PABORITONG PALABAS KO SA PILIPINAS. [TAGALOG VERSION] @SteemPh
Madalang talaga ako manoond ng T.V kaya naman ang huling palabas na napanood ko ay sa dekada 90 pa. Isang beses lang sa isang linggo pinapalabas ang Oki Oki Dok, sulit naman ang paghihintay kasi maganda naman itong palabas na ito siyempre nakatatawa. Ang bida ay si dok Aga na isang beterinaryo at saka ang kaniyang iniibig na si Alex (Agot Isidro). Siyempre hindi sila ang paborito ko. Ang paborito ko ay si Dixon (Roderick Paulate) bagay na bagay sa kaniya ang ginaganapan niya kasi silahis siya. Syota niya si Charlene Gonzales subalit ang iniibig niya ay si dok Aga haha. Grabe! Tuwang-tuwa ako sa palabas na ito, bukod sa nakatatawa ang lakas pa maka-ubos ng oras.
Sa tuwing magda-date sina dok at Alex lagi na lang sila hinahadlangan ni Babalu o kaya naman ni Dixon. Kaya madalang silang magkasama. Magkapitbahay lang naman sila. Si Dixon nga pala iyong siga sa palabas pero bading siya. Kaya na rin naging magkaibigan sina dok at Dixon dahil noong una nakita ni Dixon si dok ay may nagtangka sa buhay ng doktor, mabilis naman kaagad sumaklolo si Dixon. Doon na sila naging magkaibigan. Galit na galit si Dixon kay Gudo (Jimmy Santos) kasi alam niya ang sikreto ni Dixon. Sinabi na ni Gudo ang sikreto ni Dixon pero hindi naniniwala si dok Aga. Sa twing magkikita sina laging sinasabi ni Dixon "pre ano balita?" lalaking-lalaki kuno pero huwag ka isa siyang bading.
Ayaw ng magulang ni Alex kay Aga kasi mahirap kang daw si Aga kaya naman pilit hinahadlangan ni Babsy (Babalu) ang pag-iibigan nila. Hindi ko matandaan ang katapusan, tumagal rin ng Pitong Taon itong palabas kung hindi ako nagkamamali. (1993-2000) hanggang sa naglipatan na iyong ibang artista sa kabilang channel. Iyong iba naman namatay na.
Tuwang-tuwa talaga ako kapag naaalala ko iyong isang parte kung saan si Dixon ay nakatitig sa larawan ng isang babae ngunit kapag binaliktad na ang larawan ay makikita natin na larawan pala ni dok Aga. Nga pala kapag kaharap ni Dixon ang nobya lalaking-lalaki ang dating niya at maton na maton. Hindi talaga akalain ni Charlene Gonzales na bading ang kaniyang syota. Sino ba naman kasi mag-aakala na bading si Dixon, kinakatakutan at nirerespeto ng mga siga sa iba't-ibang kalye. Iyon nga lang nahuli siya ni Gudo noong bumisita siya sa kilinika ni dok Aga at biglang nagulat nang may lumabas na isang malaking ahas. "Ayyyyyy" sigaw ng bertud. Simula noon nakumpirma nga ni Gudo na bakla si Dixon, nalaman din niya na nobyong lalaki ang bertud.
Maganda itong palabas na ito kaya kung may oras kayo ay panoorin niyo sa Youtube o kung saan man ninyo gusto. May aral din kayong matutunan. Huwag lang kayo maging matapobre haha. May entry na nga pala ako sa pa-contest ni Romelin. Wala lang sinulat ko lang ito baka kasi sabihin puro palabas sa Estados Unidos lang ang pinapanood ko. Huwag kayo mapanghusga ito na lokal na palabas. Iyan na ang pinaka-paborito kong palabas sa kasaysayan ng telebisyon at wala nang hihigit pa. Hanggang sa muli paalam.
Haha. Gagawa rin ako ng tagalog version ko kahit di ko na isasali. Wahehehe.
Sige, pero parang Engkantadia o Mahika ang sasabihin mo nyahahaha.
akala ko Kool Ka Lang ang paborito mong palabas eh. nyahaha! sina Gina, Jack, Nadia, Mang Mags (nakalimutan ko na ung pangalan ng ibang tauhan)
Mas matindin ang palibahasa lalaki roon haha. Si Long Dagul at Paras haha
Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by twotripleow[DeShawn Tragnetti] from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.
Nice bagsik mo talaga master @twotripleow, naalala ko tuloy ito, madalas ko rin panoorin to nung paslit pa ako, hahahahaha 👍mabuhay ka master🤴
Oo master haha kaso bata ka pa 8 years ago haha baka naintindhan mga kalibugan doon haha
Ay mali pala sinasabi ko akala ko sa 2 broke girls haha. OKI Doki Doc pala wholesome iyan haha
Ayy grabeng throwback nito pero sobrang aliw din ako sa palabas na to huehue
Posted using Partiko Android
Oo hehe wala ako alam na bagong palabas sa Pilipinas at saka yan lang yata ang natapos ko at saka nagustuhan hehe.
Hahaha totoo yan puro drama na kasi pinapalabas wala ng mga feel-good masyadi
Posted using Partiko Android
Kaya nga e maga millenials lang ang nagagandahan sa mga palabas ngayon sa tv nyahahaha.
Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
Thank you kindly.
Ay pinapanood ko din yan noon. 😁 Grabe naman yung 90s p last nood s TV. Yung totoo? Less than tatlong dekada n d nanonood ng TV? 😂
Posted using Partiko Android
Totoo at hater ako ng mga korean boys. Nanonood ako minsan balita, pagkabuhay ko may nanlaban. Maniwala ka man o sa hindi totoo hindi ako nagbubuhay TV nang matagal. Manood man ako Basketball lang o Football(rugby). Wala na talaga hehe. Maganda Oki Dok di ba? Hehe magkasing edad lang siguro tayo kaya naka-rerelate ka.
Mmm siguro. Haha. Tgal n rn ako d nanonood tv pero s YouTube tsaka ibang movie/tv series sites shempre dun ako nanonood. Pati anime. Haha.
Hater ng Korean boys? E pano si PSY? 😂 Tpos ung theme ngaun abt Fave Korean stars. 😂
Posted using Partiko Android