Kusina ni Nanay Romeskie: Tofu Sisig

in #steemph6 years ago

image

Bagong linggo na naman ng pagluluto at paghahain para sa pamilya kaya naman bukas nang muli ang Kusina ni Nanay Romeskie. Ang putaheng inihain ko ngayon ay pwedeng ulam, pwedeng pulutan. Pero bilang pinaninindigan ko ang pagiging isamg ulirang ina at asawa, goodbye muna sa walwal is life.

Ang tanghalian (at baon ni Tatay Ritsard sa opis ngayon) ay Tofu Sisig.

Mga Sangkap

  1. Tofu
    Hiwain nang maliliit at paparisukat.
    image
  2. Toyo. Dalawang kutsara.
  3. Sibuyas at bawang. Hiwain nang maliliit.
  4. Siling green. Hiwain nang maliliit.
    image
  5. Siling labuyo. Dalawang piraso lang dahil medyo mamahalin ang siling labuyo ngayon.
    image
  6. Asin at paminta
  7. Tubig. 1/4 na tasa.

Pagluluto

  1. Iprito ang tofu sa kumukulong mantika. Hanguin at hayaang ma-drain ang mantika sa paper towel.
    image
  2. Bawasan ang mantika sa kawali. Magtira lamang ng sapat para sa panggisa. Igisa ang sibuyas at bawang.
  3. Ihalo ang piniritong tofu.
  4. Lagyan ng toyo at tubig. Haluing maigi.
  5. Ilagay ang siling green. Sinadya kong hindi ilagay ang siling labuyo para makakain pa rin ako ng niluto ko.

Komento ng mga Hurado

Tatay Ritsard: Masarap daw. Nagustuhan nya naman ang luto ko dahil sadyang mahilig siya sa sisig.

Ayapot: Mas gusto niya talaga ang tofu kapag wala pang kahit na anong halo.

Nanay Romeskie: Hindi ako mahilig sa sisig pero nagustuhan ko naman ang kinalabasan. Mas masarap siguro kung nilagyan ko ng mayonnaise. Siguro sa susunod kong subok.

Mas masarap kapag nilagyan ng calamansi. At mas masaya kung may sunny side up na itlog.

image

Tingin ko masarap din ito kung may malamig at bahagyang nagyeyelong san mig light.

Ano sa tingin niyo?

♥.•:¨¨:•.♥.•::•.♥.•:¨¨*:•.♥

♥.•:¨Maraming salamat sa pagbabasa!¨:•.♥

»»-------------¤-------------««

Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan

»»-------------¤-------------««

Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord

»»-------------¤-------------««

image

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

romeskie.png

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 58613.96
ETH 3153.58
USDT 1.00
SBD 2.43