NON FICTION: ANO ANG GUSTO MO MAGING?

in #steemph6 years ago

Ano ano ba ang gusto natin maging? Ako simula bata ako hanggang ngayon ganoon pa rin ang gusto ko maging. Wala naman ipinagbago, kung ano ang gusto ko noon ganoon pa rin ang gusto ko kasi hindi naman nag-babago pananaw ko sa buhay.

77u3k2rsxu.png

Pixabay.



Unang una gusto ko talaga maging abogado o kaya naman ay maging isang hukom. Bakit? Kasi nakita ko na hindi pantay ang hustisya sa Pilipinas. Ibig ko sana tulungan ang mga taong hindi kaya umupa ng isang abogado. Sa sobrang daming kaso sa Pilipinas kulang na kulang ang abogado. Kaya naman gusto ko ialay ang serbisyo ko sa mga taong kapos sa buhay. Ibig ko rin sanang iparating ang mensaheng nais ko sa mga kalaban ko. Nang sa gayon ay humingi na sila agad ng kapatawaran sa mga biktima. Nais ko rin maging hukom sapagkat batid ko na na kulang na kulang din ang mga hukom sa Pilipinas, kaya mabagal ang usod ng mga kaso at marami ang nakabinbin.

Mahirap lang talaga maging isang abogado sa Pilipinas sapagkat ang Pilipinas ay mahirap na bansa lamang. Hind kagaya sa ibang bansa na may libreng pag-aaral. Sa Pilipinas kasi walang "student loan" ito ay kung saan makapagaaral ka ng libre sa kahit anong kurso. Sa Pilipinas walang ganoon. Kapag ang tao ay mahirap lang walang pag-asang makapag-aral ng abogasiya o sa wikang ingles ay "law". Paano makapagaaral ang isang tao kapag ang babayaran mo sa iskuwelahan ay mahigit kumulang? Tapos sampung pang mag-aaral hindi ba? Sa tingin mo kaya ng isang normal na pamilya sa Pilipinas ang mag-aral ng ganoon? Abosgasiya at ang medisina ay para lang sa mga mayayaman na kurso sa kolehiyo. Sana pagdating ng panahon ay maiba ang sitwasiyon sa Pilipinas. Sana sana.

7t7ty16ij2.png

Larawan.

Gusto ko rin maging rapper subalit gusto ko maging abogado unang una, kaya naman hindi puwede na maging isang rapper at maging abogado. Bakit? Siyempre kapag naging isang abogado ka ay dapat hindi ka lalabag sa batas. Ang isang rapper kasi na TOTOO ay dapat hindi nagsisinungaling sa mga kanta niya. Hindi puwedeng may masabi lang o kaya naman kaya lang nag-rarap ay dahil sa PERA. Kagaya ng mga bagong rapper ngayon kaya lang sila nagrarap ay dahil lang sa pera. Ang totoo naman ay wala silang talento at halos lahat ng mga sinasabi nila ay hindi nila nagawa sa totoong buhay. Ang temang rap ay ibang iba sa pop. Dapat sa rap lahat ng mga sinasabi mo sa kanta mo ay totoo.

Napagtanto ko na hindi ako puwede rito. Puwede siguro ako tiga sulat lang ng mga kanta o kaya naman mag-bibigay lang ng ideya, tugma at iba pa. Bagama't hiwalay ang mga magulang ko at hindi naging maganda ang kanilang relasiyon ay puwede na rin ako? Hindi pa rin sapat iyon. Sa pampribadong iskuwelahan din ako nag-aral simula elementarya hanggang high school. Wala rin nilabag na batas kahit J-Walking simula bata hanggang sa pag-tanda. Ayaw ko naman sumikat sa larangan ng rap tapos babansagan lang akong peke. Kahit naman ayos na ako sa buhay ko. Makikinig na lang ako ng mga kanta nila sapat na sa akin iyon.

knwuwhs037.png

Pixabay.

Gusto ko rin maging atleta. Kagaya ng: Basketball Player, Football Player, Baseball Player at iba pa. Naging inspirasiyon ko kasi ang mga atleta noon at ngayon. Hilig ko talaga ang palakasan maliban sa Volley Ball Boys at Soccer. Siguro iyang mga iyan lang hindi ko paborito. Ang madalas ko laruin ay Basketball. Sa Basketball din ako napilayan at nabalian pero laban lang. Sa basketball din ako muntik makapatay ng tao haha. Lumaki kasi ako nanonood palagi ng Basketball. Panahon ni Michael Jordan noon pero hindi siya ang paborito ko. Si David Robinson at Shaquille O'Neal ang mga paborito ko sa basketball tapos noong Tim Duncan siya na naging paborito ko at gusto ko maging kagaya niya subalit hindi ako pinalad. 6'0 lang kasi ang taas ko maliit masyado para maging sentro sa Basketball. Mabagal naman para maging isang football, baseball player.

