Maligayang Araw ng mga Tatay!

in #steemph6 years ago

Magandang Gabi sa inyong lahat!

Una sa lahat, gusto kong batiin ang unang lalaking minahal ko. Si Papa. Happy Father's Day Pa! Miss kona kayo ni Mama. Salamat sa lahat ng sakripisyo nyo saming magkakapatid. Sobrang proud ako sa inyo ni Mama na kayo ang naging magulang ko. Sorry kung di kami makakapunta jan ngayon! pero don't cha worry! Sa San Juan pupunta kaming lahat jan nina Kuya. Ihanda nyo na ang Alfonso Uno nyo 😂 Hahaha! i love you Pa! 💋
IMG_3137.JPG

At syempre, Di magpapakabog ang dalawa kong pogi "daw" na kuya Hahaha!
Nung bata ako lagi nyo akong pinapaiyak at sinasabihang ampon lang ako at napulot lang sa jebs ng kalabaw. Di ko makakalimutan yon kasi lagi ako nagtatanong kay Mama kung ampon lang ba tlga ako kasi ang laking ganda ko sa inyo lol 😂 Pero Salamat mga Kuya ko! Masarap sa pakiramdam na alam mong may kuya kang magtatanggol sayo kahit na kayo talaga yung unang nang aaway sakin! hahaha Salamat! Happy Father's Day mga Oso! 😂 Mahal ko kayo! Pwe 😂😂

IMG_3138.JPG

At sa Tatay ng Anak ko. Sa Lalaking una at huli kong iibigin. Happy Father's Day Asawa! 💋Salamat sa lahat ng binigay mo samin ni Memae. Isa kang Responsableng Ama at Asawa samin ng anak mo. Nagpapasalamat ako sa Panginoon at ibinigay ka nya sakin. Hindi man perpekto ang pag sasama natin, Alam ko hawak kamay at sabay nating haharapin ang mga problema. Mahal kita. Mahal ko kayo ni Memae 💋
P.S - Medyo iwasan ang alak para lagi tayo masaya lol! hahaha labyu! 💋

IMG_3141.JPG

At syempre, Binabati ko din ang lahat ng tatay na nandto sa Mundo ng Steemit. Maligayang Araw sa inyong lahat! Iready na ang tagay! charot! 😂

Maraming salamat sa pagbabasa ng post ko. Binabati ko ang Tatay mo, Asawa mo at mga kapatid mo ng Happy Father's Day!

PHILIPPINES: 17th of June, 2018. Sunday

Sort:  

Resteemed your article. This article was resteemed because you are part of the New Steemians project. You can learn more about it here: https://steemit.com/introduceyourself/@gaman/new-steemians-project-launch

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 63945.57
ETH 3135.76
USDT 1.00
SBD 4.00