Ano Nga Ba Ang Mas Mahalaga?

in #steemph6 years ago

Sa araw-araw nating pamumuhay, tayo ay pumipili ng paulit-ulit. Ayon sa mga pagaaral, ang pagpili natin sa loob lamang ng isang araw ay aabot sa tatlumpu't-limang libo. Ang pagpili ay base sa maraming limitasyon. Ang listahang ito ay ilan lamang sa napakaraming posibleng limitasyon.

  • Mayroon lamang dalawampu’t apat na oras sa isang araw
  • Limitadong pananalapi
  • Lakas ng katawan, isipan at paniniwala
  • Hindi sapat na kalaman
  • Nililinang pang kakayanan

Presentation1.jpg

Simula sa pinaka simple, hangang sa pinaka kumplikadong pagpili tayo at binigyan ng malayang kaisipan upang magdesisyon.

  • Ano ang ating kakainin?
  • Alin ang bibilhin?
  • Ano ang paniniwalaan?
  • Alin ang mas magandang isuot?
  • Ano ang isasagot sa mga kausap?
  • Kailan ang tamang edad para magasawa?
  • Paano at kasama nino natin gugugulin ang ating limitadong oras?
  • Sino ang pipiliing pinuno sa pamamagitan ng pagboto?
  • Magkakaron ba tayo ng mga anak at ilan?

Ang mga pagpili ay nagsasanga-sanga sa mas marami pang pagpili. Sa simpleng desisyon ng paginom ng kape, eto ang mga pagpipilian:

  • Saan magkakape?
  • Malamig ba o mainit ang gusto mong kape?
  • Gaano katapang ang kape?
  • Decaffeinated ba?
  • Gaano kalaki?
  • Anong kaseng kape?
  • Asukal ba o arnibal?
  • Alin sa labing-limang klase ng arnibal?
  • Lalagyan ba ng gatas?
  • Ano sa limang klase ng gatas ang gusto mo?

Sa pag-inom pa lang ng kape, mayroon nang sampung pagpili. Paano pa kaya sa mga mas halalagang bagay at gawain? Ang ating pagpili at kadalasang base sa kung ano ang ating pinahahalagahan. Habang lumalaki sa isang katolikong paaralan, nagkaroon ako ng pagkakataong maturuan ng isang asignaturang tinawag na edukasyon sa papapahalaga. Mula nuon hangang sa ako ay nagkapamilya pinahalagahan ko na sa magkaparehong antas ang paggiging mahusay at pagpapakabuti. Ito na rin ang tunuro naming ni @dandalion sa aming anak na si Sam.

Sa hilwalay na pagkakataon kung kailan kinailangan din naming mamili sa pagitan ng paglinang ng aming kakayanang mabigyan ng magandang kinabukasan ang una naming anak na si Lucy, at ng panahong siya ay arugain at turuan ng naaayon sa aming pinahahalagahan, kami ni @dandalion ay puno ng pagsisisi.

Ano nga ba ang mas mahalaga?

Ang kagustuhang mabigyan ng magandang kinabukasan ang ating mga anak, o ang magsama-sama ang pamilya sa hirap o ginhawa? Isa sa mga dahilan kung bakit ako pansamantalang tumigil sa trabaho, ay upang makapaglaan ng oras sa mga bata - isang bagay na hindi ko nagawa sa mahabang panahon dahil sa pagiging abala sa paghahanap-buhay. Lumaki ng mgkahiwalay ang dalawa naming anak, pinalaki sila sa magkaibang pagpapahalaga, at ngayon kami ay nahaharap muli sa isang malaking pagpili.

statue-1477830_1920.jpg

Naniniwala ako na ang pagdedesiplina sa anak ay gawaing kabilang sa napakaraming bagay na kailangang gawin ng magulang upang ipahayag ang pagmamahal sa anak. Gayun pa man, sa aking karanasan bilang bata, hindi ito nakikita bilang pagmamahal. Sa halip ang pagdedesiplina ay isang gawaing makasarili sa mata ng isang bata. Sa dami ng mga ipinagbabawal, sila ay nawawalan ng indibidualidad.

