Apayang Year End Program 2017

Isang makakalikasan pagbati!

Muli kami po sa Samalahat Advocacy ay muling kumakatok sa inyong mga puso para sa nalalapit na Apayang Year End Program,
Na kung saan ang unang layunin ng programang ito ay para makapagbahagi ng mga pangunahin pangangailangan ng tao katulad ng bigas, kape at asukal sa komunidad ng Brgy. Mataas Na Pulo Nasugbu Batangas na nakakasakop sa Bundok Apayang.

Ang pangunahing pinagkukunan po ng ng programang ito ay ang rehistro ng bawat mountaineer o indibiwal na bumibisita sa kanilang kabundukan. Subalit sa likod po ng kanilang naiipon ay nananatiling kapos pa din ito upang mabigyan katuparan na maibahagi sa bawat pamilya ang mga nasabing mga pangangailangan.

Para po sa lahat ng interesadong mag boluntaryo, magpadala ng suporta at maging bahagi ng taunang programang ito ay maaari po kayong makipag ugnayan sa akin.

"Hindi isang pribilehiyo ang magkaroon ng maayos na buhay, Ito'y isang KARAPATAN"

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 66709.93
ETH 3505.67
USDT 1.00
SBD 2.71