IPON

in #steemph7 years ago

needs-wants.jpg

image source

Halika at akoy may sasabihin,
Ito'y isang karanasan ng halos lahat sa atin.
Yung bagay na "kailangan at gusto at pag ipon" ay ating pag usapan,
Sa tula na ito, aking sisimulan.

Matutong mag impok habang maaga pa,
Wag masyadong gumastos lalo na sa hindi kailangan na.
Pagkain, damit sa aking palagay ay sapat na,
Wag sa mga magarbong gadgets at mga gala.

Okay lang naman lumabas paminsan minsan
Pero ang araw-araw sa mall, naku, iba na yan aking kaibigan.
Bilhan ang sarili ng damit, walang problema dyan,
Pabuya mo sa sarili mong pinaghirapan.

Pagdating ng sahod, ang mga bayarin unahin,
Mga utang bayaran, uy, pati utang mo sa akin.
Wag magkaron ng biglaang amnesia,
para sa susunod ay makakaulit pa.

Mag ipon habang tayo pa ay may panahon,
Hindi bilmoko dito at bilmoko dun.
Para sa pagdating ng panahon ng bagyo at ulan,
May madudukot sa ating pinaghirapan.

Sort:  

Congratulations! Your post has been selected for the SteemPH UAE : Daily Featured Posts | 25 February 2018

Wow congrats Sir, big chek unahin muna ang utang bgo bumili ng hi tech na gdget.

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.20
JST 0.038
BTC 93359.94
ETH 3459.65
USDT 1.00
SBD 3.79