Panulaan ng Diwa # 6 - Luksong Tinik (Larong Pilipino)

in #steemph6 years ago (edited)

Inspiration/Inspirasyon

This poetry is part of a series to immortalize my fond memories of Filipino games of my younger years. The games I feature in this series are hardly being played by today's Filipino youth, as most of them are more inclined towards playing computer games. Luksong tinik (jumping over thorns) is a game I loved to play as a kid in the late 80's and the early 90's. It is believed to have originated from Nueva Ecija which is a neighboring province of my home town; Malolos, Bulacan.                                                                                       The game is played by two teams of equal number of players. The game play involves having the teams take turns as jumpers and thorns. The team doing thorns sits on the ground using their hands and feet as obstacles for the jumpers. Each team members from the jumpers take turns in jumping over the obstacles with the objective of not having any part of their body touch the hands or feet of competing team. The obstacle from the thorn team starts with one hand, then another hand or foot gets added each turn until all hands and feet of the thorn team members are used.                                                                                 The thorn team gets one point every time a jumper's body or clothing touches the obstacles, and the jumper team gets one point for every team member successfully jumping over the obstacles without doing so. At the end of the game the team with the most number of points, wins.
Ang tulang ito ay parte ng isang seryeng naglalayong panatilihing buhay ang masasaya kong alala tunkol sa mga tradisyunal na laro sa Pilipinas. Ang mga tampok na laro ditto at madalang nang nilalaro ng mga kabataang Filipino sa ngayon. Paborito kong laro ang luksong tinik nung aking kabataan habang lumalaki sa pagitan ng dekada otsenta at nobenta. Ang larong ito ay pinaniniwalaang nagmula sa Nueva Ecija, na kalapit-bayan ng aming bayan sa Malolos, Bulacan.                                                                                             Ang luksong tinik ay karaniwang nilalaro ng dalawang koponan na may parehong bilang ng miyembro. Ang dalawang koponan ay magsasalitan bilang taga-lukso at tinik. Ang koponan ng tinik ay nauupo sa lapag at gagamitin ang kanilang mga kamay at paa bilang harang sa mga lulukso. Bawat taga-lukso ay lulundag upang lampasan ang mga harang na hindi sumasayad sa mga kamay at paa ng kalabang koponan. Ang harang ay magsisimula sa isang kamay, at daragdagan ng isa pang kamay at paa sa bawat pag-Ikot, hanggang sa ang lahat ng paa at kamay ng mga miyembro ay nagamit na.                                                                                           Ang mga tinik ay makakukuha ng isang puntos sa bawat taga-lukso na sasayad sa mga harang, habang ang mga taga-lukso ay magkakapuntos sa bawat lukso na hindi sasayad. Ang pinakamaraming puntos ay ang panalo.

4967010514_c55ac9e99f_b.jpg
Image Source: Mike Esguerra - Flickr, CC BY 2.0

Luksong Tinik - Larong Pilipino

Dalawang koponan maglalaban-laban,
Sa lakas ng lukso magpapataasan.
Paa't mga kamay gamit na pangharang,
Tinik kung ituring ng mga kalaban.

Lahat ay lulukso - lahat haharangan.
Paa't mga kamay di pwedeng sayaran,
Kahit pa ng pundya o mga laylayan,
O ang puntos ay sa kabilang koponan.

Isang kamay muna't dagdagan ng paa,
Dagdagan ng isa't harang itaas pa.
Hanggang sa lulukso ay biglang malula,
Mawalang balanse't sumayad ng bigla.

Magunat maigi't ipunin ang lakas,
Tumuon sa tinik na kay taas-taas,
Lumundag ng may lakas sa tamang oras,
Nang sa paglukso mo'y sa harang lumampas.

Lakas ng katawan pati ng isipan,
Ang harang sa buhay ating lalampasan.
Susubukang muli sumayad man minsan,
Susunod na lukso'y ating tataasan.

Video Source: Yey Channel

steemitph.png

sndbox.gif

Sort:  

"Ang harang sa buhay ating lalampasan." Maganda pagkakaconnect mo nito sa tula. Nice poem kabayan.

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 76576.73
ETH 3043.84
USDT 1.00
SBD 2.62