Paalam

in #steemph3 years ago

Nais ko ibalik kung saan mo ako nakita
Panahong normal aking mga nakikita
Walang hinanakit at walang pagdurusa
Walang sama ng loob at walang luha

Nais ko manumbalik dati kong sigla
Na nakahon nang kita'y nakilala
Naparamdam mo ang lungkot at saya
Sana nanatili na lamang na isang alaala

Patawad sa aking kakulangan
Patawad sa maling nakagawian
Patawad sa lahat ng kamalian
Patawad ako'y nagmahal lamang

Wag mo ako titigang papalayo sayo
Sana maramdaman mo aking pagsusumamo
Ngunit tila matigas iyong puso
Di matitinag gumuho man ang mundo

Satibay sa alaala masaya ako talaga
Satibay sa mga aral natututo ako
Satibay sa pakikipagkaibigang naglaho
Satibay sa habi na dina mabubuo

Isang malungkot na kwento
Isang simula muli ito
Isang pagasang di magbabago
Hanggang sa kabilang buhay ko
-makatang singkit
IMG20180211071933.jpgreceived_10154901030120755.png

Sort:  

Mahusay! Kuya..cite on what camera was used in your photo.
☺☺😍

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.03
JST 0.039
BTC 10794.38
ETH 359.34
USDT 1.00
SBD 0.95