Tagalog poetry "pakiusap"

in #tagalog-poetry3 years ago

"pakiusap"



Habang ikaw malinaw na nasa paningin
Hindi-hindi ko sasayangin
Bawat yakap na ipinagkait mo sa akin
Sa araw na ikaw wala ngunit na sa damdamin
Ang mga salitang aking baon na iyong binilin
Habang sa piling ikay naririto
Walang pag-alinlangang mga kamay ay hahawakan ko
Sa pagkat alam kong bukas ay di ko kontrolado
kaya't habang ikaw nasa aking mundo
Ipapadama ang tunay na pinipintig sa bawat segundo
Alam kong bukas ay makakaranas ng pag-iyak
At ako'y tunay na nakatitiyak
Na ako'y mawawalan ng galak
Dahil alam kong ang buhay moy pwedeng mapahamak
Sapagkat aking pakiusap
Sa gabing puno ng bituin ang mga ulap
Sa taglamig ikay makaharap at makausap
Sumbongan ko sa tuwing akoy nasa pahamak


src