Minsan Kailangan Mong Lumaban Kung Lalake Ka

in #story7 years ago
Magandang araw Pilipinas. Ito ang kauna-unahan kong artikulo patungkol sa pagsusulat gamit ang sarili nating wika. Sana magustuhan ninyo ang kwentong ito.   

“Hindi mo kailangang lumaban para maging isang tunay na lalaki," sinabi ng ama sa kanyang minamahal at nag-iisang na anak na lalaki, na pinangalanan ng kanyang asawa na Jose.

Sa edad na otso anyos, ipinadala sa bilangguan ang kanyang ama dahil sa pagpatay. Hindi talaga maintindihan ni Jose ang biglaang pangyayari at nag-iwan lamang ng isang katanungan sa kanyang mumunting pag-iisip. Habang akay ng pulisya ang kanyang ama mula sa kanilang bahay para dalhin sa bilangguan, si Jose na may luha sa kanyang mga mata ang tumakbo patungo sa kanyang ama. Ang kanyang ama nama’y sinisikap na mahawakan ang anak at sinabi nito, "Anak ko, maaaring ito na ang katapusan ng aking buhay, ngunit ang sa’yo ay nagsisimula pa lamang."

Sa unang bahagi ng siyam na taong gulang na Jose, napatay ang kanyang ama sa bilangguan. Habang ang kanyang ina na lamang ang kanyang natirang kaibigan, patuloy silang namumuhay sa buhay ng kalungkutan. Lumalaki si Jose sa dilim. Siya ay biktima ng mga pananakot. Hindi niya alam kung paano tukuyin ang ibig sabihin ng kaligayahan.

Sa kabila ng paghihirap sa buhay, patuloy silang namumuhay sa mabuting landas. Kasama ang kanyang ina, nagkaroon sila ng matibay na paniniwala sa Diyos. Sa kabila ng lahat ng lahat na pagsasamantala na kanyang naranasan, siya ay hindi kailanman lumaban sapagkat ang mga salita ng kanyang ama ay nananatili sa kanyang isipan.

Tulad ng sinabi sa kanya ng kanyang ama nang sila’y minsang bumisita sa bilangguan kasama ang kanyang ina noong buhay pa ito. "Anak, ipangako mo, huwag mong gawin ang mga bagay na nagawa ko. Kung mangyari, iwasan ang mapalaban hangga’t magagawa mo. Hindi nangangahulugan na ikaw ay mahina kung hindi ka lalaban. Aking anak, tandaan mo ito. Hindi mo kailangang mapalaban para maging isang tunay na lalaki ka."

Hanggang lumipas ang mga taon at naging-21 na si Jose. Dumating ang kapalaran, natagpuan ni Jose ang kanyang kaligayahan at ito’y si Gina. Naging magkasintahan ang dalawa at ang tanging gusto lamang nila ang mamuhay nang maligaya magpakailanman.

Isang araw, ang dalawang magkasintahan ay namasyal sa plasa ng bayan. Ang kanilang matamis na usapan ay napunta sa malayo at nakalimutan na nila ang oras. Dumating ang gabi na kailangan na nilang umuwi. Habang naglalakad sila sa madilin na daan, nakasalubong sila ng limang lalaki.

Inagaw ng mga lalaki si Gina at iniwan si Jose habang nakahandusay na walang malay sa kalsada. Kinabukasan, si Jose ay muling nagkamalay at namulatan si Gina sa kanyang tabi na walang pirasong damit na suot. Si Gina ay nagahasa. Ang tanging bagay na nadama ni Jose sa mga oras na ‘yon ay ang pagkapoot at paghihiganti.

Image: Source

Alam ni Jose ang mga salarin; ito ay ang mga taong nang-aapi sa kanya mula ng siya ay bata pa. Pagkatapos na inalagaan si Gina, si Jose ay daling tumungo sa madalas na tagpuang lugar ng mga lalaki.  

Habang binubugbog ni Jose isa-isa ang mga salarin, sinabi niya, "Ito ay para kay Gina." At si Jose ay umalis iniwan ang limang lalaki na nawalan ng malay. Pagkaraan ng isang minuto, dumating ang mga pulis at inaresto ang mga lalaki.

Habang naglalakad si Jose palayo, tumingala siya sa kalangitan at inalala ang mga salita ng kanyang ama.

"Tatay, ipinapangako ko sa iyo na hindi ko gagayahin ang mga bagay na nagawa mo. At iiwasan ko ang mapalaban kung magagawa ko. Sana ay maintindihan mo ang nagawa kong ito. Minsan, kailangan mong mapalaban kung talagang ikaw ay isang tunay na lalaki."

Sana nagustuhan ninyo ang kwentong ito.

Sort:  

Ang ganda naman ng story mo kabayan..

Totoo nga kabayan.
Hindi nasusukat ang tapang sa paglalaban :) hehe.

English Trans.:
Your story is wonderful.
Yes it is true my fellow pilipino.
Fighting with a fist doesn't measure how brave you are.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 75243.81
ETH 2872.09
USDT 1.00
SBD 2.49