PAMAHIIN

in #steemph6 years ago (edited)

Makinig ka sa mga kasabihan ng mga nakatatanda.

image
Pinagkunan

Yan ang laging sabi sa akin dati ng nanay ko sa tuwing sumasalungat ako sa mga pamahiin. Napakayaman ng matatabda sa mga paniniwala sa kung anu-anong bagay. Magmula sa pagkapanganak hanggang sa unang kaarawan, pati sa kasal at siyempre pa sa mga lamayan.

Paminsan ay nakatatakot, kadalasan ay nakalilibang ang mga pamahiin na naobserbahan ko. Ako naman ay matatakutin kaya't hindi ako nagbabasa o nanonood ng mga katatakutan. Gayun pa man, isa sa mga katangian ko ay ang katigasan ng ulo. Pero itinuro sa akin ng nanay ko na igalang ang mga matatanda. Kaya't pagkatapos ng ilang pagtatalo sa aking isip kung susundin ko ba o hindi ang mga pamahiin, nakapagpasya ako sa wakas.

Dahil ayaw kong sumama ang kalooban sa akin ng mga lolo at lola pati na ng mga tiyo at tiya, pero ayaw ko pa rin namang makulong sa mga kasabihan na sa paniniwala ko ay parang wala namang basehan, naisipan kong piliin lamang ang mga pamahiing susundin ko at hindi. Iilan lang naman ang mga pamahiin na alam ko. Isa-isahin natin. Simulan natin sa pinakasimula.

Mga Pamahiin sa Pagbubuntis at Panganganak

image
Pinagkunan

Kailangang makuha ng nagbubuntis ang pinaglilihian niyang pagkain kung hindi ay magiging tulo-laway ang baby niya.

Hindi ako naniniwala dito dahil wala akong nakikitang siyentipikong eksplanasyon na nag-uugnay sa dalawa. Pero naniniwala ako na dapat ay ibigqy mo sa nagbubuntis amg kung ano mang pinaglilihian niya dahil sadyang mainitin ang ulo ng buntis at mas iinit pa ang ulo nito kapag hindi nakuha ang kinatatakaman.

Ang unang pinaggupitan ng buhok at kuko ng baby ay dapat i-ipit sa libro para maging mahilig magbasa ang bata. Dapat ang pinagputulan ng pusod ay isabit sa kisame para maging achiever ang bata paglaki niya.

Ako naman ay sentimental na tao kaya sadyang itinago ko ang unang gupit ng kuko ng anak ko. Pati ang pinagputulan ng pusod kasama ng mga una niyang damit. Pero hindi sa libro nakaipit o sa kisame nakasabit. Naniniwala ako na kung gusto mong maging mahilig sa libro ang bata ay dapat pagbasahin mo ng libro habang maliit pa. Walang kinalaman dito kung nakaipit man o hindi sa libro ang unang ginupitan ng buhok at kuko.

Pagkatapos ng binyag, dapat ay makipah-unahan sa ibang nanay na makalabas ang bata sa simbahan. Para pa rin ito maging achiever ang bata paglaki.

Hindi ako naniniwala dito at pinakikiusapan ko ang lahat nanhuwag na huwag gagawin ito dahil hindi ito safe para sa baby. Hindi tama na tumakbo ang isang tao habang hawak ang isang sanggol para lang makipag-unahan.

Mga Selebrasyon

image
Pinagkunan

Dapat ay magdaos ng handaan kapag unang kaarawan, ikapito at ikalabingwalong kaarawan ng babae.

Ang paniniwala ko ay magjanda lamang kung mayroong panghanda. Kung maidaraos ang handaan at pagkatapos naman nito ay malulubog ka sa utang ay hindi na dapat itong ipagpilitan.

Kailangan mayroong handa kapag bagong taon at kailangang mayroong labingdalawang bilog na prutas sa hapag-kainan para sa labingdalawang buwan ng kasaganahan.

Kapareho ng nauna kong paliwanag, maghanda lamang kung kaya naman. Kung hundi ay mabuti pang ipunin na lamang ang pera.

Kasal

image
Pinagkunan

Hindi dapat magsuot ng alahas na may perlas ang babaeng ikakasal dahil sumisimbolo ito ng luha.

Hindi naman ako mahilig sa alahas kaya hindi ko ito naging problema noong ikinasal ako. Isinuot ko lamang kung ano iyong ipinahiram sa akin.

Ang mga kandilang sinindihan noong kasal ay dapat na laging magkatabi.

