Monday Short Stories and Poetry with @SteemPh

in #steemph6 years ago (edited)

image

Isang Lunes ng umaga nang ako'y magising
Pagod at puyat pa dahil sa tulog na bitin
Sinimulang magdasal, magpasalamat, manalangin
Para sa lakas, dunong at biyaya na sa araw ay gagamitin

Nang bumangon ako, agad tinungo ang banyo
Inilabas ang mahigit isang-kapat na litrong likido
Naghugas, nagsabon, naghilamos, nagsepilyo
Nagpunas sa twalyang nakasabit sa likod ng pinto

Sinimulan ang paghahanap sa mga akdang bukod-tangi
Mga manunulat na naglaan ng oras at talino para malikha nang mabusisi
Mga kwentong fiction, tula, sanaysay at pagsusuri
Lahat ng ito, binasa ko nang may ngiti sa labi

Aking napili'y mga obrang makahulugan
Siksik sa aral at maganda ang nilalaman
Puno ng impormasyon at tunay na makabuluhan
Nasasabik akong ibahagi itong magagandang panitikan

Kaya naman ay hindi ko na patatagalin
Aking intro na maiksi, pasensorry sa sasabihin
Hindi ako mahusay tumula, 'yan ay aking aaminin
Narito ang weekly curation ng @Steemph, nawa'y inyong pansinin


May Buhay sa Estero

Maganda ang pagkakadetalye ng mga bagay tungkol sa pagbaha, paglikas at pamamalagi sa isang evacuation center. Malinaw ang pagkakasalaysay ni @amayphin hanggang sa makakuha ng murang pabahay ang mga karakter sa kwento. Napuna ko lang na hindi gaanong naayos ang format ng sulatin at nagmukhang mahaba ang talata na nagamit. Mas gaganda pa sa susunod ang mga kwento mo kapag naging malinis ang pagpuputol ng mga talata.


Balagtasan 14 :Gantimpala

Kakaibang istilo sa paggamit ng rima ng tula ang nilikha ni @redspider. Salitan ang mga linyang magkakatunog ang dulo. Maiksi pero malaman at may nakapaloob na mensahe sa kanyang tula na naglalayong mamuhay nang may gabay ng Panginoon.


NON FICTION: IF ONLY I COULD TURN BACK TIME.

Nagbigay ng kanyang pananaw at kaunting kwento sa nakaraan si @twotripleow upang ilahad ang ilang pangyayari sa nakaraan na gusto niyang balikan. Ang panghihinayang at pagsisisi ay palaging nasa bandang huli kaya habang may oras at pagkakataon ay pilitin mong ayusin at pagandahin ang iyong buhay. Hindi na maaari pang mabago ang nangyari na. Kaya kung hawak mo na ang pagkakataon, gawin mo ang iyong pinakamahusay.

Para mapabilang sa curation, narito ang ilan sa mga alituntunin na kailangang sundin :

  • Orihinal na akda lamang ang maaring isulat. Marunong ako mag-search kung kinopya mo lamang ang iyong gawa.
  • Mangyaring gamitin lamang po ang tag na Steemph kahit hindi ito ang unang tag.
  • Para sa maikling kwento, kailangang lumampas sa 300 na mga salita. Para sa tula, ang lampas tatlong saknong sa apatang linya (3stanzas of 4lines) ang mabibilang. Para sa sanaysay, tatlong talata naman pataas.
  • Orihinal na larawan ang dapat gamitin. Kung hindi naman, idetalye nang malinaw ang pinagkuhanan ng larawan.
  • Ang mga posts hanggang sa ika-apat na araw lamang ang aking pwedeng i-feature. (Posts must be recent up to 4days old)


    Hanggang sa susunod na edisyon, heto po muli ang inyong lingkod na si Jampol @johnpd at abangan ang mga susunod ko pang curation. Paalam, kaibigan! 👋😊

Antabayanan ang iba pang pagtatampok :

DAYTOPICWRITER/CURATOR
SundayTravel@rye05
MondayShort Stories & Poetry@johnpd
TuesdayCommunity Competitions@romeskie
WednesdayFinance@prettydead24
ThursdayCommunity Outreach@escuetapamela
FridayFood@iyanpol12
SaturdayArts & Crafts@olaivart

Disclaimer: All post pics from the respected authors’ post.

Sort:  

Hi @steemph, I'm @checky ! While checking the mentions made in this post I found out that @iyanpol doesn't exist on Steem. Maybe you made a typo ?

If you found this comment useful, consider upvoting it to help keep this bot running. You can see a list of all available commands by replying with !help.

Thank you kindly xx.

magandang araw @steemph, salamat sa binigay mong tips, at mga pagpuna. Mabuhay!

This comment was made from https://ulogs.org

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63818.94
ETH 2624.28
USDT 1.00
SBD 2.78