Panulaan ng Diwa # 4 - Pista Sa Nayon

in #steemph7 years ago

Inspiration/Inspirasyon

There are thousands of festivals in the Philippines. The majority of which are celebrated between April and June. A lot of these festivals originated from Christianity brought by Spanish colonization. In the south, there are festivals rooted from Islamic concepts, and there are those that have been celebrated even before the Spanish came to the Philippines. Being an agricultural country, the festivals in the Philippines are mostly done as thanksgiving for bountiful harvest.
May libo-libong pista sa Pilipinas. Ang karamihan sa mga kapistahang ito ay ginaganap sa pagitan ng Pebrero at Hunyo. Karamihan sa mga pista ay galling sa Kristianismong dala ng mga Kastila. Sa katimugan, may mga pista rin ang mga kapatid nating Muslim, at mayroon ding mga pista na ginaganap na bago pa man dumating ang mga Kastila. Ang maraming pista ay ginaganap bilang pasasalamat sa masaganang ani, gawa nga ng ang Pilipinas ay isang agrikultural na bansa.
               


Image Source: Constantine Agustin - Flickr, CC BY 2.0

Pista sa Nayon

Hindi mahiwalay sa 'king alaala,
Sa aking isipa'y di mawaglit pa,
Kaligayahan ng panahon ng pista,
Pebrero hangang Hunyong puno ng saya.

Maagang gigising at maghahanda na,
Tilaok ng tandang ay uunahan pa.
Maraming gawain ngayon nga at pista,
Mga kababaryo'y naguumpisa na.

Mula sa pagsasabit ng banderitas,
Hangang pamimitas ng maraming prutas,
Aming ihahain bilang panghimagas,
Pang-alis ng umay sa lechong makatas.

Langisan ang buko na pagaagawan,
Pati ang kawayan na pagaakyatan.
Hulihin ang biik sa kanyang putikan,
At sa hapon naman ay may'rong sayawan.

Sa munting kapilya'y magpapasalamat,
Sa mga biyayang dala ng Maykapal.
Sa maraming bagay kami man ay salat,
Sa pag-ibig mo Diyos ako ay mapalad.


Image Source: Brian Evans - Flickr, CC BY 2.0

steemitph.png

sndbox.gif

Sort:  

Hi @steemitph,

Thank you for this blog of yours that promotes the identity of Filipinos, for we are very fond of festivals which are celebrated all throughout the year be it a simple one or a large one such as Sinulog and Ati-atihan.

With that, we're grateful we have chosen this blog to be featured and upvoted by @onerace to empower impactful Philippines' Culture and Tradition blogs.

For June 10-11, 2018 Edition of Featured Posts, see link:
https://steemit.com/onerace/@onerace/onerace-update-june-10-june-11-2018-empowering-filipino-culture-and-tradition

Haha, looks like fun!

Fiesta fiesta!!
Fun food and colourful costumes!!
Thank you for sharing #philippines customs & traditions !!👍👍

Go here https://steemit.com/@a-a-a to get your post resteemed to over 72,000 followers.

Go here https://steemit.com/@a-a-a to get your post resteemed to over 72,000 followers.

Ang Husay! :) Naalala ko tuloy pag piyesta sa probinsya namin noon. :)

It’s great to know that there are many festivals in the Philippines. It looks like colorful festival in the first photo and I like the beautiful dress they wear.

In the last photo, I think, it’s similar to “Songkran Festival” in Thailand, but here, we splash “water” to each other…. It looks a lot of fun with the painting colors splashing on the body.

Thanks so much for sharing. ;)

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.26
JST 0.039
BTC 94848.07
ETH 3393.21
USDT 1.00
SBD 3.44