Alaala

in #steemph3 years ago

Matatagpuan ko rin ang aking hinahanap
Patuloy lang ang lakbay kahit ito ay mailap
Pasasaan din makakamit aking pangarap
Lahat ay gagawin kahit na ako'y maghirap

Payapang ilog at ibong nagaawitan
Panandaliang ako ay inyong nilibang
Tila ramdam nyo aking dinaramdam
Sa dapithapon lungkot ang hapunan

lalim ng gabi katahimikang nakakabingi
Patak ng luha di ko manlang maikubli
Sabik sa halik at yakap ng aking napili
naglaho at lumipad na parang kalapati

Alam kung di ka na babalik sa aking piling
Tanging alaala mo na lamang aking kasiping
Masasayang tagpo na di maihahambing
Malungkot na isipin sabik sa iyong lambing

Tanging larawan mo dala ko sa tuwina
Nanunumbalik aking ngiti kapag nakikita
Tanging yakap ko kapag ako'y namamahinga
Di maiwasan mapatakan ka ng aking luha
-makatang singkit-IMG20180208122523.jpgreceived_10154901030120755.png

Sort:  

Alaala na na nakakabingi
Kahit sa pagtulog ay maingay
Sa panaginip sumasagi
Lahat ng pangyayaring nagbigay buhay..

Nahawa ako sa pagiging makata mo @flabbergast-art.😁

Hindi hawa ang sayo ay sumagi
Bagkus may taglay kang di mo mawari
Ngunit kung ito ay iyong masusuri
Isa ka ring makatang [email protected]

Haha kaganda po

Satibay po @jackie20 maari mo ring dugtungan kung nais mo ito ay aking karangalan

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.03
JST 0.037
BTC 10400.82
ETH 337.30
USDT 1.00
SBD 0.95