Makatang singkit 1
Mula sa sariwang hangin ng ifugao
Sa tahimik na tanging pagaspas ng mga dahon
Huni ng ibong nagsasayawan sa kalawakan
Enerhiyang mula sa bukal baon ko pababa.
Tatahakin muli ang siudad na aking tinalikuran
Pulosyong nakakapanghina ng katakana
Gubat na ang tao ay may kahayupan
Sa dami ng aking dala nawa'y ako ay gabayan.
Makasama lang aking mga kapatid sa napiling larangan
Magsasayawan tayo kahit pa umulan
Isasabay ang luha na dadaloy sa konkretong daan
Sabay pulot ng basura sa lansangan.
-Marlon Ponsoy-
(Signed, Imma) @immarojas
Ang tula mo'y gumigising sa aking diwa ng pagkapilipino.
Inupvote na kita sana ako rin. Mahilig lang talaga akong magbasa at magsulat ng tula.
Hi..i handle his account but all contents are from him. i follow you na with this acct.
@immarojas