KATHANG ISIP [A TAGALOG FICTION]: UNANG KATAUHAN NI IAN PAUL.

in #steemph6 years ago

Si Ian M. Paul ay ipinanganak sa Pangasinan na mayroong Filipina na nanay at Amerikano na tatay. Sa edad na tatlo ay tumulak ng Estados Unidos ang mag-inang Ian Paul at Lorna upang makipag-sapalaran at pati na rin maka-piling ang kabiyak ni Lorna na si ginoong Jerome Paul. Si Ian Paul ay nag-aral sa Compton College simula elemtarya hanggang sa kolehiyo. Nag-tapos siya sa kursong abogasiya. Tumulak pabalik ng Pilipinas si Ian Paul sapagkat inalok siya ng isang opisyales sa gobyerno na mag-silbing kalihim ng kagawaran ng hustisya (DOJ).

Bagamat si Ian Paul ay batikang abogado, hindi pa rin siya nakukuntento kung ano ang mayroon siya. Habang siya ay nag-tratrabaho siya ay nag-aaral pa rin. Kumuha siya ng kursong Mass Communication Major in Broadcasting at Geography sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman lungsod ng Quezon.

Lumipas ang isang taon, lalung dumami ang kaso na hinahawakan ni Ian Paul, subalit isa ang pumukaw sa nag-aalab na damdamin ni Ian Paul. Isang 18 anyos na batang dalaga na ni rape ng isang politiko sa bandang Aurora. Galit na galit si Ian Paul habang binabasa ang ulat na binigay sa kaniya ng kaniyang sekretarya.

"Ano ba lagay nito? Kawawa naman ito dapat mabigyan ito ng hustisya. Papatunayan ko sa lahat na hindi lang para sa mayamang ang hustisya dito sa Pilipinas". Paanas na wika ni Ian Paul.

Tinunguhan ni Ian Paul sa Baler, Aurora ang biktama kasama ang kaniyang mga staff. Nang makarating sa paroroonan ay hindi na nag-aksaya ng oras si Ian Paul. Nagpakilala si Ian Paul sa mga magulang ng biktima at sinabing, siya ay isang miyembro ng gabinete ni Presidente Oscar Gabanatan. Inungkat ni Ian Paul ang pinagmulan ng krimen at inusisang mabuti ang bawat pirasong delalyeng nasagap sa mga magulang ng biktima. Itago na lamang natin sa pangalan na "Rosas" ang biktima.

"Uhm Rosas ba kamo iha? Kung hindi mo sana mamasamain ay ibig kong itanong ang ugat ng mga nangyari, kung maaari sana ay ipagtapat mo sa'kin ang lahat lahat. Huwag ka mag-alala iha, ako ay alagad ng batas. Kung kinakailangan na dalhin natin iyang kaso mo sa kataas taasang hukuman ay gagawin natin, basta mag-tiwala ka lamang". Usisa ni Ian Paul kay Rosas. Ipinakita ni Ian Paul ang mga proweba na siya ay Kalihim ng Kagawaran ng Hustisya (DOJ).

Ganito po kasi iyon sir. Ako po ay namamasukan bilang isang kasambahay sa mansiyon ni Gobernador Armando J. Santos. Tuwing Sabado at Linggo. Pumapasok po ako sa iskuwelahan Lunes-Biyernes. Tandang tanda ko pa po ang araw na ako ay hinalay ni Gob. Alas kuwatro po ng hapon Sabado, nang inutusan ako ni gob. na linisin ang kuwarto niya. Siyempre po sumunod ako kasi po amo ko po siya, at saka hindi ko po alam na mayroong masamang balak sa'kin si gob. Nang matapos ko na po linisin ang buong kuwarto ay nagulat na lang po ako na may biglang pumasok na dalawang lalaki, iyong dalawang lalaki po ay mga bataan po ni gob. Dali dali po nila akong tinulak patungo sa kama. Hinawakan po ang dalawang kamay ko at tinakpan po ang aking bibig upang hindi po madinig sa labas ang nag-mamakaawang boses ko. Doon na po nagawa ni gob. ang kaniyang masamang plano sa akin. Sobrang sakit po talaga at saka iyon po ang una ko. Binaboy po ako ni gob. at nang siya po ay matapos, pinagbantaan niya po ako na papatayin niya ako pati po ang aking mga magulang. Kinabukasan po ay nag-tungo po sila dito sa bahay at nag-banta nanaman po na papatayin nila kaming lahat dito, sabay nag-iwan po ng isang sobre na na may lamang pera. Pinilit po sina nanay at tatay na tanggapin ang sobre. Tinutukan pa po sila ng baril sa mukha. Wala po kaming nagawa kung hindi kuhanin na lang po ang sobre. Ang sobre po ay may lamang 10,000.00 PHP. Nanlulumong payahag si Rosas kay Ian Paul.

"Patong patong na kaso ang haharapin nila. Huwag kayong mag-alala bibigyan ko kayo ng proteksiyon simula ngayong araw. Ilalagay ko ang buong pamilya mo sa kustodiya ng Kagawaran ng Hustisya. Ngayon na narinig ko na ang iyong mga payahag. Kami'y mag-iimbistiga upang mapanagot ang mga tao sa likod nang karumal dumal na krimen. Nag-papasalamat ako at nakarating sa amin ang inyong hinaing. Nandirito sa papel na ito ang aking numero pati na rin ang numero sa ahensiya, kaya kung may kailangan kayo tumawag lang kayo o mag-text." Galit na galit na sambit ni Ian Paul.

Bumiyahe na pabalik ng Maynila si Ian Paul. Ang hindi niya alam habang siya ay nag-sisiyasat, tinitiktikan na pala siya ng mga bataan ni gob, tiniktikan din ng mga bataan ni gob ang pamilya ni Rosas. Napagalaman ng mga bataan ni gob na mayroong tiga gobyerno ang nagtungo sa bahay nila Rosas, kaya naman agad silang nag-plano kung paano papatumbahin ang kalihim.

ITUTULOY MAMAYA ....

Sort:  

Ayan. Bida naman sila ngayon. Haha. Gusto ko yung pangalan ng presidente. Haha.

Pambawi e. Nakakahiya naman kay boss @iyanpol12 mapagmahal. Kaya sineryoso ko ngayon. Galit yata siya kasi rapist role niya haha. Lupit ng ngalan ng presidente no?

Presidente Oscar Gabanatan

Gagawaan ko rin si Melai fiction haha ano kaya magiging pakiramdam niya haha.

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.031
BTC 57038.56
ETH 2908.37
USDT 1.00
SBD 3.65