ng mag-asawa na loob nang higit apat na taon sila ay nabigyan ng anak.

Sa loob ng siyam na buwan ng pagdadalang tao ni Joy isinilang ang kanilang anak. Ngunit sa hindi inaasahan parang may kakaiba sa bata dahil hindi ito maputi gaya nila at hindi ito umiiyak. Pero d muna nila ito pinansin kasi sanggol palang nman ito. Ngunit pagkalipas ng 4 taon ng Malaki na ang bata at ang pangalan nito ay si Maria Fe pinagsama ang pangalan ng Imahe Maria at ni /manang Fe. Sa kinasamaang palad hindi nila masyado pinapahalagahan ang bata dahil ito ay pangit, maiitim at hindi nakapagsasalita at sa tuwing may okasyon sa kanilang pamamahay hindi nila ito pinakikita sa tao kahit piakilala man lng. Masakit yun para sa batang si Maria Fe.

Dumaan ang 2 taon at kalahati at nasa 7 taong gulang na ito at kaarawan ng bata ngunit hindi nila ito binigyan ng isang espesyal na handaan. Bagkos dinala nila ito upang magbakasyon sa isang baryo na mayroon silang bahay panuluyan. Habang na sa biyahe sila at nasa kapatagan ang batang si Maria Fe ay hinihila si Joy at parang gusto nitong unihi. Kaya nman binuksan ni Joy yung pintuan ng Van at sa hindi inaasahang pangyayari. Nasagasaan yung bata at namatay.

Ang masama at masakit kahit ito ay namatay na hindi parin ito nakaranas ng espesyal na trato sa mag asawa. Pina kre meyt nila ito at dinala na lamang ang abo sa isang museleyo ng mga namayapa na. Hindi rin Makita sa kanilang mag asawa ang pangungulila sa anak na si Maria Fe.

2 taon mahigit na nkalipas matapos mamatay ng kanilang anak ay muling nagpunta si Joy sa Binondo upang magsayaw at humingi nang pangalawang pagkakataon na mabibiyayaan. Humingi ito ng tawad ng taos puso at sabi niya kahit ano pa mabigyan lng siya ulit ng anak ay tatanggapin na niya ito ng buong puso. kaya ginawa niya ito uli araw-araw kasama ang asawa. Sa kabutihang palad pagkalipas ng anim na taon ay muli nilang sinubukan at sila ay nabiyayaan uli ng anak.
Lubos na nagpasalamat si Joy at ang kanyang asawa sa imahe Maria.

Siyam na buwang pagdadalang tao at pinanganak ang kanilang anak na isa padding babae, maganda at maputi gaya ng mga magulang. Ngunit hindi din ito umiiyak ngunit d rin nila ito pinansin kasi sanggol palang. Lumaki ang ang bata at sa bawat buwan pinasuri nila ito sa eksperto at ang bata ay hindi nakakapagsalita gaya ni Maria Fe at ang pangalan din nang bagong anak ay si Maria Fe pa din. Ang kaibahan lng ang bata kahit pipi ito ay binibigyan ng atensyon, garbong kaarawan, at pinakikila nila sa kanilang mga kapwa negosyante. Lahat ng bagay ay binibigay sa anak na si Maria Fe hanggang sa ito ay nagging pitong taong gulang na at kaarawan. Gusto nina Joy at Alan na ang kaarawan ni Maria Fe ay doon ganapin sa kanilang bahay panuluyan sa hacienda dahil marami sila doong tauhan at maraming bata.

Isang araw handa na silang umalis papuntang hasyenda at nka handa na ang lahat. Sina Joy at Aln kasama ang anak na si Maria Fe ang magkasabay sa Van at habang nasa biyahe. Napaisip bigla si Joy at na-alala ang unang anak na si Maria Fe na ngayon niya lng npagtanto magkapareha pla sila ng araw at buwan ng kaarawan. Habang nag-iisip ito nagulat itong bigla ng hatakin ni Maria Fe ang kanyang damit at sumesenyas ito na gusto niyang umihi. Napaisp ng malalim si Joy parang ganito din yun ang angyari ah. Ngunit sinawalng bahala ito ni Joy kasi matagal na yun at sabay sa pagbukas ng pintuan ng van. bago bumaba yung bata sa van nagsalita ito at nagulat si Alan at Joy dahil nakapagsalita ito."Labis ang tuwa sa kanilang mga mukha" at sabay sabi ni Joy na " Sige anak baba kna at ng mka ihi kna. Bago tuluyang umapak sa lupa yung paa ng bata nagsalita ito ulit kay JOy sabay hawak sa braso at ang kanyang sabi.

Mama sa susunod huwag niyo na po akong itutulak ha!!!!

Then @jezmacher as part of the upsizing growing community team like @steemph @steem-untalented @artguild @steemgigs @philippines @bayanihan we curate and support others work for progression.

don't forget to vote @surpassinggoogle as your witness and Take some imaginary @teardrops (smart media tokens). You can read about the special tokens and details.. just visit @surpassinggoogle your boy Terry.

final tears.PNG

Just leave you comments, upvote , and resteem
Thank you for visiting!!



Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.27
JST 0.041
BTC 98218.24
ETH 3592.97
SBD 2.34