Pagtulong ~ Orihinal na tula

3113FAFD-7135-4EF8-8B4A-F6331BDA2A09.jpeg

“Aanhin pa ang damo,
Kung patay na ang kabayo”

Isang katagang magpapatotoo
Sa kabutihan ng isang tao

Ang pagtulong sa kapwa
Ay isang mabuting gawa
Butihing pusong may awa
Upang ang iba’y guminhawa

Marapat na tulungan
Ang sinumang nangangailangan
Yaman lamang din naman
Na ikaw ay may kakayanan

Huwag lang sana mahuli
Ang tulong na nais ibahagi
Dahil imbis na mapabuti
Baka sa huli ay magsisi

Ang ugaling Mañana
Sa ating ninuno ay minana
Ang pagsambit ng mamaya na
Ay dapat nating iwasan na

Lagi nating pakatatandaan:
“Kung ano ang ating itinanim,
Ay siya rin namang ating aanihin”

S’yang tunay na ang pagtulong ay napakainam

Ang imahe ay mula sa picluck.net

Maraming salamat po sa pagbabasa!

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.20
JST 0.034
BTC 98477.90
ETH 3327.94
USDT 1.00
SBD 3.07