Ito raw ay para hindi maghiwalay ang mag-asawa. Wala pa rin akong nakikitang lohika dito pero bilang magkakasama ang lahat ng kandila sa bahay, ayun, hindi pa rin naman nagkakahiwalay ang dalawang kandilang ginamit noong kasal namin.

Ang sinumang dalagang makasalo sa Bridal boquet ang siyang susunod na ikakasal.

Dati ay naniniwala ako rito kaya hindi ako nakikiagaw. Parang naisip ko ay katuwaan lang siguro ito noon kaya nawala ba ang paniniwala ko sa pamahiin na ito. Siguro nga ay katuwaan lang talaga ito ng mga matatanda dati.

Sa Lamay

image
Pinagkunan

Hindi ka dapat humabol kapag nahuli ka na sa oras ng libing.

Ako nama'y hindi rin naman nagtangkang ma-late sa mga ganito. Dahil kadalasan naman ay naroon na ako gabi pa lamang para tulungan ang pamilya ng naulila.Wala rin naman akong nakikitang lohika rito pero sadyang ipinatutupad talaga ito ng mga nakatatanda na kapag sinuway ay talagang makagagalitan ka talaga.

Hindi ka dapat magpahatid sa kapamilya ng namayapa kapag nakiramay ka.

Susundan pa ito ng matatanda ng "Masama yung ganun." At talaga namang hindi maganda yung ganon dahil may iba pang bisitang naroroon. Kung magpapahatid ka ay parang kalabisan naman sa kanila iyon dahil sa dami ng inaasikaso nila.

Kapag ikaw ay nakipaglamay, hindi ka dapat mag-uwi ng pagkain galing doon. Susundan kanraw ng kaluluwa ng namayapa.

Ito naman ay dapat talagang sundin. Paano'y ginastusan ito ng pamilya ng namayapa at nakalaan ito sa mga iba pang makikiramay. Hindi rin naman sinabing maaari kang mag-take out. Malamang susundan ka ng mga kapamilya dahil baka singilin ka sa take out mo.

Marami pang mga pamahiin na pinaniniwalaan ang mga matatanda. May iba, kakikitaan mo ng dahilan kung bakit. May iba naman ma parang walang basehan pero sinusunod ng karamihan. Wala namang mawawala kung susundin. Iyan ang laging sinasabi. Para sa akin, minsan mayroon ding nawawala kapag sinunod mo. Pero may mga paniniwala naman na hindi makakaabala kung hindi mo susuwayin. Pero minsan ay nauuwi rin ako sa pagsunod dahil sa isang argumentong wala akong kalaban-laban: Sumunod ka na lang dahil mas nakatatanda sila at mas marami na silang alam kaysa sa iyo. Bukod pa roon ay baka sumama pa ang loob nila.

Kaya hinay-hinay lang sa pagsuway sa mga pamahiin. Minsan ay hindi lamang kayang maipaliwanag ng mga matatanda sa paraang kakikitaan ng siyentipiko at lohikal na dahilan pero may basehan ang mga paniniwala nila. Subukan pa rin nating lawakan ang ating pang-unawa dahil hindi lahat ng may paliwanag ay tama at hindi lahat ng tama ay kailangang may paliwanag.


Maraming salamat sa pagbabasa!


Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan


Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord


2123526103.gif

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

romeskie.png

Sort:  
Sa pagkain naman...

Kapag pinagligpitan ka ng plato habang kumakain ay hindi ka daw makakapangasawa.

nyahaha! 😂 anong kinalaman ng plato sa paghahanap mo ng mapapangasawa? lumandi ka lang ng konti, may instant jowa ka na agad. humarot ka lang sa bar o club, may magtatangka na agad sa'yo. pero kailangan mo lang maging wais sa pagpili dahil kung papasok ka sa buhay may-asawa, dapat ay desidido kayong dalawa ng kapareha mo.

lumandi ka lang ng konti, may instant jowa ka na agad. humarot ka lang sa bar o club, may magtatangka na agad sa'yo.

Wahahaha. Iba rin. Adbans ka rin ba mag-isip? Hahaha

ay mali pala! hindi ko pala alam yang mga yan. di pa ako nakakapasok sa mga bar along Tomas Morato dahil wala naman akong night life at hindi pa nakakarating sa Quezon City bandang ebe-es-se-be-en

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 67144.34
ETH 3517.40
USDT 1.00
SBD 2.69