Kahit sinong magulang ay makakaunawa na ang pinaka mahusay ay maabot ang balanse ng disiplina at papapahayag ng pagmamahal sa wikang mauunawaan ng mga anak. Katulad ng pagpili sa pagitan ng magandang kinabukasan at pagsasama-sama ng pamilya, ito ay hindi laging posible. May mga sistematikong problema na umiiral sa ating bansa na nagdudulot ng mga suliraning ito.

  • Kahirapan
  • Kakulangan sa edukasyon sa papapamilya
  • Kulturang kasama ang iba pang kamag-anak sa pamumuhay (extended family)

clock-3288640_1920.jpg

Kung maibabalik ang panahon, ngayong kami ni @dandalion ay may mas malawig nang kaalaman at karanasan sa pagpapamilya, ngayong kami ay namulat na sa mga maaaring maging resulta ng mga pagpili, ito ang mga bagay na aming mga maipapayo:

  • Liwanagin kung papaano ninyo gustong palakihin ang mga anak ayon sa sistemema ng pagpapahalaga (values system)
  • Hayaan lamang lumaki ang mga anak sa isang lugar, kasama ang mg tao na pipiliting silang turuan ayon sa napagdesisyunang sistema ng pagpapahalaga.
  • Maaaring isipin ninyo na ang mga ito ay huli sa inyong mga dapat isipin. Marahil maiisip ninyo na maraming mas mahalagang bagay. Kung ang mga ito ay hindi ninyo isaalang-alang, ang lahat ng inyong pagsisikap at pagsasakripisyo, ay mawawalan lahat ng halaga.

desktop-background-3061483_1920.jpg

Ngayon kami ni @dandalion ay nahaharap na naman sa isang mahalagang pagpili. Sa pagkakataong ito, bibigyan naming ng higit na importansya ang pagtuturo sa aming anak ng tungkol sa realidad ng pagpapakatao ayon sa aming mga pinahahalagahan. Tatangapin naming na hindi ang lahat ay sasangayon sa aming gagawin, hindi lahat ay makauunawa, at may posibilidad na ang aming pagpili ay mali. Ang malinaw sa akin ay gagawin namin ito hindi dahil sa galit, sa katotohan ito ay aming titiisin dahil sa pagmamahal sa aming anak.

Credits:

Watch & Spanner Cover Photo Background - Pixabay
How to Order Your Drink at Starbucks - YouTube Video
Crossroad Stairs - Pixabay
Twisted Face Statue - Pixabay
Pink Lemon - Pixabay
Surreal Eye Clock - Pixabay
Love - Pixabay

steemitph.png

sndbox.gif

Sort:  

Namis ko itong purong tagalog! Gayunpaman, tama, kailangan disiplinahin ang anak upang lumaking matuwid. Utos din kasi ng Dios sa atin yan,

KAWIKAAN 22:6

6 - Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.

Bilang isang ama, kailangan maituro din natin sa ating mga anak ang salitang ito na iniwan sa atin ng Dios upang pahalagahan,

EFESO 6:4

4 - At, kayong mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak: kundi inyong turuan sila ayon sa saway at aral ng Panginoon.

Ito ang isa sa mga aral na kailangan natin maituro upang malamn ng ating mga anak na totoo ang ating mga sinasabi na ito ang sabi ng Dios,

EFESO 6:1-3

1 - Mga anak, magsitalima kayo sa inyong mga magulang sa Panginoon: sapagka't ito'y matuwid.
2 - Igalang mo ang iyong ama at ina (na siyang unang utos na may pangako),
3 - Upang yumaon kang mabuti, at ikaw ay mabuhay na malaon sa lupa.

Salamat po...

Ang batang busog sa pangaral, lalaking marangal. Wag lang tayo magsawa sa pagreremind sa kanila ng family values na gusto natin ma cultivate sa kanila. Agreed, mahirap pag napailalim ang bata sa ibang pangangalaga. Pero hindi pa huli ang lahat. Importante anjan na kayo para ma-correct ang values nya ayon sa pinapahalagahan ng inyong pamilya. God bless! Parenting- most difficult job ever! 😉

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63550.59
ETH 2644.53
USDT 1.00
SBD 2.81