Katha sa Gabi: Unang Kabanata
Inosente't masaya,
Pero may mga araw ding tipong aso't pusa.
Limang taon halos tayong gan'to.
Limang taon din ang biglang natapos.
Naglaho.
Napagod.
Nakakapagod.
Pagod.
Napagod labanan ang mga demonyo ko -
Pati pa yung sa'yo.
Nakakapagod labanan ang oras na dumaan,
At ang layo na tinahak ng mga puso nating wasak — basag at sugatan.
Pagod.
Simpleng pagod na tayong dalawa.
Gusto ko sanang sabihing
Habulin mo naman ako.
Ipaglaban mo naman kung anong meron tayo.
Pero.
Pero nirerespeto ko ang nararamdaman mo.
Naubos na rin siguro ang pasensya mo sa mga kagagohan at gulo sa utak ko.
Lumala pa siguro nung marinig mo ang mga pinaggagawa ko nung wala na tayo.
Siguro.
Siguro akala mo okay lang ako.
Siguro.
Hindi ka naman nagtanong,
Masyado kang nag-assume.
Pero wala!
Wala naman akong karapatan na isumbat sa'yo ang mga ginawa mo.
Wala!
Wala akong hawak sa'yo at sa puso mo
Kasi...
'Di na tayo.
Pinagsa-Diyos ko nung iniwan kita
At ipagsasa-Diyos ko na naman ang susunod na kabanata sa trahedyang ating istorya.
Mahal kita.
Hindi yan nawala.
Pero kung yung puso mo'y ipinamigay mo na sa iba,
Ang hiling ko lang
Sana maligaya ka.
-ykp.
See your post featured here by @johnpd on Monday Short Stories & Poetry, a community curation initiative by @SteemPh.
If you would like to support the Steemit Philippines community, please follow @SteemPh.Trail on SteemAuto
ang husay ng bitaw ng mga salitang tumatagos sa puso.
para akong nakinig ng Pag-ibig Feels ni Caren Armillo.
kung nais mong mapabilang sa komunidad na nagsusulat ng mga tagalog na katha at matutunan pa ang ibang alituntunin sa pagsusulat, iniimbitahan ka namin na sumali sa
@tagalogtrail at i-click lamang ang discord link na ito https://discord.gg/dkMY2j
Maraming salamat po ulit @johnpd 😊
Di ko na po pala ma-access yang link na binigay nyo. 😞
Gusto ko ang huling mga salitang ginamit. Napaka-selfless po ate. :)
Posted using Partiko iOS
Maraming salamat. 😊 Ganun naman siguro talaga. Kahit tapos na lahat at gaano man kasakit, if you genuinely care for the person, you'd really pray for their happiness. Charot! Para 'di masyadong drama. 😅
Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
Sobrang unexpected. Maraming salamat po. 😊