Ano ba talaga ang papel ng isang Babae sa buhay ng isang Lalake?

in #steemph6 years ago (edited)

Una, niligawan mo yan, Pare. Ginawa mo lahat ng effort para makuha mo sya kaya wala kang karapatan na saktan sya sa isip o katawang lupa. At hindi mo yan pinakain at inalagaan mula pagkabata hanggang kinuha mo sya sa kanyang mga magulang, Wala ka paring karapatan na murahin sya at durugin ang puso nya. Pinagkatiwalaan ka nya, binigay ang buhay nya para sayo, lahat-lahat kinuha mo wala na syang tinira para sa sarili dahil pinasakop na nya sayo ang buhay na kasama ka. Tapos ganito lang ang isususkli mo sa kanya?

AR-312299969.jpg

Ang babae mahina, walang lakas para gantihan ka, tanging bunganga ang sandata. Ano ba naman ang lakas ng isang babae kumpara sa isang lalake? Isang malakas na sampal, tadyak, bogbog ba ang ganti mo sa bawat pagkakamali ng Asawa mo? GAANO BA KALAKI NG KASALANAN NYA PARA UMABOT PA SA PAMBOBOG MO? Dapat alam nyo rin ang limitasyon mo bilang isang lalakeng may dignidad. Dahil ang tunay na lalake hindi magawang manakit ng babae.

Pangalawa, Pinakasalan mo sya. Sya ang nagpuno ng pangarap mong buhay. Binigay nya buong pagkatao, binigyan ka ng tahanan na ang inaasam mo. Mga anak na magmamana sa apilyido mo. Pinagsisilbihan ka. Kaya naman dapat kang mahiya. Hindi porket sumobra sya sa kaseselos o kabubunganga ay dapat mo ng saktan? Hindi porket nasasaktan mo ang kanyang katawang lupa ay malakas kana. Kung tutuusin isa kang mahina at duwag dahil ang tunay at malakas na lalaki hndi kayang pagbuhatan ng kamay ang babaeng nagbigay ng buhay sa kanyang pagkatao.

battered-wife-clipart-1.jpg

Kung may lakas ang mga babae na kayang tumbasan ng lakas mo, 100% sure kahit magkamatayan hindi yan uupo o sasalo sa mga suntok, tadyak o sampal na pinararanas mo. Gaganti ang mga yan. Huwag naman sanang dumating yung panahon ng kamuhian ka nya dahil sa mga nararanasan nya sa poder mo. Dahil kapag nawala na ang pagmamahal ng Asawa mo, magiging malamig na ang binuo nyong pugad. Hindi na maibabalik ang tunay na pag-ibig kapag sobrang nasaktan.

Wag mong hayaan na maubos ang kanyang napakahabang pasyensya. Pahalagahan, ingatan at mahalin mo sya kagaya ng ginagawa nya sayo. Suklian mo ang lahat ng sakripisyo nya para sayo dahil kapag ang babae ay napagod at naubos ang luha dahil sa sakit na naramdaman sayo. Kahit lumuhod ka pa sa harapan nya ng paulit ulit. Hinding hindi na sya muling babalik sayo.

Lagi mong tatandaan na nasa huli palagi ang pagsisisi. Kaya ngayon palang, hanggang hindi pa huli ang lahat. Magbago kana at mahalin mo sya. Yun lang, Pare.

Quotes of the Day:

abuse-quote-04-1healthyplace.jpg

Thank you for reading my post. Till next time. Lablab! <3

Images and Quotes Source: Google.com
https://web.facebook.com/Nasaktan-Ako-336106513570389/

sheshebaylosis.png

gratefulvibes.png

PHILIPPINES: 12th of March, 2018. Monday. WifeConfessionPost#1

Sort:  

Resteemed your article. This article was resteemed because you are part of the New Steemians project. You can learn more about it here: https://steemit.com/introduceyourself/@gaman/new-steemians-project-launch . If your post has more upvotes, your post will appear in the trending page. To get more upvotes, you can bid for @steembidbot vote. please check it out here: https://steembottracker.com/

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 69590.59
ETH 3887.33
USDT 1.00
SBD 3.73