tagalog poetry "yakap"

in #tagalog-poetry6 years ago


"yakap"

Mga dampi mo sa akin tuwing umaga
Sa gabing maginaw ay natatamasa
Lambot lulad ng unan ay dama
Tulad ng sabaw na mainit at masarap ang lasa
Tanging ito'y aking hangad
Mga yakap na tila ba walang katulad
Parang bang panaginip na natupad
Ito'y iyong lubos na lahad
Isang iglap ngunit kay tagal
Mundo koy kusa nalang bumagal
Ang tinik sa puso'y nabuwal
Pagkat ang ako'y iyong minahal
Mga buhok mong kay sarap amoyin
Sa iba'y tunay na hangarin
Ang makasama ka sa piling
Ay dalubhasa at nais kong angkinin
Balikat mong kay kinis
Pag-hihintay sa iyo'y aking matiis
Upang sa ganun ay mapagkaloob mo sakin ang tamis
Na matagal ko nang ninanais
Ang kapiling ay mahalin kang labis


Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64386.10
ETH 3142.17
USDT 1.00
SBD 3.98