HUGOT Contest - 10 SBDs Up For Grab! Entry #1

in #steemph6 years ago (edited)

2.jpg

El Nido, Palawan Philippines 2015.


Wala tayo magagawa kung hindi tanggapin ang masakit na katotohanan. Sadyang ganiyan ang buhay kailangan nang masanay. May mga taong aalis, mayroong tao din na dadating? Saan ka sa dalawa?Siyempre doon sila sa aalis. Wala naman talagang forever kahit nga 5 ever wala naman talaga. Dumaan ang kaarawan ko, tinanong nila ako ano handa ko sa kaarawan ko? "Wala naman akong handa, maliban sa handa na akong mag-move on". Masungit kong sambit sa kanila. Party nang party iyon pala may third party na. Naku po naman. Ngayon lilipad na. Diyos ko po parang pag-ibig ko lang akala ko delay lang, iyon pala cancelled na. Kung laro lang naman ang gusto niyo bakit hindi kayo mag-suot ng mga P.E uniform niyo? Laro ng feelings pala e. Tapos kapag nasa discord naman laging cooldown ok lang naman cooldown kaysa sa cool off. Sana naging lapis na lang ako nang sa gayon buburahin ko ang nakaraan ni kras at isusulat ko ang hinaharap niya. Sabi mo hindi mo ako iiwan, nanay na lang natin ang nagsasabi niyan.


Ano pa huhugutin ko? Tatawarin ko ang dagat makapunta lang sa kanya. Buti pa iyong tour guide kahit pagod hindi ako iniwan, e ikaw hindi ka naman pagod iniwan mo ako. At saka mabuti pa iyong notebook may 90 leaves. Wala na talaga hanggang dito na lang ako, wala talagang forever kahit pa 5 ever. Huwag na kayong umasa kasi masasaktan lang kayo.

Hayop ka! Ang lakas mo mangako
Nakikita pa rin kita kahit saang dako
Ang kapal ng mukha mo, 'sing tigas ng semeto


PAHABOL. SABI NILA MAG-MAHAL KA DAW NG TIGA F.E.U HINDI KA IIWANAN AT SASAMAHAN KA SA ORAS NA KAILANGANG KAILANGAN MO SIYA. PAMBIHIRA KUNG TOTOO IYAN E, MALAMANG SA HINDI WALANG PAGTATAKSIL NA MANGYAYARI HAHA. NAG-MAHAL AKO PAREHAS PA NA TIGA F.E.U O ANO NANGYARI HAYUN REST IN PEACE NA SILA.

Ito ang aking akda para sa patimpalak ni Lhyn Hugot


TEAMNOSLEE_GIF.gif
THE-KAPE-BOYZ.gif

Sort:  

Haha yes sali ka na rin idolestest. Madami kaya akong natutuhan din sa'yo.

it is very beautiful

Inang ku po. Chakit chakit naman. 😆

Pwede pa ba ito mem semi totoong buhay hehe.

Lahat ng hugot naman semi-totoo. Haha.

Good luck sa contest.

Haha yes narinig mo @ahna8911. Kay Ana malamang sa panalo na. Daming pinagdaanan niyan heto parin lumalaban hehe.

Haha. Inaabangan nga namin entry ni @ahna8911 eh. 😅😅😅

Mga 2 am oras dito mem, makakapagpasa na ng entry si Ana hehe. Hindi lang siguro hugot sa kaniya totohanan na haha peace Ana bessshh.

..ahahahaha parang nahiya akong ipost ung entry ko...

Entered! Good Luck! ^_^

Thank you kindly xx.

Ay sowss... durogg eehh!!
Gusto ko ung "wala naman akong handa, maliban sa handa na akong mag move on!" ☺️☺️
Malupett kuyss!! 💪🏻💪🏻
Good luck!

Thank you kindly. Haha abangan na lang natin kay Ana mas malupit iyon tiyak.

Hahahaha... lahat kami xa inaabangan 😂😂
Kuyyss pashare sa mga kachukaran natin para madaming sumali ☺️☺️ Para mas masaya 🤗

Ooopps sorry nga pala nakalimutan baka madisqualify pa ako. Madami naghihintay @ahna8911 ilabas mo na yan beshieewaps.

Magpaparty ka kaya! MOVING ON PARTY! grabeeeee makahugot , ang thakit thakit ng putho... !!! wala lang S sa mga words feel ko lang magsasalita ng ganyan . hahhahahahha grabe si 2k oh ... @twotripleow

Ayaw ko na magpaparty baka umabot pa sa 6th party. Kakatapos lang ng birthday ko kasi hahaha. Thakit thakit ta puto.

..mAs masarap handa ko @twotripleow
kasi handa na kong kalimutan sya
..ahahaha

Haha pero pagdating ng isang linggo babalikan ko rin.

Dude, anu criteria? Interested haha😊

Hugot mo lang sa buhay hehe. Ganoon lang ka simple click mo lang ung link dyan para mabasa mo lahat lahat

ang bigat manoy!!! ang lalim ng hugot! sing lalim din nga dagat ang pagmamahal na inalay mo sabay mas malalim pa sa dagat ang binagsak mo nang akala mong nasa langit ka na... 😔

Nakarating naman ako sa langit iyong nga lang ako mag-isa haha.

Anlalim ng hugot! Matindi ang ipinaglalaban nito! Hahaha

Wala rin ako magandang maipost no? Puro nalang lagi tungkol sa iniwan o iniwanan haha.

Maganda yung post mo. Malungkot nga lang. Di bale. Kung wala ka mang 4 ever o 5 ever, meron pa rin namang 6 ever at happily ever after.

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.027
BTC 59439.79
ETH 2290.08
USDT 1.00
SBD 2.48