Dito Ka Muna

in #steemph6 years ago

image

Dito ka muna, Dito sa aking tabi
Dito ka lang muna, Huwag kang magmadali
Dito ka muna Sa aking mga braso
Dito ka muna sa aking balikat isandig ang iyong ulo

Dito ka muna hawakan mo'ng aking kamay
Dito ka lang muna hayaan mong maging iyong gabay
Dito ka muna, wag kang magmadaling tumanda
Dito ka lang muna kasi hindi pa ako handa

Namnamin natin ang panahon
Magtawanan at kulitan bawat pagkakataon
Dahil paglaki mo'y marami ka nang pagkaabalahan
Itong mga alaalang ito ang aking panghahawakan

Kaya sa ngayon, dito ka muna anak
Iparinig ang nakahahawa mong halakhak
Sa mundong ito'y walang kasing sarap
Ang matulog habang iyong kayakap

♥.•:¨¨:•.♥.•::•.♥.•:¨¨*:•.♥

♥.•:¨Maraming salamat sa pagbabasa!¨:•.♥

»»-------------¤-------------««

Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan

»»-------------¤-------------««

Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord

»»-------------¤-------------««

image

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

romeskie.png

Sort:  

Dama ko to ate @romeskie parang ambilis lumaki ni Lanaya. Hahaha yung mumunting bata di mo alam sa mga susunod na pahanon nako dalaginding na tapos magkakaboypren tapos tapos tapos......

Haha welcome back sa akin!

Waaaa! Wag munang boypren! Di ko pa nahahasa ang itak! Hahaha

Hi @toto-ph. Namiss ko ang kakulitan mo. Haha

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 68055.12
ETH 3813.21
USDT 1.00
SBD 3.72