Alawans

in #steemph6 years ago

"Wow!" Nanlalaki ang mga mata ni Iskay nang makapasok sa sikat na sikat na bookstore. Labingtatlong taong gulang na siya ngunit ngayon lamang siya nakapasok dito. Mahirap lamang sila kaya kung hindi sa Baclaran ay sa Divisoria lamang sila namimili ng mga gamit nila sa eskwelahan. Iba na ngayon! May allowance na ako! Mabibili ko na ang lahat ng gusto ko!

image
Pinagkunan

Isinali siya ng kaniyang ina sa isang scholarship at ngayon niya nakuha ang para sa unang buwan. Nakabalot pa sa puting sobre na sinelyuhan ng staple wire ang pera niya. Excited na excited siya dahil maraming first time ang mararanasan niya ngayon.

Unang beses niyang hahawak ng malaking pera. Yung kaniya talaga, hindi yung ipinahawak lang ng ka iyang nanay. First time niyang siya ang magdedesisyon sa gagawin niya sa perang iyon. Bagama't binilinan siya ng ina na huwag ubusin iyon dahil baon niya iyon sa eskwela, pwede pa rin naman daw siyang bumili ng maiibigan niya. First time niyang gagala sa mall. Exciting iyon para sa kanya dahil lagi ay sa Luneta lamang siya ipinapasyal ng mga magulang. Nang minsangag-grocery sila sa supermarket ay binawalan pa siya ng ama na magturo ng mga gusto niya dahil baka raw kulangin para sa mga kailangan nila amg gift check na regalo ng kompanya nito sa sa tatay niya. At higit sa lahat, first time niyang hindi sa Divi o Baclaran mamimili ng gamit!

image
Pinagkunan

Kaya kumuha na siya ng mga kwaderno. Labingdalawang piraso. Para may sobra, pang slamnote. Kumuha rin siya ng ballpen. Black, blue at red. Pencil case. Plastic cover. Scotch tape. Ruler. Pentel pen. Highlighter. Pad paper. Isang intermediate pad, 1/2 lengthwise, 1/2 crosswise at 1/4. Kumuha rin siya ng isang balot ng bond paper. Folder. Cartolina. Crayola, yung 24 piraso. Lapis, pantasa at pambura. Libang na libang siyang kumuha ng mga gamit. Kumuha pa siya ng mga kung anu-ano.Nang makuntento ay pumila na siya sa cashier.

"750 pesos," sabi ng kahera. Natigilan si Iskay. Nagbutil nang bahagya ang pawis niya bagama't aircon naman ang bookstore na sikat na sikat. Ngumiti siya nang alanganin at saka nagtanong sa kahera. "Kulang ho ang pera ko. pwede ko ho bang bawasan?" Ramdam niyang diamayado ang kahera pero tinanong pa rin nito kung ano ang mga ibabawas. Ang tagal niya sa harapan ng kahera na kulang na lang ay itanong kung ika-cancel niya na lang ang lahat ng binili. Sa totoo lang ay gusto na sana niyang ipa-cancel ang lahat para makaalis na lang siya at hinding hindi na siya babalik pang muli sa sikat na sikat na bookstore na iyon. Kaya lang nahihiya siya. At hiyang hiya na siya dahil humaba na ang pila sa kaherang iyon nang dahil sa kanya.

Napababa niya ng dalawandaang piso ang mga binili. Sampung pirasong kwaderno, isang black ballpen, intermediate pad, 1/4 at 1/2 crosswise at lengthwise na papel, scotch tape at plastic cover lang ang nabili niya. Nakasimangot na ang kahera nang matapos ang transaksyon nila at halos parang padabog ang pagkakalapag nito sa mga pinamili niya. May ilang customer na nakasimangot na rin, ang iba naman ay natatawa.

image
Pinagkunan

Gagala pa sana siya kasama ang mga kasamahan sa scholarship pero dahil kulang na ang pera niya, minabuti niya na lamang na umuwi. Mag-isa siyang umuwi at habang nasa byahe ay ninamnam niya ang kahihiyang sinapit.

Ang dami niyang reyalisasyon sa buhay nang dahil sa karanasang iyon. Una, hindi sapat ang tatlongdaang piso para sa lahat ng mga pangangailangan niya sa skwelahan kung doon siya bibili sa bilihan ng mga mayayaman at may kaya sa buhay. Kung doon na lamang siya sa Divisoria sana namili, baka lahat ng mga hawak niya kanina ay nabili niya. "Hindi pa rin pala ako pwedeng makipagsabayan sa mga kaklase kong sa SM bumibili ng mga gamit nila."

Pangalawa, kapag maliit lamang ang pera, dapat mahusay ang pagkaka-budget. Mas kailangang kontrolado kung ano lamang ang bibilhin kung konti lamang ang pera.

At pangatlo, dapat ay may listahan kapag mamimili. Para alam mong mga importanteng bagay lang ang bibilhin. At dapat ay sundin ang listahang iyon.

Sa susunod, ganoon na nga lang ang gagawin ko," pangako ni Iskay sa sarili. Sa ngayon, kailangan niya na lamang harapin ang mala-dragon na galit ng kaniyang ina. Bukod sa kagagalitan siya nito, siguradong titiisin siya nitong kulang ang baon sa eskwelahan. "Isipin mo na lang, Pilot naman ang ballpen mo, kaya okey lang mapagalitan," pag-alo niya sa sarili.


Siyam na oras ang pasok niya sa eskwelahan. Narinig niya na naman ang pagkalam ng kaniyang sikmura. "Konting tiis na lang Iskay," sabi niya sa sarili habang hinihimas ang tiyan na gutom na gutom na. Tatlong oras pa bago mag-uwian. Tatlong linggo na rin siyang nagtitiis na tubig lamang galing sa kantina o di kaya'y sa drinking fountain ang nilalaman sa tiyan. "Isang linggo na lang ay kuhaan na ulit ng allowance. Matuto ka na ha."



Maraming salamat sa pagbabasa!


Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan


Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord


2123526103.gif

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

romeskie.png

Sort:  

Bigla ko tuloy naalala san pumupunta ang allowance ko! Sa sikat na bookstore @romeskie! Ikaw, saan ba? Si @twotripleow kaya san sa kanya? Ajaja!

Ako dati sa sikat din na bookstore. Pero noong natutunan ko ang ragnarok at DOTA, napunta sa computer shops sa likod ng SM Manila.
Si @twotripleow malamang sa diyaryo napupunta yan. Hahaha

Abangan niyo na lang kung saan sa akin haha. Wala pa ako sa allowance nasa "selfie" pa lang ako. Haha di ba @romeskie?

Ayy iba ito 2k.. di to kasama sa potograpiya kemerut ko. Hahaha.. hinihintay ko yang selpi na yan. At yung pinapahanap namin sa yo sa baul ha. Don't forget.. wahahaha

I'm glad you had enough money to buy any book you want. But don't read the book too much, let's take a little time to slither io through it to solve it.

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 62784.34
ETH 3337.95
USDT 1.00
SBD 2.47