KAPAYAPAAN-PANGARAP KA LANG BA?(Tulang tagalog)
Narito po ang aking munting tula at orihinal kong katha mga kabayan at kastemyans. Sana magustuhan nyo po ang simpleng katha ko.😊
KAPAYAPAAN-PANGARAP KA LANG BA?
Umiiyak ang bata sa lansangan, Ang magkalahi ay kapwa nag-aalitan.
Patayan dito! Patayan doon!
Wala na ba itong katapusan?
Mananatili na lang bang pangarap ang salitang Kapayapaan?
Matagal na itong pangarap ng bawat isa, Na magkaroon tayo ng kapayapaan na tinatamasa.
Ang iba'y dinadaan sa puwersa, kahit maraming inosenteng buhay ang nawawala.
Kailan ba natin matatamasa ang buhay na payapa?mananatili na lang sa pangitain lang natin makikita?
0' hanggang sa bawian tayo ng ng hiram nating hininga?
Lahat tayo ay gusto natin ang buhay na mapayapa, Yung wala tayong panganib na inaalintana.
Pamilyang nagmamahalan at puno ng kasayahan at paligid na kahali -halina.
Pero mananatili na lang ba sa ulap ito makikita? O' kung tayo ay kunin na ng ating Amang Maylikha?
Kapayapaan O' Kapayapaan bakit kay ilap mong makamtan?
Ikaw ba ay nasa ilalim ng karagatan?
O nasa lupa ka na dapat hukayin upang makamtan?
O' ikaw ay nasa kalangitan? Na kayhirap matagpuan.
Sa aking ilang taong pagsisiyasat,
Mayroon akong nabasa na kakaibang aklat. At ito rin sa aking pananaw ay nagmulat, Na mayroon palang kapayapaan na malaman ng lahat. Na ang salitang kapayapaan ay di matatagpuan at makakamtan sa makalupang kayamanan at kapangyarihan,
KUNDI SA DIYOS NA NAGMAMAHAL SA ATIN, SA KABILA NG ATING PAGKUKULANG!
Sana nagustuhan nyu po ang simpleng tula na aking akda.😊
Ang inyong lingkod;
Join us in Steemgigs Community on discord: https://discord.gg/CGuPyyT
You can join also @steemschool @discord channel;https://discord.gg/AmWbTb
Join us in Steemgigs Community on discord: https://discord.gg/CGuPyyT
You can join also @steemschool @discord channel;https://discord.gg/AmWbTb