Meet-UP sa UP (Machine Design Summit) at Dinner na rin!

in #steemph6 years ago (edited)

Pebrero na, ang bilis ng pangyayari. Parang kailan lang ang January!

Hahaha rhyming yes! Pero totoo, parang ang bilis ng panahon ngayon ano. Before you know it tapos na rin ang Pebrero nyan tas Marso na tas June na ulit at December.

Realtalk madalas di na natin namamalayan ang panahon.

Speaking of panahon, ang Pebrero ay panahon ng... PAGIBIG!!!

Pero hindi tungkol diyan ang kwento. Kasi nitong Pebrero, nagkitain ang ilang steemians sa patimpalak sa Machine Design na ginanap sa UP nitong Sabado.


20180203_142050.jpg

Syempre pag may gathering, may kainan. Sabay-sabay na rin kaming naghapunan pagkatapos.

Ang STEEMPH ay sumuporta sa patimpalak para sa mga magaaral sa high school at kolehiyo na tinanghal sa UP Diliman.


20180203_115814.jpg
@monkeypattycake, @rafasays, @dreamiely


20180203_202437.jpg

Kung gusto mo malaman ang mga ganap dito, maganda yung pagkakasalaysay ni @wilbejel Photography 101: ¤(Steemph Meetup) and Machine Design Summit 2018 at U.P Diliman Philippines. Magaganda rin ang mga larawan, kasi madaming magaganda at gwapo sa shots hahaha. Pero totoo nga, magaling talaga kumuha ng piktyurs si @wilbejel.

20180203_171931.jpg

Nakakatuwang makita ang kagalingan at pagiging masigasig ng mga kabataang soon-to-be engineers. Brings back not-so-old memories of university days din. Not-so-old daw, in denial? Ahahaha.

Pero yun nga, makikita mo ang ganyang talento at kagalingan, maiisip mo mas masaya kung naibabahagi ito sa iba.

Kaya inencourage sila na magblog din sana. Para mas maraming maimpluwensyahan ng kanilang magagandang idea.


20180203_125547.jpg

Pero ang higit pang nakakatuwa sa mga ganitong events, yung nagiging patang mini-meet-up sha hehe. Maliban kina @luvabi, @greymonolith, @grazz at @surpassinggoogle, lahat ng nakasama ko dun bagong mukha!


20180203_155123.jpg

Literal na bagong mukha lang kasi these are people I feel I already have a connection with dahil sa interraction sa posts o sa discord.

It was great to put faces behind the usernames. It was even greater to have in-person interraction with people, and really see each person's character and uniqueness.


20180203_212630.jpg

May kasama kaming artistahin dito sa pic o! Ay artista pala sha talaga haha. Si @janicehung grabe lang ang pagiging down-to-earth, magaling makisama kahit kilala na siya.

Basta nakakahappy at nakakaproud maging kabahagi ng steemph. Di man siguro natin natutulungan lahat (although we try), hindi na rin kailangang bilangin ang nagawa at patuloy pang gagawing mabuti ng bawat isa sa atin.

Good intentions show, and come a long way.


20180203_213413.jpg


Follow @bayanihan to view the work of exceptional PH talents!

Visit @sndbox pagr and learn about the amazing incubator for creatives and communities.

If you would like to support initiatives on community building and enrichment, kindly check out @steemph, @steemph.cebu, @steemph.iligan, @steemph.davao and @steemph.manila

Consider casting your witness votes for @precise, @steemgigs @cloh76.witness and @ausbitbank who have been adding invaluable contribution to the community.

To cast your votes, just go to
https://steemit.com/~witnesses

Type in the box the witness account, example below for @precise



dreamielygif.gif




Sort:  

Hindi maipagkakailang naging matagumpay ang patimpalak na ito mula sa mga ngiti sa inyong mga muka at lubos kong ikinakalungkot na ako'y hindi nakadalo.

Naway sa mga susunod na kaganapan ay ako'y makasama na.🤗

P.S. Na-inspire ako magtagalog ng direcho dahil sa umpisa ng post mo. 😅

Haha nakakatuwa ring magtagalog kasi sa pagkkwento minsan 😅

Hahaha kaya nga. Pinaka-bongga yung patimpalak, ate. Ngayon ko na lang uliy naencounter yang salitang yan.😅👏🙌

Patimpalak, word yan na gamit ng mga certified kontesera hahahaahhaaha

Hahaha certified game master!

Nice meeting you all again in person :)

Tagalog daw dito.
Napakasayang makilala kayong lahat bilang tao.
tama ba?

Nagagalak tayong magkakilanlan bilang mga tao. Hahaha

Panalo ka deng...mahusay ang pagkasalaysay. Ipagpatuloy.

Salamat mem. Gising ka na ulit. Ako matutulog palang hahaha

Need ko ulet pampatulog lolsss

Haha attend ka meeting! Ginawa mo pang lullaby ang boses ni fafa p 😂😂😂

Antok noh..kaw, try mo ahahaha

sana sa Gensan magkakaganito na din :)
steemph davao pa lang ata ang alam ko

Magkakaron din yan soon. Ipalaganap ang steem! Mabuhay!

I hope so maam , later ko lang din nalaman na some of my cryptobuddies were engaged here maam . regarding upvote bots maam . is it legal to use at some point ?

i want to cite @booster and @minnowbooster

is it safe to use them too ?

The service is there so I say it is your prerogative to use it. Kasi there is nothing in black and white na bawal sha.

So some with much sp offers this service.

Others with much sp thinks that votebots shouldn't be used.

Personally, I'm ok with them. I view it na may similarity sa investing on sp and upvoting yourself in the sense na, you have your sbds that you can easily just convert to cash, but rather you choose to boost post and have some rewards in sp.

Iba iba views jan ng ibat ibang tao. Most would say dont use bots.

I say use it or not is up to you. Just be in the know that there are accounts that downvotes some people who use upvote bots, so that risk is always there.

Ikinagagalak kong makilala kayo, Miel at Rafa! Pero pano ko sasabihin sa Tagalog yung love it? Eto na lang, bet ko tong Tagalog post mo :D


Thanks for attending a Steemit Philippines event and for writing about it. Check out @steemph and join us in discord to connect with other Filipinos on Steemit.

Visit #events to keep updated with Steemit Philippines events.


Check out our @steemph hubs:



Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 63749.66
ETH 3419.02
USDT 1.00
SBD 2.48