KAMING MGA OFW - "DUGO AT PAWIS"

in #steemph7 years ago (edited)

Kaming mga OFW nilisan ang bansang sinilangan
Para makatulong sa pamilya at bayan.
Kaming mga OFW matiisin, matyaga, walang arte sa katawan.
Kahit anong trabaho pa yan.
Kaming mga OFW maingay kapag nagpapadala sa aming mga mahal sa buhay.
Dahil  hindi namin pipulot ang pera, ito ay aming pinaghihirapan.

Kaming mga OFW walang pinipiling trabaho kahit ano pa yan.
Walang inaayawan basta pagkakakitaan.
Kaming mga OFW hindi kinahihiya ang mga rakets na pwedeng pakinabangan.
Dahil gusto naming makatulong sa mga magulang, kapatid at kapit- bahay.
Kaming mga OFW hanggat may trabaho hindi umaayaw.

Kaming mga OFW masaya sa kaunting kwentuhan.
Lalo na kung may mga kababayan.
Lumbay at lungkot ang kapalit naman noon.
Mahirap man mawalay sa mga minamahal.
Kaming mga OFW kahit saan pwedeng matulog.
Kahit, kutson, silya, kahit sa airport pa yan.
Kaming mga OFW walang ulan, init o yelo na sinusukuan.
Ang trabaho ay trabaho dahil kung wala, wala ding sweldo.

NGANGA kang BIG TIME!!!!!

Ang mga OFW nakakapasyal sa ibang bansa.
Dahil sa ipon, tipid at tyaga.
Parang regalo sa sarili sa pagod at hirap.
Dahil pagkatapos non at kayod marino ulit.

Ang ibang OFW hindi porket nakapag asawa ang ibang lahi ay mayaman na.
Donya at akala nila ay marangyang marangya ang buhay.
Hindi dahil may asawa ng ibang lahi ay mapera
Yong iba swerte may pag ibig na may pera pa.
Pero hindi naman sa pera nasusukat ang pag ibig, kundi sa pagmamahalan.

Kaming mga OFW saka lang nagapapaganda pag uuwi na.
Takot mapuluan na taga bundok o hindi galeng abroad.
Dahil sa puting buhok o nangitim sa araw.
Kaming mga OFW masaya kapag nakaka uwi kahit sandali lang.
Mailibre lang ang buong pamilya ay napakasaya mo na.

Kaming mga OFW dinadaan lang sa tawa ang problema at lungkot.
Minsan kahit walang dahilan ay tumatawa pa din.
Basta may mga kaibigang pinoy na nagpapasaya.
Kahit minsan may katampuhang kabayan andyan pa din ang tinatawag na..... "BAYANIHAN"
Sino sino pa nga ba ang magtutulungan kundi tayong mga magkababayan
.?

Ikaw, kumusta ka naman kabayan?
Sana ay ayos ka lang...Kaya mo yan basta magtyaga ka lang. GORABELS!!

 SALAMAT AT MABUHAY KA!!!

Please continue to support @surpassinggoogle
If you haven't vote your witness yet, vote Terry now!
Write @steemgigs >>>https://steemit.com/~witnesses


Yours truly,
The village girl @sunnylife in the Steemian Forest

Sort:  

ang galing galing mo mag tula sis. go go goo

thanks sis. wag susuko kahit mahirap:)

Relate sis... Naging ofw ako for 2 years sa UAE..

same here:) t hanks sa dalaw sis:)
mahirap pero keribels.

Kirebels lang yan sis...
go go go lang sis...
Miss you sis ingat you lage😘😘😘

thanks sis rock n roll lang haha

Walang anu man sis visit visit lang kita sis medjo busy din dito bahay kaya minsan hindi kita napupuntahan.
Gorabels lang tayo keep steem on lang tayo sis!😘😍

thanks sis:) rock n roll lang!

Been there, sis! Rock and roll ang powers!!! Love you!!!
Ganda neto, pang magazine ang peg!!!!

yesss gorabels! dugo at pawis!
rock n roll hahah
thanks sis ngayon lang nakaahon sa dami ng work lols
love you more!!!

Wag susuko, gorabels para magandang bukas. :)

yess tuloy ang buhay, wag susuko!
thanks sis

thanks sis wag bibitiw!!
para sa ekonomiya! hehehe

Gorabels Sis! Mabuhay mga masisipag na OFW :) Natawa ako don sa pati kapit bahay gusto tulungan! hehe matutulungin talaga mga pinoy! :)

korak sis, pati kapit-bahay tlga dala na hagot pa ganon ang bayanihan.

bet ko yung gorabels sis! ❤️ . proud ako sa papa ko na isang ofw din, stay strong sis and thanks for being an inspiration 👏👍❤️❤️❤️

rock n roll sis nde gorabels!
salamat sis ikaw den tibay ng loob!

I tried to live as an expat but between being treated like a second class citizen, missing rice in every meal and missing my family and dogs I went home and made a career back home instead.

I admire people who has lived away for more than 3 years.

I truly can relate @maverickinvictus ! I think we had the same situation!

I can relate, being away is not easy but life must go on.
Pag may tyaga may nilaga!
thnx for dropping by
xoxo

tibay ng loob at paniniwala sa diyos kayang kaya nyo po iyan :-)

yes thanks a lot!
ganon tlga tatag ng loob!

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 54610.81
ETH 2293.78
USDT 1.00
SBD 2.35