Highlights of my Achievements in Life #steemits untalented @surpassinggoogle/ Bleesing in desguise Steemit Community

in #steemituntalented7 years ago (edited)

2015-03-27 21.12.11.jpg
Hi Steemians and have a good morning to everyone. Today I will share my achievements in life, but I will apologized to say that I am not really good in English and I am not also a writer though I will try my best to share my story and I will used tagalog language. Hope you like it.
Bawat isa sa atin ay may ibat ibang mga naabot na mga pangarap. Mga pangarap na hindi natin inaakala na maabot at makamit natin ito. Ang mga pangarap na nag sisilbing daan para tayo ay magsipag,magpursige at mag hirap dahil hindi natin ito makakamit kung wala tayung mga paghihirap o mga problema. At dahil din dito hindi tayo magiging malakas at matuto sa ating mga pagkakamali sa buhay. Sa aming pamilya 10 kaming magkakapatid.Ako ang pangwalo at sad to say namatay yung tatay naming nung 5 years old pa ako. At dahil ang nanay nalamang naming ang nagtataguyod sa amin ang mga kapatid kung babae ay nag trabaho sa Manila. Hanggang grade 6 lang kasi sila. Kaming mga naiwan ay nag aaral kahit sa hirap ng buhay.

20150327_143417_3.jpg
Noong nag aaral ako ng grade 1 nag working student na ako para may makain na rin.Dito natuto na akung magtrabaho gaya nang pag sasaing,pagwawalis at maglinis sa bahay. Paborito rin ako ng mga teacher ko kasi masipag ako at nabibilang ako sa mga honor pupil grade1 hanggang grade 6. Kahit na wala akung baon,magandang mga gamit kasi yung bag ko netbag lang noon pero hindi ako nahihiya. Noong mga highschool na ako ganun pa rin nag working student kasi walang panggastos ang nanay ko sa pag aaral.Karamihan sa mga youth pag dalaga na nahihiya pero ako hindi ako nahiyang magbenta ng mga kakanin para lamang may suhol ako kahit konte lang. Dalawa lang kami sa sampung magkakapatid na naka pag aral ng highschool kasi yung kuya ko ng working student din. At nong highschool ako naging SK Chairman ako sa aming barangay.At pag may sweldo nagbibigay ako sa nanay ko.Yung kinakain naming noon lugaw lang kasi ang hirap walang trabaho ang nanay ko at ang dami pa namin. Kahit mahirap ang buhay nangarap akong makapagtapos ng pag aaral kahit alam kong malayo sa katutuhanan na makapagtapos ako kasi mahal na pag college.

IMG_3513627335488.jpeg
Palagi kung pinagdadasal na sana maka pag aral ako. At binigay ng panginoon yun sa akin. Yung pinsan kung nakapa ngasawa nang foreigner naawa siya sa akin sabi niya padadalhan niya daw ako ng 1thousand a month at tamang-tama din may eskwelahan na bagong bukas at para talaga ito sa mahihirap kasi 2thousand lang ang tuition fee. At dito nakapag desisyun ako na mag aral ng college. Mahirap sa una kasi naging isang single parent ako noong 21 years old ako hindi pa kasi kami pwede magsama ng ama ng anak ko noon kasi wala pa kaming mga trabaho. Nag aral ako na 2years old na ang anak ko. Bilang isang single parent hindi yun naging hadlang sa pangarap ko na makapag aral. At dito 1st year to 4th year naging deans list ako at nung graduation ay nakatangap ako ng medalya kasi with honor’s kasi yun. Dito naisip ko na hindi hadlang ang kahirapan kung may gusto tayung makamit sa buhay. Ang pagtapos sa aking pag aaral ay isa sa achievement sa aking buhay. At higit sa lahat noong nakapasa ako sa Social Workers Board Examination. At para sa akin sa pag aaral walang bobo at walang matalino ang sekrito ko lang dito ay pagdadasal,mag aaral ng mabuti,maging masipag at pursigido sa buhay na makamit ang aking mga pangarap.Wala man akong trabaho ngayon kasi end na yung program pero ang Panginoon ay napakabait at nag bibigay ng biyaya at itong STEEMIT COMMUNITY ay isang instrumento na makakatulong sa aming pamilya. At para sa akin isa din itong achievement na maka join sa platform na ito.
Please upvote,resteemed at pwede po kayung mag komento magbigay nang suhestyun…Thank you…

Sort:  

Hi @chenie, I don't understand your language, but the pictures told me everything. My best wishes in steemit

That is a tagalog language sir,I used it to express my feelings freely on my story I think theirs a translation sir @danielfs you can used it. Thank you once again

Salamt brother @chrismadcboy2016 sa pag tudlo.

You always welcome.

Thank you for voting and appreciating my story I trust this community thats why I share my story in life...
...Maraming Salamat sa lahat..

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63657.90
ETH 2656.15
USDT 1.00
SBD 2.84