Hindi pagsikat ang una kong dahilan kung bakit ko gusto maging atleta. Ang unang dahilan ay siyempre malagpasan ang mga iniidolo ko sa larangan ng palakasan. Hindi ko gusto na mapantayan lang sila bagkus ay mahigitan sila sa kani kanilang mga larangan. Masyado ba mataas ang pangrap ko? Libre lang naman iyan. Kaya walang problema.

mg9tu1192u.png

Larawan.

Gusto ko rin maging isang tiga pagbalita sa radyo o isang DJ sa madaling salita. Kasi gusto ko ng trabaho ay iyong nag-papatugtug ka ng mga kantang gusto mo tapos may sahod ka pa? Hindi ba ang ginhawa ng buhay kapag ganiyan? Sayang nga lang at hindi ko natapos ang kursong Mass Communication noong ako ay nag-aaral pa. Bata pa lang kasi mahilig na ako sa mga kanta, kaya naman nang lumaki na ako gustong gusto ko rin maging isang DJ. Papatugtugin ko mga paborito kong kanta tapos andiyan iyong babatiin mo mga kaibigan mo o kaya naman hihingi ng payo sa iyo iyong mga taong tatawag sa istasyon niyo. Ang sarap ng pakiramdam at saka ang saya saya.

Gusto ko rin maging isang Geologist. Sa totoo lang Geography lang hindi naging line of 7 o 8 ang marka ko sa card. Mataas palagi simula bata hanggang sa tumanda na haha. Madami kas i ako baguhin na lugar sa Pilipinas. Madali ko rin natatandaan mga lugar kaya nagustuhan ko rin maging isang Geologist. At saka basta tungkol sa Earth gusto ko rin pag-aralan.

Sa sawing palad, walang natupad maski isa sa mga gusto ko maging. Hindi ko alam kung bakit. Ang binagsakan ko ngayon ay isang ordinaryong manggagawa lamang. Ayos lang masaya naman ako sa buhay ko. Hindi lang siguro ukol ang lahat. Dadating din siguro ang panahon. Hindi pa naman ako nawawalan ng pag-asa. "Hanggat ako'y humihinga may pag-asa pa". Kahit na 33 na ako iniisip ko pa rin ang mga gusto kong gawin at hindi ako nawawalan ng pag-asa lalu na at alam kong kaya ko naman. Kung hindi matupad ay salamat na lang din kasi kahit papaano ay nakapag-aral ako kahit hindi ko natapos. Basta ako masaya ako kahit wala kahit ano brief lang mayroon ako. O siya hanggang sa muli paalam.



tqy91cwceu.png

Sort:  

kulang pa brad. hindi mo nailagay na gusto mo maging tabloid writer. nyahaha! atsaka maging boss ng mga gangster. nyahaha! 😂

Nyahahaha hindi kaya. Iyan lang ang mga gusto ko. Nabasa mo na ba sinulat ni Romeline?

Gusto ko rin maging rapper

Yes! Support ako dyan.

Wala rin nilabag na batas kahit J-Walking simula bata hanggang sa pag-tanda.

Ayoko talagang mag jay-walk ever!

Geologist

Oo, kakaunti lang dito sa Pinas kaya nga di nila ma diskobre at ma update ang lahat ng fault lines kasi sa kakulangan ng mga geologist. Hinde siya masyado sikat na kurso sa atin at wala din masyadong nagkakagusto nito. Believe it or not, gusto ko din maging geologist kaso nga lang, hinde kami mayaman kaya need ko ang kurso kung saan maitataguyod ko ang aking pamilya at ang aking magiging pamilya.

Pero okay din to sa iyo oh...

Gusto ko rin maging isang tiga pagbalita sa radyo o isang DJ sa madaling salita.

Hindi ako naniniwala na mahirap lang kayo. Ito ang totoo mahirap lang kami kaya hindi ako nakapag-law. Mass Comm lang hehe. OFW lang kasi tatay ko.

Lang talaga! OFW din kaya tatay ko!

Oo lang, hindi naman kasi siya boss doon. Security guard siya. Totoo lang sinasabi ko hehe at saka parehas parehas pala mga tatay natin na OFW. Saang bansa naman siya?

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 60693.34
ETH 3032.06
USDT 1.00
SBD 3.81