Ikuwento mo sa Steemit|Pera o Bayong?

in #steemph6 years ago (edited)
Magandang araw mga ka steemian, lalung-lalo na sa kung sinuman ang napadpad sa blog kong ito. Ito ay aking lahok sa patimpalak na gawa ni @romeskie na pinamagatang, "Ikuwento mo sa Steemit", na naglalayong hikayatin ang bawat Pilipinong magsulat sa wikang Tagalog. Para sa kompletong detalye, marapat lamang na sundan ang pahinang ito: romeskie's blogpost
Ang temang aking napili ay ang nakakahiyang karanasan na di ko malilimutan.
PERA O BAYONG


photo credit

Isang panibagong taon ngunit di ko na maalala kung kailan yon. Basta sa panahon yon na nasa elementarya palang ako. Medyo di ko na matandaan buong detalye ngunit ang isang bagay na nangyari ang halatang napakalinaw pa sa akin.

Nakaugalian sa aming Bario ang pagtitipon o magkaroon ng isang kasiyahan na ginaganap sa aming gymnasium malapit sa Baranggay Hall. Masasabi nating yaon ang centro ng aming bario kung saan malapit ang mga paaralan at health center at maraming kabahayan. Ang baranggay ay nahahati sa kung tawagin ay Purok at ang amin ay ang pinakahuling purok. Huli dahil pag- tinahak mo ang aming lugar kami ay ang nasa pinakadulo. Normal sa Bario na kilala ka halos ng lahat o kung di man namumukhaan ka talaga na ikaw ay tagaruon o dayo.

Sya nga dahil bagong taon, duon kami lahat sa gym para sa salu-salo. Bawat purok ay may sariling mesa na nakapalibot sa entablado kung saan maya-maya lang masaksihan ang mga presentasyon ng bawat grupo na kadalasan pinaghandaan bago ang kasiyahan. Mga tatlong oras bago ang pagtitipon, bisi kami sa paghahanda ng pagkain na dadalhin sa gym. Kadalasan yung mga Ate at Kuya sa grupo ang lider. Nang handa na ang lahat, nilakad namin papuntang gym. Uso nuon ang sakay tsinelas lang. Kahit malayo pa kami dinig na namin ang tugtog, nakaka-excite. Nilapag ang mga pagkain sa mesa at ang iba nagsasayawan dahil di pa nag-umpisa. Ilang oras pa at nagsimula na. Nagdasal, talumpati ni Kap, sayawan at solo na kanta. Tapos kainan na. Masaya lang talaga.

Tipikal na kasiyahan sa mga ka-baryo, marami din ang nakilahok. Andun mga kaklase, kapit-bahay, mga guro, Tiya at Tiyo. Natapos ang kainan at may paligsahan. May paper dance, trip to Jerussalem at iba pa., ngunit di ako nasali dun kaya medyo naantok ako. Nakatulog ng bahagya sa aking upuan kaya tinapik ako ng kasama naming Kuya at pinapasali ako sa laro. Sakto naman ang pag-anunsyo ng bagong laro at yun ay ang Pera o Bayong. Yun yong sikat sa panahon na yon. Simple lang, gaya din ng mekaniks Sa TV, isang tanong at tatlong pag-pipilian. May posteng letrang A, B at C. Bata at matanda sali. Ito na ang umpisa.
MC: Handa na ba kayo?
Mga Kalahok: Yes, handa na!
MC: Okay, unang tanong. Kailangan itinayo ang Sekundaryang Paaralan ng ating Barrio? Ito ba ay A. 1970, B. 1971 C. 1960


Ayon kami ay nagsi-takbuhan na sa letra. At malakas ang takbo ko papuntang Letrang A at ako ang nasa una ng linya. Sumunod sa aking likuran ang mga kapit-bahay ko at iba kong kaibigan. Ay, tiwala talaga sila sakin. Ang nangyari dalawang letra lang ang may naka linya. Yung A, ako ang lider at ang katabi kong letrang B na halatang marami sila duon. Pero di naman ako tumingin sa kung gaano pala kahaba yon. Pokus lang ako saking kinatayuan. Binigyan pa nga kami ni MC ng iilang segundo para lumipat pero wala e, pinagpilitan ko talagang tama ako. Pero sa totoo lang, hula ko lang yon. Wala akong alam sa bagay na yon. Basta nagustohan ko lang letrang A. Bumilang si MC ng 4,3,2,1 and time was up daw.

MC: (naka-micropono) Ang sekodaryang paaralan natin ay tinayo noong? Ano sagot mo inday?
Ako: (tinapat ni MC sakin ang mic)A!
MC: Ano yung A? (tanong na may kunting ngiti sa labi, syempre 'lam nya mali..heheh)
Ako: 1970?
MC: Sigurado?
Ako: Opo, sigurado na.(di ako patinag-e)
MC: Okay, pero ang tamang sagot ay 1971! kaya sorry, bye bye.(pakaway nyang sabi sa akin)


Hahaha, natawa nalang ako sa sarili ko. Nakakahiya talaga. Napatingin ako sa likod at bahagyang umexit. Bumalik sa aking upuan. Ay grabe, uminit ang pisngi ko at pinagpawisan ng malamig. Habang ang mga kapit-bahay ko naman ay tahimik ding nagsibalikan sa mesa at walang imikan. Di ako makatingin ng deretso. Sa sobrang hiya ko sa gabing yon, ginusto kong umuwi na kaso nga lang madilim ang daan wala pang ilaw ang kalsada. Dapat pag-punta at pauwi ay sama-sama. Hanggang natapos ang mga palaro, di na ako sumali uli. Gayunpaman, yon ay isang kasiyahan lamang may nanalo at may luhaan, at sa kasawiang-palad ako yong talunan. Kaya binuhos ko lahat sa sayawan o disco ang tawag duon, hanggang magdamagan.
---KATAPUSAN---
Ps.: Tunay na karanasan ng may-akda. Dahil sa tanong na yon di ko na makakalimutan ang tamang sagot na ang BNHS ay tinayo nung 1971.
Sort:  

Haha. Okay lang yan. Pihado nakalimutan na iyon ng mga kabaryo mo. Enjoy enjoy lang. Heheeh. Salamat sa pagbabahagi. :-)

oo nga e, sana lang talaga di nila yon matandaan..heheh.. pero okay lang din yon, ganon talaga, may mga palpak at sablay sa buhay na syang nagbibigay kulay dito. Nasa sa atin na kong piliin nating gawing magandang ala-ala ito o hindi. Salamat din.😁

ang saya basahin

ay, haha..salamat BD, ang galing ng tagalog-serye nyo, nakakaaliw!

ito po ang link ng aming tambayan sa discord

https://discord.gg/MggAVS

  • pwede po kayong sumali. laging pong bukas ang @tagalogserye sa mga nais sumulat sa wikang Filipino
  • layunin po namin paramihin pa ang mga sumusulat sa wikang Filipino
  • may tambayan po kami sa discord
  • andun po ang ibang manunulat sa Filipino
  • pwede po kayo tumambay roon

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 57475.27
ETH 2375.39
USDT 1.00
SBD 2.34